PROLOGUE

433 16 0
                                    

December 23, 2012

Christmas Festival. Ang daming booths sa school, masasayang activities, refreshments, marami ding mga rides at ang pinakamahalaga ay kasama ko siya.

"Sumakay tayo dun!" nakangiti akong nakatitig sa mukha niya. She's obviously beaming while pointing to the Ferris Wheel.

Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa mukha niya. Every blink of her fresh eyes, every natural blush on her round cheeks, every strand of her hair waving casually in the thin air, and that sweet smile from her cute lips pulls me deeper toward her. And right then, without a doubt I stumbled towards her without stopping until I had fallen...completely.

"Fiel? Nainlove ka na sakin noh? Haha. Love you too doods," pero ang pinakamasaklap sa lahat... ay ang katotohanang kailangan kong gumising sa kapapantasya sa kanya... dahil...

"Sure doods," kaibigan niya lang ako. At siya? Walang ideya sa totoo kong nararamdaman...

"hoy! Nagkakaconfessan na ba kayo diyan? Mag-rides na tayo woy. Mamaya na yan," sabay kaming napatingin sa iba pa naming kasama na papalapit sa amin. May mga hawak silang inumin.

"Baliw!" sabay pa kaming nagreklamo kaya napatawa nalang siya.

"Saan niyo unang gusto?" nagtanong ang isa naming kasama.

"Sa Ferris Wheel daw sabi ni Christel," sagot ko at napatingin sa kanya na ngayo'y malapad nang nakangiti sa akin.

"Okay. Kaso medyo maliwanag pa eh. The best sumakay ng Ferris Wheel kapag madilim na," napatingin ako kay Christel na parang nag-iisip.

"Tapos mamaya, may lights out! 1 minute na papatayin ang lahat ng ilaw. Tapos sabay-sabay na magsisindi! Hindi ba the best kung nakasakay tayo lahat nun sa Ferris Wheel, diba?"

"Oh sige na nga! Sa bump cars muna tayo!" sagot ni Christel tsaka kami naglakad palapit dun sa booth ng bump cars.

Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon