Someday 12

363 13 7
                                    

-Izang-

Nakarap siya ngayon sa dalawang aso galit si Coco at ready na ready nang sakmalin si Fernando habang si Fernando ay natuto na rin mukhang palaban na kahit pilay pa at kakaopera. Buti na lang may mga tali ang mga ito tig-isang poste. Di kasi pwede ang dalawa sa room niya. Kaya andito siya sa walang tao na bahagi nang isla habang nakatingin sa dalawang hayop na mukhang nagbabangayan sa kakatahol. Habang siya mukha siyang referee ng dalawa.

"Ano ba ang mga sinasabi nyong dalawa nakaka o.p." umupo na siya sa puting buhangin at nasa gitna siya ng dalawang aso.

"Oh Coco Martin anong sabi mo? Sana tuluyan ng mapilay si Fernando?" lumingon naman siya kay Fernando.

"Okay. Sabi mo dambuhalang aso si Coco at maarte" lumingon naman siya kay Coco at tumahol naman ito at parang naintindihan siya

"Oh..Di ka maarte ayaw mo lang sa kanya" nang lumingon siya kay Fernando ay tumahol ito peru sa kanyang likuran. Kaya napalingon na lamang siya at napatayo ng makita si Finn wearing his business suit.

"Sir Finn kunin mo na please si Fernando malapit na akong mabaliw" nagmamakaawa niyang sabi rito.

"Kahit di mo pa kasama si Fernando baliw ka naman talaga" he mumbled peru rinig na rinig niya.

Namulsa itong naglalakad patungo sa kanya. Her eyes meet his brown orb ang ganda talaga ng mata niya!

"Sir ganito nalang po three weeks ko lang naman babantayan si Coco, ako nalang din po ang kunin nyong yaya ni Fernando kasi wala naman po akong ginagawa eh!" pumayag ka na please! Wala talaga akong trabaho  di bale na mag-alaga ako kahit kuto basta may sweldo.

"First of all I'm not interested on that dog. Ikaw lang naman nagpilit na dalhin yan sa clinic noon diba? It's your responsibility now I already done my part" he said casually tumayo ito at namulsa sa kanyang harapan kailangan pa niya itong tingalain. Kalungkot!

"First of all ikaw ang nagmaneho kaya ikaw ang bumangga at ikaw ang may kasalanan. Second of all kung iyan lang naman pala ang ipununta mo rito umalis ka na kung ayaw mo naman palang alagaan si Fernando di wag! Layas tsupe!" taboy niya rito naiinis siya sa lalaki bakit ba paasa ito una sa trabaho pinaupo siya sa visitor chair yun pala di siya tanggap, pangalawa sabi nito wala lang daw itong time maghanap ng mag-alaga sa aso peru yun pala wala talagang balak alagaan ang pobreng aso ang gulo po ng utak ni Finn Gabriel Rivas.

"May I remind you, I own this whole place tapos palalayasin mo ako?" kunot noong sabi nito.

"May I remind you, I own my whole self kaya palayasin ko ang gusto kung palayasin sa harapan ko." sagot niya rito.

"Are you fucking with me?!" halos mag isang linya ang kilay ni Finn.

"Fucking with you? Di ka naman ata masarap eh! Excuse me ang sakit mo sa mata!" maarte niyang ikinumpas ang kamay at humakbang nakitanpa niya ang lalong pag-dilim ng mukha nito.

Isang iglap ng pangyayari ay hinila siya paharap nito at hinuli ang kanyang mga labi. Wala nang mas ilalaki pa ang kanyang mga mata sa nangyari agad na kumabog ang dibdib niya ng napakalakas. Holy shit!

Gumalaw ang mga labi nito sa napakamarahas na paraan it took a while bago siya natauhan at itinulak ang dibdib nito ng napakalakas.

Abot abot ang kaba niya at blangko lamang siya nitong tinitigan habang nakatitig din siya sa mga mata nito.

Nalimutan na niya paano mag-isip!

Buti di niya nalimutan na nakalimot na pala siyang mag-isip. Tangina! Nagkagulo na ang utak niya!

"Next time mag toothbrush ka.. " that's all he said before he storm out.

Napahawak siya sa kanyang mga labi. Tapos hinihipan niya ang palad niya di naman siya bad breath. Letse talaga!

Napatingin siya sa mga aso na piping saksi sa kanyang unang halik.

"Coco Martin! Di talaga ako nagtaksil sa baby Izekaia ko promise...OH MY GOD! para sana iyon kay Izekaia ninakaw ng pamangkin ni Lucifer!" nagpapadyak na sabi niya.

Di bumalik agad ang sistema niya dahil sa halik na iyon. Alam niyang malandi siya peru hanggang salita lang naman, oo minsan may ginagawa siya na kalokohan peru pinakaworst na iyong nangyari sa kwarto ng lalaking iyon dahil kay Daiken.

Binalingan niya si Fernando na nahiga lamang sa buhangin at walang pakialam sa paligid.

She let out a deep sigh. She need to do this kahit labas sa loob niya I'm sorry Fernando!

At malapit ng magtakip silim ng dumating si Daiken he was in messy hair mukhang galing sa kama at basta nalang bumangon at pinuntahan siya.

"What is it?!" humihikab na tanong rito.

"Amoyin mo nga ako? Bad breath ba ako?" lumapit siya bahagya rito at akmang hihipan niya ang mukha ng kaharap ng sinapo ang mukha niya sa isang malaking palad nito at inilihis ang mukha niya.

"Don't! Kakapit ang amoy!" he seriously said.

Napairap siya! Walanghiya!

"Daiken alam ko mayaman ka kasi nakita ko kanina ang kapal ng wallet mo nung nagbayad ka may ipasuyo sana ako sayo eh" he was staring at her.

"Tinitigan mo naman ako in love ka na ba sa akin?" pagkuway tanong niya rito.

"You know what your weird alangan naman ganito ako pag nag-uusap tayo" his eyes keep moving in different direction. Na ikinatawa niya.

"Natawa ka pa talaga sa sarili mong kagagahan?" ani nito amusement dance over Daiken eyes.

"Okay di na! Ganito kasi iyon nakikiusap ako sayo na alagaan mo muna si Fernando hanggang di pa ako makauwi sa amin balak ko siyang iuwi eh, kawawa naman siya di kasi pwede na alagaan ko sila sabay ni Coco". pakiusap niya.

"Who the hell is Fernando?" kunot noong tanong rito.

Itinuro niya ang aso "Mahabang kwento but please please Daiken alagaan mo please"

Napailing naman ito.

"You think I'm just hanging around the island don't you?"

Di niya ito pinansin nagpaalam na siya kay Fernando at kinuha ang tali ni Coco.

"Daiken hah! Wag ka sanang gagaya sa pamangkin ni Lucifer na walang puso at magnanakaw!" she wave goodbye to Daiken.

"Wait did I agree?" nakapamaywang na ito habang siya ay nasa ilang hakbang na ang layo rito.

"Wala ka namang choice eh! Marami kang chickababes na lalapit niyan" nilakasan pa niya ang boses kasi humakbang na siya palayo rito hila si Coco.

"Mapili ang mga chilababes Izang, Aspin ito at payat mukhang malnourish lalayuan ako ng chicks nito takot sila magkagalis!" he shouted back na ikinatawa lang niya.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon