Someday 9

354 13 2
                                    

-Izang-

"Magbihis ka muna, here use this" matalim niya itong tiningnan at ang bagay na ibinigay nito sa kanya it is a long scarf.

Wala siyang balak abutin ito kaya inilapag nalang nito sa kanyang tabi.

"I won't look, I promise" he said at naglakad na ito papunta sa unahan at tumalikod.

Nanginginig na din talaga siya kaya nagbihis na din siya. They are in the middle of the sea at tanging si Finn Rivas lang ang tao kaya maigi niya itong tiningnan pero di ito gumalaw kahit konti sa pagtalikod.

Kanina pa siya tapos pero wala siyang balak sabihan ito bahala itong manigas!

"I guess you're done" at dahan dahan itong lumingon.

Umiwas siya ng tingin rito at tumingin sa napakabughaw na karagatan.

They are silent for the whole time, nanlumo siya at naiiyak ng makita niyang nabasag pala ang cellphone niya.

Kung minamalas ka nga naman oh!

Nang palapit na sila sa daungan ay naalala niya ang pera na bitbit yung five thousand na binigay ni Izekaia at nanghihina siya nang maalala na baka nabitawan niya ito ng matumba siya kanina pilit niyang hinahanap saan man sulok ng speedboat pero wala talaga.

Frustrated, she screamed "AHHHHHHHH"

Alam niyang pasulyap sulyap sa kanya ang pamangkin ni Lucifer. Kung di dahil sa kagagawan nito wala sanang nangyaring ganito sa buhay niya. Oo! may kasalanan siya rito na trespass niya ang privacy nito pero yun lang yun!

Bumuntong-hinga siya magagawan pa rin niya ito ng paraan.

Nang dumaong na sila ay laylay ang balikat niyang naglakad palayo rito at mahigpit na hinawakan ang bag baka mawala pa ang pera niyang pamasahe pauwi sa apartment niya kahit piso di mag excess iyon saktong sakto lang talaga pag nagtaas ang pamasahe baka magmakaawa na lamang siya sa konduktor ng bus.

Nang biglang may tumabi sa kanya at inakbayan siya at may matulis na bagay na itinutok sa kanyang tagiliran ay napaluha nalang siya.

"Bigay mo nalang lahat bago ko butasan itong tagiliran mo" maangas na sabi ng lalaki at idiniin pa lalo ang kutsilyo sa kanyang tagiliran. Walang salita niyang ibinigay ang bag niya at nagmamadali ang mga itong naglakad palayo na parang walang nangyari.

Nanghihina siyang napaupo sa pavement, wala na talaga siyang mahugot pa na lakas napatingala na lamang siya sa kalangitan na nagsimula ng dumilim at uulan pa ata. Mapait siyang ngumiti may imamalas pa ba sa siya?

Oh come'on bring it on! Para lubos na!

naiinis niyang sabi sa isip at di kalaunan ay umihip ang malakas na hangin at nagsimulang pumatak ang ulan kasabay noon ang mga luha niya. Damn life!

Nagsimula na siyang umalis sa pavement na kinauupuan at nagpasyang maglakad na walang patutunguhan. Mababaliw na ata ako!

Isang itim na magarang kotse ang huminto sa kanyang harapan nagmamadali niyang iniwasan ito ayaw niyang makidnap at ibenta ang mga lamang loob niya.

Pinagtitinginan na siya ng mga taong sumisilong sa mga bangketa pero wala siyang pakialam nang basta na lamang may humila sa kanya sa braso at sisigaw na sana siya ng tulong ng masubsob siya sa matipuno nitong dibdib. Itinulak niya ito at nang mapagsino ay halos umusok ang ilong niya sa galit. Pinaghahampas niya ito sa dibdib habang nakayapos naman ito sa kanyang baywang.

"Ikaw na hayop ka! Pamangkin ka ni Lucifer ikaw ang dahilan ng kamalasan kung ito ano? Ha! Ang saya saya mo na! Tumawa ka! Masaya diba?" bumuhos na naman ang mga luha niya.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon