Someday 14

362 14 2
                                    

-Izang-

Napaunat siya sa pagkahiga at ng imulat niya ang kanyang mata ay nasa sofa na siya siya natutulog at wala na si Finn doon agad lumipad ang mga mata niya sa kama at wala na din doon si Izekaia napabangon siya at napatingin sa orasan alas nuebe na pala ng umaga, agad niyang tiningnan si Coco peru nagulat siya at wala ito doon naghilamos  at nagmumog lamang siya at nagmamadaling lumabas. Una niyang kinatok si Izekaia.

Nang walang nagbukas ng pinto ay nag-alala na siya. Lagot mawawalan ako nito ng trabaho!

Naoagpasyahan niyang bumaba ng hotel at hanapin ang aso.

Kanina pa siya hanap ng hanap ay di talaga niya makita. Naupo na lamang siya sa isang bench ang init na kasi ng sikat ng araw nauuhaw na siya at nagugutom pa.

Isang tahol galing sa kanyang likuran na muntik ng mapatalon sa kanya sa gulat. Nang lingunin niya ito ay napangiti siya

"Coco..ikaw na aso ka muntik na akong mawalan ng trabaho saiyo" sabi niya sa aso sabay haplos sa ulo nito. Sarap batukan!

Ngumiti siya kay Izekaia at agad na uminit ang mukha niya ng ma-alala na dumampi ang labi nito sa gilid ng labi niya..

"Hey, are you okay? Namumula ka bigla" the usual kumunot na naman ang noo nito.

"Ayem payn ser" pabebe niyang sagot rito.

"What?" mas lalo ata siyang nagmukhang alien sa paningin nito sa paraan ng pagkatitig nito sa kanya.

"I'm fine sir" nakangiti niyang sabi rito.

"Let's eat" he declared

Dahil gutom na gutom na siya agad siyang tumayo at pumayag. Iniwan nila si Coco sa animal care at nagulat siya at huminto ang isang puting Hilux sa kanyang harapan. Bumaba doon ang lalaking nagmamaneho at nagpa alam kay Izekaia. Binuksan nito ang pinto para sa kanya. Wow gentleman talaga!

"Saan tayo kakain sir?" pagkuway tanong niya rito.

"drop the sir, masakit sa tainga" he said while he focus on driving.

Tumango lang siya.

"I'm sorry about last night" he said.

Napatingin siya rito saan naman ito nagsorry sa pangdidisturbo? O sa muntikan ng paghalik sa kanya?

"It's okay " ngumiti na lamang siya.

God pwede ko bang e remind sa kanya na may di natuloy at ngayon pwedeng pwede nang ituloy?

"Saan pala tayo kakain?" tanong na lamang niya ang landi na talaga ng isip niya.

"You will know when we get there" tanging sagot lamang nito.

Huminto sila at sumunod lang siya nito peru Izekaia pull her to his side at halos himatayin na siya sa kilig she was drowning in her thought that it is a date. Gosh! Kenekeleg ako

"Mary..." kumunot ang noo niya sino ang tinatawag ni Izekaia?

"Your spacing out Mary" he said while staring at her at ngayon lang niya naalala ang suot niya at ang ayos niya at gusto niyang magtago.

Naka loose shirt lang siya at naka shorts at nakatsenilas na may malaking bulaklak na sunflower tig-iisa. Naka messy bun ang kulot na buhok niya at buti nalang nakapag mumog at nakapaghilamos siya. Sure siya nagmukha siyang alalay sa lalaki

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon