CHAPTER TWELVE

59 3 0
                                    

*Your Name: Beau Ideal.

Ilang araw na siyang hindi mapakali. At kung may oras lang siya, siguro ay naghanap na siya ng kahit na anong paraan upang matuldukan ito. Kaso sa sobrang pagiging abala niya nitong mga nakaraang araw, wala.

Ngayon lang...

***

"H-Harrion L-Lee?"

***

Napapailing si Harrion habang nakapikit at suot ang headphones niya sa tuwing bumabalik sa isipan niya ang reaksiyon ng babaing 'iyon' nang madatnan siya sa tapat ng apartment na 'iyon' noong gabing 'iyon'.

Malinaw ang dahilan niya kung bakit siya nagpunta doon.

Upang ihatid ang mga naiwan na mga bagahe 'nong babaing natulog sa taxi niya at kinailangan niyang isama papunta sa Witches Kingdom, na medyo pamilyar sa kanya dahil sa kakaiba nilang unang pagkikita. At hindi upang makita at mamukhaan bilang si Harrion Lee, lead vocalist ng PWESTO at isa sa mga hinahangaang idolo ng showbiz industry.

Pero wala na. Dahil natanggal na ang takip niya. Well dahil literally, wala siyang suot na face mask 'nong namukhaan siya ng babaing 'yon.

Napahinto siya nang maramdamang may kumukubit sa kanyang braso. Tinanggal niya ang headphones at saka napalingon. Nandito siya sa headquarters ng PWESTO ngayon.

Halos mapatalon siya sa gulat nang makita si Fredrick na parang zombie (magulo ang buhok, maiitim ang eyebags, may mga natuyong laway pa sa gilid ng labi at mukhang antok na antok pang nagkakamot sa ulo niya.)

"Bro? Kinukuto ka ba?" sumimangot lang ito sa sinabi ni Harrion.

Mas lumapit ito kay Harrion kaya mabilis na tumayo si Harrion at napalayo kay Fredrick na parang diring-diri siya rito.

"There's no food," malungkot nitong balita sa kanya.

"Just call Miss Alexa," agad na sagot ni Harrion at pasimpleng hinarang sa ilong niya ang hintuturo. "Bro. Maligo ka naman!"

"Out of town ngayon si Miss Alexa," sa tono ng boses ni Fredrick, para siyang batang inagawan ng ice cream at malapit ng umiyak.

Nagpuppy eyes siya at tiningnan ng makahulugan si Harrion.

"Harry, can't you just go grab our groceries? O?" he said, still rubbing his head. Tila napakunot noo naman si Harrion nang marinig ito.

"Tsk, don't call me by that name!"

"Potter, sige na..." double puppy eyes at pagpapaawa pa ang ginawa ni Fredrick sa harap ni Harrion bago mapabuntong-hininga si Harrion na parang napipilitan.

"Basta maligo ka ha? We're supposed to be resting-- haii naku," reklamo ni Harrion habang inilalapag ang headphones niya sa coffee table.

"Pumapayag ka na bro? Lalabas ka talaga?" masiglang tanong ni Fredrick. Malayong-malayo sa tamad at nakasimangot niyang pagmumukha kanina.

"Oo na nga," papasok na siya ng kwarto upang magbihis nang marinig niya pang magsalita si Fredrick sa mataas at hyper na boses.

"Guys narinig niyo 'yon? Lalabas daw si Harrion para bumili ng pagkain!"

Kaagad na nagsibukas ang mga pintuan ng mga kwarto ng iba pang kabanda at kanya-kanyang sabi ng ipapabili kay Harrion. Lumapit pa si Daniel at may medyo mahabang listahan ng mga ipapabili niya na inabot kay Harrion.

Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon