-Someday 33-

354 16 0
                                    

-Izang-

Pang ilang beses na ba niyang binura ang message na e sent sana kay Adi at chiD gusto niyang mag paliwanag sa mga ito peru nahihiya siya.

"Anak gusto mo bang kumain?" tanong na lamang niya sa anak at inilapag ang cellphone sa center table umiling naman ito at busy sa paglalaro ng mga toys na bigay ni Izekaia, sa condo nito muna sila pansamantalang pinatigil pagkalabas nila sa hospital.

Napakislot siya ng mag ring ang cellphone niya.

Bruha Calling

Agad niyang sinagot ito.

"Bruha Kumusta?" bati niya sa kaibigan.

"Bruha ka! Wag kang ano sa akin! sino ang ama niyang  anak mo? Wag mong sabihin di mo alam susugurin kita!" napapikit na lamang siya sa lakas ng boses ni Kat sa kabilang linya. She is one of her friend kahit si chiD ang unang kaibigan nito. Nung nameet niya si Kath in person ay akala niya natagpuan niya ang soulmate niya magkasundong magkasundo sila.

"Di ko alam bruha, black out eh madilim." pang-aasar niya rito.

"Walang black out sa mayayaman, bruha may generator!"

"Galit ba talaga sila?" napabuntong hininga niyang tanong.

"Di sila galit, nagtatampo lang. Siempre nakakasama ka namin minsan peru you acted like nothing serious gotten into your life. Peru lilipas din iyon." she smiled bitterly Kath was right. She hide the truth from her friends.

"Eh ikaw?"

"Siempre nagtatampo ako noh! peru ano namang magagawa ng tampo ko I'm sure may malaking dahilan ka at reresperuhin ko yun.Hanggang ikaw na talaga ang kusang magsabi. Sabi ni chiD cute na cute daw ang anak mo dali na send me a picture peru pakiusap siya lang hah! Wag mo nag isali ang pangit mong mukha excited na kami ni Andrew makita ang baby mo!" the girl excitedly exclaimed kahit paano gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito.

"Okay, Video call na lang peru paalala lang bruha english speaking ang anak ko kaya magbaon ka ng english at magtabi ng dictionary si Andrew" natatawa niyang sabi sa kaibigan.

"Wow ang taray! ansabe ni Izang? Love!? Love..! dalian mo ang popcorn may kausapin tayong kano!!!" sigaw ni Kath sa kabilang linya naririnig naman niya si Andrew na sumagot ng pasigaw sa background. Anong akala ng gagang ito manonood sila ng movie?

"Kath thank you ha."

"Bruha ka I don't need your thank you I need cash." natatawa nitong sabi at binabaan siya and after a while nagring ang phone niya for video call.

The couples are both excited to see Franco nagkatulakan pa ng mukha sa screen.

"Aww..ang cute cute lang at ang gwapo love for sure di tayo magkaanak ng ganyan si Izang nga mukha lang siyang yaya" natatawang sabi ni Kath.

"Anong hindi? Love di mo ba alam na may lahi ako?" pagmamalaking sabi ni Andrew habang si Franco ay nakatingin lang sa dalawa na nagbabangayan.

"Anong lahi mo?" Kath faced Andrew

" Isang lahi!" at sinundan agad nito ng kanta.

"Sundan mo ng tanaw ang bukas..." at nasundan ito ng malutong na tawa ni Andrew.

Nasundan pa ng nasundan ang kulitan ng dalawa habang sila ni Franco na ang aliw na aliw na nanonood sa kanila.

When the door of the unit suddenly opened.

At nanlalaki ang matang napatitig sila sa isa't isa.

"Izang?..."

"Erin..?"

"What are you doing at Kai's place?" nandun parin ang amo at bait ng mukha nito na kaka insecure.

Bago pa siya makasagot ay nagsalita si Franco while waving his hand to the weird couple.

"Bye..Bye..Uncle Andrew Bye..Auntie Kath" Erin's stared at the young boy who look at her and smiled.

"Hi!!!" at ibinalik na ang attention sa paglalaro.

Confusion was written on Erin's face.

"Care to explain what are you doing at my cousins place and who is this kid?"seryoso nitong sabi.

After a while magkaharap na sila sa seryosong mukha ni Erin na nakaupo sa dining table sa kitchen.

She related to her what really happened di bale ng husgahan siya kahit masakit tanggapin niya iyon kasi nagkamali siya.

But Erin didn't judge her. Hinawakan nito ang palad niya na so far pag Erin ang humawak ay naging instant makalyo at matigas.

"You are so brave for keeping him, Izang" Erin smiled genuinely her eyes is loaded of emotions she can't name.

Pagkatapos ipakilala si Erin kay Franco ay nagpa-alam na ito kasi may gagawin pa raw ito. Izekaia is not around di naman kasi ito umuuwi sa condo dinadalaw lang sila nito.

Erin hugged Franco and kiss his cheek. Nakaluhod pa ito para magpantay sila ni Franco. She smiled sweetly to his son.

"You really look liked him when his younger, Franco" at tumayo na ito at nagpa-alam.

Nang maka alis na ito ay napatitig aiya sa mukha ng anak niya.

Color blind ba si Erin?

brown ang mata ni Franco black ang kay Izekaia. Peru baka ganito talaga ang mukha ni Izekaia noon maliban sa mata na namana ni Franco sa kapatid ni Izekaia.

Tatlong araw na silang nagmukmok ni Franco sa condo ni Izekaia at bored na bored na siya.

"Nanay..look at this!" tawag ni Fanco sa kanya at may dala itong kulay puti na parang papel ng makalapit na ito sa kanya ay ibinigay nito ang bitbit.

Nang tingnan niya ay picture pala iyon.

"Who's that Nanay?

Maigi niyang tiningnan ang picture at napakunot noo siya.

Limang batang lalaki ang nakaupo sa pavement at sobrang cute nilang lima mukhang luma na din ang picture na iyon buti hindi black in white naka jumper short pa silang lima at magkapareha ng suot pati sapatos at haba ng medyas ay magkatulad at ang style ng buhok nila classic na classic.

"A family picture, baby" tumango lang ang anak niya at nagpatuloy sa paglaro.

Tinitigan niya isa isa ang mukha ng mga bata na iyon una niyang nakita ang kamukha ng anak niya. The boy had this friendly smile and she felt familiar. Among the five he is the friendliest to look at. Even the familiar heartbeat of her heart that she couldn't explained.

Napansin niya ang unang bata na mukhang bully at arroganteng naka akbay sa batang mukhang maamo at inaapi habang todo ngiti naman ang kamukha ng anak niya at katabi naman nito si... Teka? Si Izekaia ba ito? Kalmado lang kasi itong naupo at mukhang seryoso sa buhay at katabi din nito ang batang mukhang nakaglue na ang pagkunot ng noo at ang talim ng tingin sa kanilang lima wala nalalamangan sa pagmumukha they are all cute and handsome .But they are all seems familiar.

Pag aagawan ito ng mga Eba ngayong malalaki na sila!

Napabalik ang tingin niya sa ka mukha ng anak niya.

Sino kaya ito? Matanong nga si Izekaia nito at makilala naman ni Franco ang kamukha niya na kapamilya ng Tatay niya malamang sobrang gwapo ng taong ito. Ito ata ang sinabi ni Erin.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon