CHAPTER TWENTY ONE

62 0 0
                                    

*Your name: Beautiful Escape

[Start of Monday's POV...

Could he still remember? 7 years ago.
That time when...

***Start of Flashback...

"ALL OF YOU GET OUT!" rinig kong sigaw ni Fiel mula sa silid niya dito sa mansion ng mga Lorenzo. Nakarinig ako ng mga tunog ng mga pagkabasag at mga nagmamadaling yabag na parang aligaga ang mga tao sa silid na iyon.

Napatingala ako sa maaliwalas na langit at napabuntong-hininga. Nakahiga lang naman ako sa bubong ng silid ni Fiel habang ang mga braso kong nakatupi sa likod ng ulo ko ang ginawa kong unan.

Tulad ng sabi ko kanina, napakaganda ng panahon. Taliwas sa nararamdaman ni Fiel.

"Young Master! Mahigpit pong ibinilin ni Don Miguel ang inyong kalusugan sa amin. Dalawang araw niyo na pong tinatanggihan ang inyong pagkain. Nakiki-usap po kaming--" hindi na naman natapos 'yong nagsalita.

Napapikit ako ng mariin nang marinig na naman ang sumunod na tunog ng pagkawasak ng kung ano sa kwarto sa baba.

Dalawang araw. Halos dalawang araw ang nakalipas nang matapos ang lahat sa pagitan ni Fiel, Harrion, Lorraine at Christel. Dalawang araw ng dalamhati. Alam kong mahirap pa sa ngayon ang salitang 'pagtanggap' sa isip ni Fiel. At idinadaan niya na lamang sa paghuhuramentado ang sakit ng pagkawala ng mga mahahalagang tao sa buhay niya.

"GET THE HELL OUT OF HERE! ALL OF YOU!"

Dalawang araw palang ang nakalilipas, at baka isang araw pa ay maging halimaw na siya sa kakasigaw. Buti na lang matibay ang silid niya at nakakaya pang tumanggap ng mga additional na pagkawasak gawa ng pagwawala niya.

Napatayo na ako at namagpag. Napatingin ako sa suot ko at napakamot sa noo.

Ngayon tuloy napilitan akong magsuot ng maid uniform at magpanggap na tagapagsilbi para maobserbahan siya ng malapitan. Sigh.

Isinuot ko ang face mask at nagmadaling pumuslit sa kusina. Nagsibalik na ang mga tagapagsilbi galing sa kwarto ni Fiel. Lahat sila hindi maipinta ang mga mukha at naging abala na sa kanya-kanyang gawain.

Napansin ako ng isa at nagtaka,
"Baguhan ka ba dito?" nagtaka din ako dahil bigla nalang siyang nabuhayan at parang may kakaiba.

"Halika dito," hindi ako sigurado. Ako ba kinakausap niya?

Hindi ako nakagalaw agad kaya hinila niya na lang ako palapit sa kanya at pilit pinahawak ang isang trey na may lamang pagkain, at sa gilid ay may baso ng tubig at maliit na plastic transparent box ng gamot. Okey?

So sa akin niya pinapasa ang trabaho niya? Aba naman! F.H.I. May trabaho din akong kailangang atupagin 'no!

"Kay bago-bago mo wala kang ginagawa. Hayan. Kailangan mong mapakain si  Young Master kung hindi malalagot tayong lahat kay Don Miguel kapag nakabalik na siya!" at nagawa niya pang mangbully sakin? Tsk. Talaga naman!

Wala akong nagawa at itinulak niya na ako papunta sa tapat ng kwarto ni Fiel. May mga tagalinis na kalalabas lang. At kataka-taka ang ngayo'y katahimikan sa silid. Parang kanina lang noong may naganap na giyera sa loob niyan ah. Sinong mag-aakalang sa likod ng makapal at mataas na pintuang iyan ay isang tigreng kayang lapain ang kung sinong mangangahas na pumasok at guluhin ang kanyang pag-iisa?

Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon