-Someday 21-

350 13 0
                                    

-Izang-

Matapos niyang makipag-usap sa anak ay nag handa na siya para matulog di niya maiwasan na isipin ang nangyari. Iba pala malasing si Finn nagpapakilig...

"Eieeeyyyy" impit niyang tili habang gumugulong gulong sa kama. Matanda man ako sa iyong paningin abot langit din ako pag kiligin. Kinikilig niyang bulong sa isip.

Kahit sumusuray na ito ay pinasakay siya ng tricycle at binalaan ang driver para lang itong siga sa kanto na may maamong mukha he is a contradiction kanina na ikinatawa niya.

Nakatulugan niya na iniisip ang gwapong mukha ni Finn.

••••••••

Days passed..

Simula ng gabing iyon di na niya nakita pa ang pagmumukha ni Finn sa opisina at dahil likas siya na chismosa nalaman niya na lumipad ito sa Australia para sa business din nito doon.

Lunch break na at busy siya sa pagkain ng tumunog ang cellphone niya touch screen na ito siempre!

"Kuya Blue napatawag ka? malayo pa ang pasko" biro niya sa kausap minsan lang kasi ito tatawag sa kanya.

"Alam ko may calendar naman kami dito" ganting sabi ng Kuya niya umikot ang eyeballs ng mata niya para tuloy siyang na possess.

"Izang, nanalo kami sa pa raffle ni Mayor na trip to Manila whole package." masayang balita sa kanya ng Kuya niya.

"Wow ang galing mo naman Kuya pati pa raffle ni Mayor pinatos mo na" she said in sarcastic tone.

"Magpa-alam ako na na dalhin namin si Franco three days lang naman" malaki ang tiwala niya sa pamilya niya tungkol sa anak niya kaya pumayag siya. Once lang naman siya nakapunta ng Maynila noong inimbatahan siya ni Adi last year pa iyon.

"O sige, mag-ingat kayo doon hah. Si Franco Kuya si Nanay at Tatay ang kambal at si Gray ikaw na ang bahala doon" sabi niya sa Kuya niya.

Nagpa-alam ang kapatid niya at mag eempake pa raw sila.

Kung may pera lang sana siya gusto niyang ilibot sa buong bansa ang pamilya niya.

Two days went smooth for her masaya siya na makita ang pictures ng pamilya niya na nagsasaya at minsan din mag video call sila.

Nakasubsob siya sa trabaho ng mag-ring ang telepono niya.

"Hello Kuya?" she asked.

"Izang..." the sound of his brother voice bring shiver to his spine automatically she felt something bad happen napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

"Kuya anong nangyari?" abot langit ang kaba niyang nararamdaman at naiiyak na siya.

"Si Franco..I'm so sorry" umiiyak na sabi ng Kuya niya.

"Anong nangyari sa kanya?! Nasaan ang anak ko?!" nag hysterical na sigaw niya si Bryne at Ge-em ay agad napalapit sa kanya at iba pa nilang katrabaho.

"Nasa hospital kami ngayon! Nasagaan si Franco Izang" umiiyak na sabi ng Kuya Blue niya nabitawan niya ang teleponong hawak.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon