*Your Name: Vexatious Nonchalance.
[Start of Fiel's POV...
After I called Lolo, I decided to leave my room to have some drink at the lobby. Pero kakabukas pa lang ng elevator at hindi pa man ako nakakapasok nang mapahinto ako.
"'Wag mong masyadong i-stress ang utak mo apo. Tsaka si Monday, mabait na bata 'yan kaya 'wag mo siyang agad-agad na hinuhusgahan."
Tss. Lolo spoke as if he knows that woman so well.
But I can't blame him kung natamaan ako sa mga sinabi niya. Dahil tama naman siya. I shouldn't judge her quickly.
Pero hindi ko alam. Why I hate her... Weirdly, for no reason.
"Sabihin mo sa kanya kung ano ang kinaiinisan mo sa kanya para mabago niya diba? Don't just fire her for no solid reason, apo."
Now that I think about it, hindi ko talaga alam kung bakit inis na inis ako sa kanya. Even when I should feel grateful dahil naging napaka-significant niyang assistant.
Napahinga ako ng malalim bago lumingon at naglakad pabalik sa direksiyon ng hotel room ko.
Nag-enter ako ng passcode (for high security purposes daw) at mabilis na binuksan ang titanium na pintuan bago tuloy-tuloy na pumasok.
Napakunot agad ang noo ko nang mapansing wala na ang jacket na iniwan ko sa ibabaw ng maleta sa tabi ng kama. Tsk. Weird. Nakalimot ba ako at ipinasok ko ulit sa loob ng maleta? Pero hindi naman ako nakakalimot ah. Tsaka 'yong jacket na 'yon...
Flashback starts...
We're stuck at an eye contact. Habang nakabukas ang mga maliliwanag na pailaw mula sa mataas na Christmas Tree ng Witches Kingdom na fixed na landmark na ng lugar kahit pa man hindi pasko.
Nababaliw ba ako? Bakit hindi ko pa inaalis ang mga mata ko sa kanya? Ano itong ginagawa ko?
Akala ko hindi na matatapos ang staring contest nang--
"Gusto mo bang humiram ng jacket?"
...Flashback ends
"Hindi akin 'to. At kung sino ang may-ari, hindi ko rin alam. Pero isa lang ang mahalaga, kailangan mo ito ngayon dahil wala ka ng kotse."
Iniling ko ang nakangiti niyang mukha sa aking isipan. At napasalampak ng higa sa kama.
I shouldn't be thinking of her. She lied. After realizing she can't have my bracelet anymore, she left without a word. It's only natural, we're nothing anyway. Why would we bid goodbyes after all?
"Ako 'to. Ang nag-iisang multo sa bahay mo." Tss. Bakit naaalala ko pa rin pati 'yong time na 'yon na nakita niya akong umiiyak dahil kay Christel?
BINABASA MO ANG
Your Name
HumorIf you will be given a chance to spend a whole month vacation, a summer SPREE for FREE! And you can do ANYTHING you wanted as you WISH! --EVERYTHING! In just a single month! Who will you choose to ran away with? Is he/she the handsomest, prettiest...