-Someday 37-

343 14 2
                                    

-Izang-

"Look Nanay! It's Jollibee" masayang pumalakpak ang anak niya ng makita ang mascot ni Jollibee na kumakaway kaway habang nakipaglaru sa mga bata.

"Gusto mo bang lumapit anak?" agad naman na lumapad ang ngiti nito at tumango.

"Okay hintayin natin ang Tita Danna." si Danna ay ang nakatira sa katabing unit ni Izekaia. They became friends eventually dahil gustong gusto nito si Franco. She is also a Manager on an exclusive restaurant.

Natapos ang buong araw nila na iyon sa loob ng isang mall at sa paglalaro sa arcade.

"Wag kang magluto later, sa unit ko kayo kakain magluluto ako" nakangiti nitong sabi.

"Nakakahiya na Girl, lagi na lamang kaming nakikain sayo may mga groceries naman kami linggo-linggo kaya iyon dumating"

"Hayaan mo na ang yaman naman kasi ni Mr. de Cuesta di siya maghihirap nun" napatango na lamang siya kung di lang talaga masyadong nakakahiya ay ipapadala niya sa probinsya ang mga grocery nila sobra-sobra na kasi.

And besides may nakagawian siya na ituro kay Franco.

Every Wednesday ay nagluluto sila ng marami para ipamigay sa mga taong lansangan na mapadaan sa building nila. Wala pa ngang isang oras ay nauubos na ang niluluto nila.

Mag-isang buwan na silang nakatira dito at di man lang bumalik si Izekaia o tumawag man lang.

Matapos silang maglinis ng katawan ni Franco ng may kumatok.

"It's Tita Danna" excited na sabi ni Franco.

"Mukhang dito tayo kakain anak. Wait lang pagbuksan ko lang si Tita Danna okay." tumango naman ang anak niya na nakaupo sa sofa.

Naglakad na siya at nakangiting binuksan ang pintuan.

"Girl dito..." nabitin sa ere ang sasabihin niya nang mapagsino ang kumatok.

"Fi-Finn?" di niya makapaniwalang sabi. He is wearing a very serious looks at para itong kinuyog ng tambay sa kanto. Ang gulo ng buhok at gusot ang suot na business suit.

The abnormal beating of her heart suddenly appear to her senses.

"I want to talk to Izekaia! Carizza" napatiimbagang ito at pati siya nagulat sa boses nitong napakaseryoso at nagtitimpi.

"Huh? Wa-wala dito si..."

"Izekaia!!!!" biglang sigaw nito at bahagya siyang napa atras.

Diretso itong pumasok sa loob at ramdam na ramdam niya ang galit sa aura nito.

"Izekaia!!!!" dumagundong ang boses nito sa loob ng unit.

"Pakiusap Finn..."

"Nanay...." biglang tumakbo si Franco sa kanya at parang naiiyak sa takot na yumakap sa kanyang binti. Agad naman niyang yinakap at kinarga ito at matalim na tingin ang pinukol kay Finn.

His facial expression automatically soften na nakatingin sa kanila ni Franco sa di niya malamang dahilan he somewhat looks like crying namumula ang mata nito.

"Nakikiusap ako Finn, wag kang sumigaw natatakot ang anak ko" her voice is pleading but her eyes shows that she wanted to strangle him.

Nakasubsob ang mukha ni Franco sa leeg niya at yumayakap ng mahigpit sa kanya. Hinaplos niya ang likod ng anak.

"Shh! it's alright baby!" alo niya sa anak niya.

Finn was immobile he looks like a statue that breaths.

He was shaking and he seems very uncertain.

Nakatingin lang ito sa mukha niya at  titingin kay Franco.

"Wala dito si Izekaia kaya pwede ka ng umalis" taboy niya sa lalaki.

Humakbang ng isang beses si Finn dahilan ng paghakbang din niya ng paatras.

"Sabi ng wala dito si Izekaia" pigil na pigil niya ang pagtaas ng boses.

Galing sa pagkasubsob sa leeg niya dahan dahan na tumingin sa Franco kay Finn na nakatayo malapit sa kanila when their eyes meet. Pakiramdam niya hindi huminga si Finn at pigil na pigil ang pagbagsak ng luha na ikinataka niya.

"Hi!" ngumiti ito sa anak niya.

Pinagmasdan lang ito ni Franco ilang saglit at ibinalik sa pagsubsob ang mukha sa kanyang leeg.

Finn's eyes looks hurt.

"Natatakot siya sayo Finn, kaya please lang umalis ka muna." mahinahon na niyang sabi sa lalaki naguguluhan kasi siya sa inasal nito.

He swallowed at gumalaw ang adams apple nito.

"Can I talk to you?" his eyes plead.

Kaya napakunot ang noo niya.

"Tungkol saan naman?" takang tanong niya.

"About..."

"Izang!" kapwa sila napalingon sa tumawag and it was Danna.

"Oh may bisita ka pala Hi! Mr. Rivas good evening the dinner is ready." nakangiting pahayag ni Danna.

"Sige susunod na kami Girl" sabay tango sa babae.

"Akin na si Franco mauna na kami"at agad na kinuha ng babae ang anak niya . Finn's eyes shows an unexplainable emotions while looking at Franco. Nang maka alis na sila Danna ay kinausap niya ito.

"Finn, isang buwan na simula ng umalis si Izekaia pabalik sa New York. Puntahan mo nalang siya doon para kausapin o di kaya ay tawagan mo" mahinahon niyang sabi rito.

"Carizza" sa paraan ng pagtawag nito ay nagwala ang puso niya.

Humakbang ulit ng isang beses si Finn at itinaas ang kamay para hawakan ang mukha niya peru umatras siya at nagmamadaling lumabas.

"Pakisarado ng pinto kung aalis ka na" yun lang ang sabi niya at tuluyan ng tinalikuran ito.

She hate the fast beating of her heart.

Bakit ka ba di nagbabago di nga pwedeng maging kayo! Kastigo niya sa puso niyang malandi.

She is thankful enough when Danna didn't ask anything. Tahimik lang siyang kumakain habang ito ang nakipag-usap kay Franco at panakanaka lang siyang sinusulyapan.

When the dinner is done ay saglit lamang na nanonood ng movie ang anak at humihikab na ito.

"Uwi na kami girl, thank you for the dinner"

"Sige, goodnight little kulet"  paalam nito kay Franco.

At pinagbuksan siya ng pinto dahil karga niya ang anak niya.

Napahinga siya ng maluwag ng makitang sarado ang unit ni Izekaia. Hinatid siya ni Danna hanggang sa pintuan ng unit ni Kai.

"Goodnight Izang, always remember I am always here" nginitian lang niya ito at bumalik sa sarili nitong condo.

Inilapag muna niya sa sofa anak para buksan ang pintuan ng kwarto nila at maipasok ang anak niya sa loob ng mapansin niya na bukas ang ilaw ng dining room.

Kunot noo niya itong pinuntahan at nakita niya si Finn na nakaupo sa upuan at nakasubsub ang mukha sa lamesa.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong niya.

Nang nag-angat ito ng mukha ay parang pasan nito ang mundo sa laki ng problema.

"Carizza, wag mong ilayo sa akin ang anak ko, ikakabaliw ko iyon" agad na napakunot ang noo niya.

Anong anak?Adik ba siya?

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon