*Your Name: This girl Lorraine and that girl Christel
...
'May nakatingin kaya sakin mula sa loob?'
...
'Nandiyan kaya siya sa loob?'
...
'Natutulog ba siya kaya hindi niya naririnig na mag-iisang taon-- este isang oras na akong nagdodoor bell dito sa labas ng gate niya?'
Napabuntong-hininga siya at sandaling tumigil sa kapipindot ng doorbell at napaupo sa may gilid ng mataas na dingding ng gate ni Fiel.
Napagod siya, she admitted to herself. Pero nandito na siya. Sa dami ba naman ng pinagdaanan niya sa kamay ng iba't ibang bakla, ngayon pa siya aatras?
Napangiti pa siya nang maalala ang mga pinagdaanan niya bago pa man mapunta dito sa labas ng bahay ni Fiel.
***Flashback starts
"Eonni, nahihirapan kang magpaganda diba?"
Hindi niya inaasahang mapapatango na lang siya agad sa itinanong ni Kiara. Kasi kung napag-isipan niya muna...
She wouldn't have made the kid incredibly happy...
"Gusto mong tulungan kita? Kung hindi mo naitatanong, magaling ako sa mga bagay na yan!" and Kiara's face beamed at once.
She pulled her and carefully examined her figure. Napangiwi pa si Kiara nang makita ang sirang sapatos.
"You really need a make-over before seeing Mr. Suplado... Tara sa boutique!" Kiara cried even before they end up on the fourth floor of a huge boutique shop.
"Kiara... Nakakatakot dito..." she whispered to Kiara na kakatapos lang makipag-usap sa isang receptionist.
Ang totoo niyan ay kanina niya pa gustong tumakbo palabas ng gusali na ito. Sa kadahilanang hindi niya magawang paniwalaan ang mga nakikita niya. Para siyang naging langgam bigla sa tambak ng nagmamahalang kasuutan at alahas.
Kiara chuckled. "Akong bahala sayo eonni, 알라써?"at hinila na naman siya paupo sa isang couch habang excited na excited itong nagpapalipat-lipat sa bawat clothing rack. May babaing nakasunod sa kanya na tagahawak ng bawat damit na kinukuha niya.
Nakatingin lamang siya kay Kiara, na malapad na ngumingiti habang sinisipat ang bawat damit. Napapatango ito at paminsan-minsang napapatingin sa direksiyon niya at kumikindat.
Napangiti siya sa kacutan ni Kiara.
Kiara is either weird, immature or simply thrifty and humble that she even goes to Ukay-Ukay shops, even though she can afford going to high-end boutiques like this...
Ilang minuto lang, napagtanto niya ang kahalagahan ng pag-upo sa couch na iyon ng ilang minuto... Dahil hindi na siya nakaupo nang matapos si Kiara sa pamimili ng damit at kung anu-ano pa.
BINABASA MO ANG
Your Name
HumorIf you will be given a chance to spend a whole month vacation, a summer SPREE for FREE! And you can do ANYTHING you wanted as you WISH! --EVERYTHING! In just a single month! Who will you choose to ran away with? Is he/she the handsomest, prettiest...