CHAPTER FIVE

111 4 0
                                    

*Your Name: Si Mister Effielino Suplado.

"Kuya!" a teenage lad suddenly rose up from his seat nang makita si Fiel na makapasok sa silid.

Makikita sa mukha ng lalaki ang sobrang pag-aalala at ekspresiyon na parang marami siyang gustong sabihin kay Fiel.

"Sam," and Fiel patted his shoulder bago mapatingin sa "hospital bed" kung nasaan si Secretary Sid at mapatitig ng maigi sa mga aparatu na nakakabit sa katawan nito.

"Sid. How could this happen to you?" wala sa sariling tanong ni Fiel nang hindi man lamang inaalis ang tingin sa walang malay niyang Secretary.

"Nasa Operating Room pa siya nang dumating ako Kuya. Sabi naman ng doctor na hindi ganun kasama ang kalagayan niya. Ang sabi din ng mga pulis, na nakakita sa kanya, driving under the influence of alcohol raw," napa-pause si Sam na parang pinipigilan ang kung anong pagkainis.

"Hindi ang Itay ko, Kuya. Kilala mo siya. Hindi siya ang tipo ng taong gagawa ng ganun sa sarili niya!" sinabi ni Sam. Mangiyak-ngiyak niyang iniangat ang ulo na parang nagpipigil ng iyak.

Kumpara sa edad niya, matangkad si Sam. Halos magkasingtangkad na nga sila ni Fiel. He had a lean, muscular physique that shows his sturdiness and laboriousness.

Hindi agad nakapagsalita si Fiel. 'Pagkat naalala niya ang huli nilang pag-uusap ni Secretary Sid kanina.

***

"Hello Secretary Sid. Dumaan ka ba dito?" agad niyang tanong.

("Naku imposibli po yan sir. Nandito pa ho ako sa Villa at pabalik pa lang po diyan. Bakit po?")

Sa boses ni Secretary Sid, nakasisiguro si Fiel, na hindi nakainom si Sid nang mga oras na 'yon!

"So s-sino?"

("Ano pong sino? May nangyari po ba sir?") nag-aalala agad ang tono ng boses nito sa kabilang linya.

"Ah. W-wala. Sige mag-ingat ka pabalik."

("Syempre naman po.") sagot ni Secretary Sid bago natapos ang tawag.

***

"Tama ka Sam, imposibli ngang driving under the influence case ang nangyari kay Sid," tugon ni Fiel sa mababang boses.

"Tila sadya ang aksidenteng ito, Kuya," napatingin si Fiel kay Sam.

"Kasi bago pa man ang biyahe niya sa Villa niyo, nangako siya sakin na manonood kami ng Sine at kakain sa labas pagbalik niya. Pero bakit? Bakit naman siya iinom at hahayaan ang sarili niyang maaksidente ng ganito diba?" hindi na pinigilan ni Sam ang emosyon at tuluyang umiyak.

Fiel brushed his hands on Sam's back.

Sam is like a brother to him somehow. Katulad ng kung gaano niya pahalagahan si Secretary Sid na parang totoong guardian niya.

"It's okay Sam. Ang mahalaga ngayon, nakaligtas kahit papaano si Secretary Sid. Wag kang mag-alala, hindi ko palalampasin ang pangyayaring ito."

Napatingin si Sam kay Fiel at napangiti na parang nabuhayan siya sa sinabi nito.

"Dahil kung sinadya man ito, ibig sabihin 'nun, kasalanan ko ang nangyari sa Itay mo," Sam stopped trying to sink in what Fiel had just said.

"Anong ibig mong sabihin--" hindi na natapos si Sam na tanungin si Fiel dahil nagsidatingan na ang mga nars at ilang doktor na narito upang batiin si Fiel at tingnan ang kasalukuyang kalagayan ni Secretary Sid.

Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon