Someday 7

322 12 1
                                    

-Izang-

Nakailang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto ng nag vibrate ang cellphone niya agad niya itong sinagot nang makita niyang si Blue ang tumawag.

"Kuya.." kahit malungkot siya ay pilit niyang pinasaya ang boses.

Pero napalitan agad lahat ng pangamba ang mukha niya ng marinig niya ang boses ng kapatid niya na nag-alalang binalita sa kanya na nasa ospital daw ang Mama niya dahil nahilo at di basta bastang bumaba ang presyon.

"Uuwi ako Kuya" nag-alala niyang sabi

"Bakit papayagan ka ba sa company mo ng agarang leave?" napakagat labi siya kasi wala itong alam sa tunay niyang kalagayan.

"Ah Kuya nabili na ba ang mga gamot?" iwas niya sa sinasabi nito.

"Di pa lahat eh peru wag kang mag-alala ginagamit naman namin ang philhealth"

"Sige Kuya magpadala ako dyan para pangkain nyo di ka naman kasama sa rasyon sa hospital. Mag-ingat kayo dyan ha sino ang kasama ni Papa sa bahay? Ang kambal? Si Gray?" sunod-sunod niyang tanong.

"Okay lang kami rito" Blue assured her. She hung up the phone after saying goodbye, di niya makausap ang Mama niya kasi tulog raw ito.

Ten-thousand lang lahat ng pera niya at kailangan niyang ipadala iyon sa pamilya niya bahala na siya sa lansangan matulog. Sa susunod na araw.

Nagmamadali siyang pumunta sa secretary ni Mr. Rivas since mabait ito tinulungan siya magtransfer ng pera sa ATM account ng Kuya niya.

"Salamat Nic" nakangiti niyang pahayag sa secretary.

"Okay lang iyon no problem mabait ka naman eh" nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Why are you still around?" kahit di pa niya lingunin ang nag-sasalita ay alam niyang si Rivas ito.

Bakit? Paa mo tong gamit ko? Paa mo?

Gusto niyang pilosopohin pero mas pinili niyang magpakumbaba na lang

"I'm sorry sir, nakisuyo lang ako sa Secretary mo emergen.."

"I paid Nica to work for me not to do your whatever business!" tumaas bahagya ang boses nito at kita sa mukha ng Sekretarya nito ang matinding gulat.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili ang dami na niyang problema sa mundo dagdagan pa nito.

"Alam mo ikaw! Nang-aano ka rin no?! Bilang pinsan ni Adi wala ka talaga sa kanya kahit sa kalingkingan man lang ang sama ng ugali mo!"ewan niya sa sarili ba't siya biglang naiiyak baka parating na ang period niya. Peru naiiyak talaga siya eh kaya suminghot siya.

"You knew Adrienne?" nakakunot noo parin nitong tanong.

"Oo bestfriend ko yun!" sumisigaw na siya kahit kalmado lang ang kausap niya. Anak ng baka bakit ba ako naiiyak!

"Then why wouldn't you ask her for a job? Bakit nagpakahirap ka pang mag-apply?" kita niyang di ito naniniwala sa sinasabi niyang bestfriend niya si Adi sa ganda at yaman ba naman nun mukhang walang poor friends yun kung basehan mo lang ang estado ng buhay ni Adi.

"She had done so much for me, at ayaw ko na abusuhin ang kabaitan ng tao sa akin" at nagmamadali siyang naglakad palayo.

She can't deny the fact that Adi has been a big part of where she is right now. Apart from that she is lucky enough to have Adi and chiD in her life.

Lumabas siya ng building at nag-pasyang maglakad lakad sa paligid since mag tatanghali pa lang at mamaya pang alas tres ang speedboat na sasakyan niya pabalik titingnan muna niya ang ganda ng isla.

Di niya namalayan na isang oras na pala siyang naglalakad hanggang nakaramdam siya ng gutom napatingin siya aa isang cafe at nalunok niya ang laway ng makita ang mga cake na nakadisplay. Mas lalong kumulo ang tiyan niya, di nga niya alam kung pakainin pa siya ng tanghalian ngayon since di naman siya natanggap.

Napaupo siya sa isang bench. Pumwesto siya patalikod sa cafe kasi naglalaway ang bagang niya. Mga ten minutes siyang naupo sa bench ng may lumapit sa kanya at kinalabit siya.

"Wala akong piso!" sabi niya habang di man lang nag-angat ng tingin at busy sa kakalaro sa cellphone.

"Miss pinabigay po sa'yo" sabi ng boses babae at ng lingunin niya ito may dala na itong isang hiwa ng cake at isang shake na di niya alam ang mga pangalan. Sa kape nga ang alam lang niya 3in1 at ang pang rechked ay iyong may babaeng mahaba ang buhok peru tinatawag na "starbucks" sana "Maria" nalang wala namang star doon na nasa box.

"Ah Miss..." untag sa kanya ng waiter base sa damit na sout nito.

"Sino nagpabigay? Baka may gayuma yan!" binigyan niya ng matalim na tingin ang babae kahit ang dila niya ay gusto ng lalawit dahil sa uhaw at takam.

"Super gwapo po ang nagpabigay ayun siya...ay sayang nawala na si Mr. Handsome kaya malabo po na may gayuma iyan mas kayo pa po ang kaduda duda" gusto niyang hilahin ang matalas na dila ng kaharap.

"Baka gusto mo manghiram ng mukha sa pusa?" she smiled evilly at her.

Inirapan lang siya ng kaharap at inilapag ang dala nito sa bench at umalis.

Ma atittude si Atey!

Nilantakan niya ang pagkain na binigay bahala na kung may lason man ito malamang dead on the spot siya dahil ang dali lang niyang inubos ito. Kainis kapiranggot lang! Hanggang lalamunan ko lang.

Dahil di naman niya alam kung sino ang pasalamatan sa nagbigay ng pagkain ay agad siyang bumalik sa kwarto na inukopa nila at nandun ang apat na babae na nakasabay niya mag apply nag-usap usap ang mga ito at mukhang masaya.

"Hey anong department ka?" the girl with a blond hair asked.

Lumingon muna siya to make sure na siya ang kinausap. Nang ma confirmed na siya nga ay malungkot siyang ngumiti.

"Di ako natanggap eh! Wala daw available na position for me"

"Talaga? Yan ang sabi sayo? But they are still hiring 150 staffs kahit sa anong position although masyado silang mapili peru pag may pinadala na dito ibig sabihin may trabaho na iyon" nagtatakang sabi ng babaeng long straight and silky hair.

Malungkot lang siyang ngumiti sa mga ito at nagsimula ng ayusin ang mga gamit.

Habang nakikinig lang siya sa kwentuhan ng apat at ng aantay ng alas tres ay naisipan niyang doon na lamang sa dalampasigan mag-antay ng speedboat.

Sumakay siya sa van kasama ang mga karton. Napatingin tuloy siya sa kanyang dibdib, di naman straight tulad ng mga tabi niyang karton.

When the van reached their destination nagpasalamat siya at bumaba.

Napangiti siya sa ganda ng paligid at napasigaw siya ng napakatinis ng basta na lang may dumamba sa kanya na mabalahibo at natumba siya sa buhangin.

"Coco!!" napapikit siya at nakatakip ang dalawang palad sa mukha

"Bad dog, Bad! now sit!!" nang buksan niya ang mata ay nakaluhod na siya sa buhangin. Una niyang nalita ay ang asong napakalaki at nakalabas ang malaki at mahabang dila. Nang tingnan niya ang katabi ng aso ay nagulat siya at isang topless na Izekaia ang nabungaran niya na nilagyan ng tali ang leeg ng aso.

Mama Mia! He is perfectly carved!

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon