CHAPTER TEN

88 2 0
                                    

  *Your Name: She ends here.

Alin ang mas masasaktan? 'Yong umasa at naghintay pero wala, o 'yong umasang may naghihintay pero wala?

"Babalik ako. Maghihintay ka naman diba?" just how much of it is true before it blurs into a meaningless swear?

"Oo naman! Kaya magmadali ka na!" just how much of it is false before it echoes in vain?

Iyon na siguro ang una at huling beses na tinawagan siya ni Christel pagkatapos ng limang taon nilang pagkakahiwalay. Hindi akalain ni Fiel na hindi pa binura ni Christel ang luma niyang phone number. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Manang Rosette na nagbalik sa kanya ng teleponong iyon, dahil kung hindi siguro nito ibinigay sa kanya baka hindi niya makakaharap ngayon si Christel at makakausap ulit.

Kahit pa man kanina sa sasakyan niya, habang nagmamaneho papunta sa Café na ito, ay hindi niya maiwasang mapahingang-malalim upang tipunin ang lahat ng lakas ng loob na iharap muli ang sarili sa babaing mahal niya. Alam niyang sa kanilang dalawa, si Christel ang mas maaapektuhan at mas at risk sa mga masasamang pakana ni Lorraine.

Hindi niya alam kung paano pa ito kakausapin upang magpaliwanag, upang malaman nito ang sitwasyon niya at ni Lorraine ngayon. Katulad 'nong sa Witches Kingdom 'nong tinangka niya itong habulin sa pag-aakalang nasa panganib ito na si Lorraine ang may kagagawan. Tinangka niya itong hawakan, yakapin nang mapagtantong ligtas ito, at hilahin paalis sa lugar na iyon ngunit sa halip ay umiiwas lamang ito sa kanya.

Hindi niya alam kung paano pa ito makakausap ngayong alam niyang nais nitong umiwas sa kanya. At ngayon, masaya siya na ito ang unang nag-reach out upang makapag-usap sila.

He just didn't know what made her do the choice.

Ngayon magkaharap sila sa parehong pwestong ito ng Café. Halata ang pagka-ilag sa mga mata ni Christel. Samantalang halata rin ang kaba ni Fiel mula sa hindi mapakali niyang mga kamay sa ilalim ng mesa. Iniwas niya ang mga mata mula kay Christel at sandaling napatitig sa labas ng glasswall.

"You're not supposed to look there," napatingin siya kay Christel nang magsalita ito sa tila naa-amuse na boses, "but here," dagdag pa nito.

"Christel." Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong ipagkahulugan. Nang mapa-scoff ito.

"Funny how I sounded flirty, but I'm serious Fiel. Hindi ba't gustong-gusto mong tingnan ang mukhang 'to? Isn't it the only thing you're dying to see for all your life?"

Fiel hesitated to talk dahil sa pagkagulat.

"Go on, look at me for all you want."

"And tell me, who do you see?"

He tried to look for it... That blink of her fresh eyes, that natural glow on her round cheeks, that sweet smiles from her cute lips, that Christel he used to know, but failed. Dahil kahit saang anggulo mo tingnan, nagbago na siya. And her eyes were so sad as if it screams the pain she felt inside...

"Hindi pa rin?" now Christel sounded disappointed.

"Hindi mo pa rin ba nakikita ang pagkakaiba? Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" umiling si Christel na parang hindi makapaniwala.

"I'm not that same 'doods' who used to smile wide at you right on this spot, Fiel," Fiel was taken aback by what she said next.

"People change. Pero bakit hindi mo 'yon magawang tanggapin? Now look what mess we've both gotten into. Or am I wrong to call it a 'we'?" she forced a bitter grin before continuing, "dahil sa ating dalawa, mukhang ako lang din naman ang nagdudusa."

Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon