CHAPTER NINETEEN

34 0 0
                                    

*Your Name: Self-Abduction.

*****

"Ern? Are you here? Ern. Papasok ako-- Ito na. You wouldn't like this-- surely--" napahinto ang isang agent saktong nakapasok na siya sa glass door ng lair ni Ern nang maging malinaw sa kanya ang estado ng lugar.

Wala si Ern sa loob nito. Originally, masakit sa ulo ang lugar dahil sa bluelight na nanggagaling sa palaging nakabukas na mga computer screens sa harap. Pero ngayon, tanging isang monitor lang ang naka-open. Na may green colored codes ang mabilis na nagfaflash sa screen at parang may komo-control nito externally.

"Did he take a leave? I- I was just trying to ask a favor," napakamot siya sa batok at lumapit sa nakabukas na monitor upang mabasa ng malinaw ang mga computer instructions mula rito.

"Where would he go? Hmmn. Let's see-- o?" nanlaki ang mata niya nang mabasa niya na ng tuluyan ang iilang mga command lines mula sa monitor.

''
... New admin identified.
... Admin password authentication complete.
... Starting authorization.
... Authorization complete.
''

"Sh!t! Kailangan itong malaman kaagad ni tanda!"

...

"Ern is missing! At may intruder sa computer ni Ern!"

Mabilis siyang umalis sa silid na iyon at hinanap si tanda.

*****

Napadaing siya sa sakit ng ulo nang sa wakas ay maalimpungatan siya. Kaagad siyang nakaramdam ng pananakit sa leeg at unti-unting iminulat ang mga mata.

Palubog na ang araw sa silangan. At hindi pa rin malinaw sa kanya ang mga nangyari.

"Si Fiel!" kaagad niyang bigkas nang maalala niya ang huling imahe nito sa isipan niya.

Something moved na parang nagulat ito sa ingay.

"You mean Mr. Lorenzo?" came a mysterious man's voice. "Pasensiya na pero wala siya dito."

Nakarinig siya ng papalapit na mga yapak. Hanggang sa unti-unting naging malinaw ang buong lugar sa kanya. She concluded, nasa isang malaking kwarto siya at nakatali sa isang upuan.

Walang emosyon siyang napatingin sa lalaking may sobrang kapal na shades, hat, at may naka-one-side na tabako sa bibig. He's appearance resembles tanda. Pero halatang malayo ang pagitan ng kanilang edad ni tanda.

Hindi siya nagsalita at tahimik lang na tumitig. She knew it very well. Acting reckless at a time like this would just be pointless.

"Monday." She flinched at parang nanigas sa kinalalagyan niya nang marinig niya ang pamilyar nitong boses na tinatawag ang pangalan niya.

Bumuga ito ng usok, "Do you still don't recognize me?"

Hindi pa rin siya sumagot. Naikuyom na niya ang mga palad.

"Doing agent games for my brother won't do you any good."

'Alam niya? Minamanmanan niya pa rin ako? Alam niya ang mga ginagawa ko? Sinusundan niya ako? Gusto niya na ba akong ipapatay ngayon? Kaya ba, siya ang nasa likod ng pamamaril sa amin ni Fiel dun sa highway? Siya rin ba 'yong pasimuno 'nong mga tumutugis sa amin sa airport? SOBRA NA SIYA!'

"And as if kidnapping me would do you any good, jerk," sa wakas ay nagsalita na siya.

Medyo natawa ang lalaki, "You and your foul mouth."

Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon