CHAPTER SIXTEEN

55 3 0
                                    

*Your Name: Introducing Monday.

[Start of Monday's POV...

"Woah! Grabeh! May bagong news na naman tungkol kay Fiel beh!"

Nangigting ang tenga ko sa aking narinig at napahinto upang pakinggan ang pag-uusap ng dalawang babae sa isang gilid.

"Ano? Ano? Dali!" mukhang excited pa 'yong isang babae. Kaya pati kilay ko napataas sa pag-uusisa.

"Ang sabi sa chismis, itinakbo daw niya si Christel mula sa kasal nito kay Korean fiancé! Nagpunta siya sa simbahan sa kalagitnaan ng kasal at hinila si Christel pasibat!"

"What? So asan na daw sila ngayon!? Sabi ko na eh! May something talaga si Fiel kay Christel eh!"

Napangiwi ako lalo na nang marinig ang isinagot ng isang babae.

"I think, nandito si Fiel ngayon sa airport at paalis ng bansa para takasan ang issue!"

"Ha? Bakit mo naman nasabi?" napaayos ako ng tindig at iniayos ang shades na suot ko.

"Kasi marami akong nakitang mga reporters dito!"

I flipped my ponytailed hair bago muling nagpatuloy sa paglakad hila ang aking maleta. Feeling nagmamaganda ako ngayon dahil maganda ang getup ko. So kailangan kong um-acting na medyo sophisticated diba?

Pero mayghad, nakakalula ang laki nitong airport tapos saan ko naman hahagilapin si Fiel ngayong kailangan kong unahan ang mga reporters! Tsk.

("Why don't you track him. Connected naman ang mga cellphones niyo eh.") narinig ko si Ern mula sa hikaw na receiver na suot ko sa tenga.

"Ba't di ko naisip 'yon?"

("Uhm, kasi wala kang isip?") napairap ako.

"Oo na, sige ikaw na may isip." Hindi na ako nakipagtalo pa at inilabas na lamang ang cellphone ko at sinimulang itrack si Fiel.

Nagloading pa dahil sa bagal ng internet, pero gumana naman. May isang mapa na may mga linya at direksiyon, tapos may dalawang medyo malalaking dot na kulay pula at asul. Ako siguro si asul kasi may flag na nakalagay na 'me'. So malamang.

Nakatigil lang siguro siya sa isang lugar dahil hindi nagmomove ang pulang dot. Okay!

Sinimulan kong sundan ang lokasyon ng pulang dot. Medyo nakakahilo nga eh kasi titingin ako sa harap tapos sa cellphone tapos sa harap naman. Eh baka kasi mamaya mabunggo na lang ako kung saan kung sa cellphone lang ako titingin diba?

Malayo pa man ako ay natanaw ko na ang isang lalaking mukhang aligaga sa may waiting area at nakayuko habang magkahawak ng mahigpit ang mga kamay.

"Tsk. Tsk. Tsk."

Naglakad ako palapit sa kanya hanggang huminto ako sa harapan niya. Nagulat ako nang mapatingala siya sakin, gazing me from toe to head, at mukhang namalayan niya na ang paglapit ko kanina pa man. Sa lakas pa naman ng tunog nitong bongga kong boots, magigising talaga siya mula sa pagmumuni-muni niya.

Pinag-aralan niya ang cellphone na hawak ko, ang suot ko, ang bangs ko, ang buhok ko, at ang labi ko-- wait-- what is the meaning of this? Bat siya nakatingin sa lips ko? Perhaps... Nagagandahan ba siya sa velvet colored lipstick na suot ko!?

Pagkatapos ko siyang bigyan ng sandali upang titigan ang itsura ko, nginitian ko siya. 'Yong ngiting pang- 'Monday the temporary secretary'.

Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon