2

57 0 0
                                    

" ATASHA NATHALIE K. DE GUZMAN WALA KA BANG BALAK GUMISING!!!"

" hayaan mo na hon,wala naman pasok e"

" KAHIT NA , KAYA NASASANAY LAGING GANYAN ANG GAWA NG BATANG YAN E! IMBES NA MAG ARAL AT ATUPAGIN ANG MGA ASSIGNMENTS HINDI MANLANG MAGAWA!"

Ingay! Kabwisit! Bumangon ako at saka kumamot-kamot sa ulo. I saw Mom and Dad na nakatayo sa harapan ko.Si Mom na naka cross arms habang si Dad naman ay naka akbay lang kay Mom.

" KUNG HINDI KO PA LALAKSAN BOSES KO HINDI KA MAGIGISING!"

" Mom please lang, sakit sa tenga ,pakihinaan ng volume okey? Dad pagsabihan mo si Mom oh?"

Si Dad lagi ko yang kakampi kasi lagi niya akong pinagtatanggol kay Mommy. Then si Mommy lagi nalang mainit ang dugo sakin di ko naman inaano -___-

Bumangon ako at pumunta sa Cr saka nag ayos ng sarili.

Fast Forward*

Nakatingin ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili,naka short and T-shirt then adidas na sapatos at saka may maliit na bag ako kong saan nakalagay lahat ng abobot ko.

Bumaba ako sa first floor kaso pag minamalas nga naman nakaupo sila Mom and Dad doon habang masin-sinan na nag uusap

Derit-deritso akong lumakad at hindi manlang lumingon sa dalawa

Di na ako nagulat ng biglang sumulpot si Mom sa harapan ko.

" SAN KA NANAMAN PUPUNTA? SA LALAKI MO? NANG GANTONG ORAS? AT GANYAN PA ANG SUOT MO?"
Then umikot umikot pa si Mom sakin

" Madali lang po ako promise" bored kong sabi

" Sure ka anak? San kaba pupunta? Gabi na oh baka mapano ka pa sa daan" nag aalalang sabi ni Dad sakin

Lumapit ako kay Dad at saka bumeso,tiningnan ko lang si Mom " Madali lang po ako promise" sabay lakad ko

" 5 minutes makakabalik ka ba?"

Napatigil ako at nakataas kilay na tumingin kay Mom " SERIOUSLY? hanggang gate lang ata ako non e! Of course uhm mga 2 or 3 hours itatagal ko don?" Sagot ko

" MADALI NA YANG ORAS NA YAN? HOURS AABUTIN MO KUNG SAAN KA PUPUNTA? TAPOS DI PA NAMIN ALAM KONG SAN ANG PUPUNTAHAN MO"

Lumapit ako kay Mom at bumulong
" Don't worry Mom. Kaya ko ang sarili ko at sila ang mayayare sakin Okey? Bye" Sabay alis ko na.

––––––––––––––––––––

" Tagal mo a?"

Tumabi ako sa tabi niya saka uminom ng wine. " Sorry daming epal e" bwisit kong sagot sakanya

"Chill lang di ka mauubusan ng wine"
Tawa tawa niya pang sabi

Napatingin naman ako sa lalaking katabi niya na walang galaw galaw. Maputi, kissable lips at kahit madilim aninag mo parin ang mapupula niyang labi , pointed nose ,at kahit nakaupo siya halata sa kanya na matangkad siya.

Napatingin din naman si Justin sa katabi niya kasabay ng paglingon saakin

" Siya nga pala, si Kian nga pala isa sa mga barkada ko"  Pagpapakilala niya sakin

Umupo ako ng maayos at saka inilahad ang kamay ko kay Kian
" Hi Im Atasha" Sweet kong sabi

Pero imbes na magshake hands siya saakin, tiningnan niya lang ang kamay ko at tiningnan lang ako ng bored look. Mukha namang wala siyang interest sa pagpapakilala ko kaya uminom nalang ulit ako.

Kabwisit! Feeling cool sa ginagawa niya!

" Cold mo naman Kian"

" Mind your own business asshole!" Sagot ni Kian kay Justin

Iba ang aura niya grabe.Parang ah basta may something na kakaiba sa kanya.

Kasabay nang ingay ng musics at hiyawan ng mga tao sa  gitna ng dance floor tumayo ako at pumunta doon at nakisayaw sa maraming tao

" Woah miss ang hot mo namang sumayaw" sabi ng lalaking katapat ko

" I know" Sweet kong sagot.

" Miss one night stand Mamaya?"
Tanong naman ng lalaking dumagdag sa harapan ko

" No thanks."

Ew! Aaminin ko hilig ko mang trip ng lalaki but ONE NIGHT STAND? Duh? Wala pa akong balak magka baby.

" Atasha come with me!" Rinig kong sigaw ng lalaking medyo malayo ang pwesto sakin

Agad naman akong pumunta sakanya at ngayon ito na kami magkatapat at sumasayaw ng kakaibang mga steps.

"Your good at dancing a?" puri ni Justin sakin

" E? I think Im not haha! " Tapos sumayaw sayaw ulit kami.

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko makita si Kian na feeling COOL

" Where's Kian?" I asked him

Lumingon lingon din siya sa paligid
" Umuwi na ata? Ewan"

" Oh I see? By the way, ganon ba talaga yon? Pa-feeling cool?"

Napahinto siya sa pagsayaw katulad ko at saka ako hinigit pabalik sa pwesto namin kanina

" Dito tayo mag usap di kita maintindihan e"

" Okey" maikling sagot ko.

" Don nga pala sa tanong mo? Yung pa-feeling cool si Kian? " tumawa muna siya dahilan para makita ko kung gaano siya kagwapo kapag nakangiti siya. " Sadyang ganon lang talaga yon, halos minsan ko nga lang yon makausap kahit lagi kaming magkasama e"

Napailing naman ako sa sinagot niya.Hmm? Something interesting ha?

" What the hell? di naman pipi pero bakit ganon? haha" Pagtawa ko habang sinasabi yon

" Maraming bad happens lang talaga yong napag daanan kaya naiintindihan ko naman kaibigan ko."  Sabay inom niya ng wine na nasa tapat namin.

Gusto ko pa sanang magtanong about sa Kian na yon kaso nahiya na ako baka sabihin or magtaka siya na may gusto ako sa pacool na lalaking yon.
Kaya uminom na din ako katulad niya.

" Ma'am ,Sir, "

Nagising ako ng may panay ang salita at yanig yanig sakin mga balikat

" Hmm? bakit ba?!" bwisit kong tanong sa waiter na nakatayo sa harapan ko.

" Mag sasarado na po kasi kami,at kailangan niyo na pong umuwi"

Napaupo naman ako sa sinabi ng lalaking to,.like what? nakatulog kami dito? 

" Excuse me? Anong oras na?"

Tumingin sa relo yong lalaki " Already 2 o' clock  na po Ma'am"

Tumayo na ako at saka inalog alog ang katawang natutulog ni Justin

" SHIT! WAKE UP!" sigaw ko

Pero kahit anong sigaw ko hindi parin nagigising, inilabas ko ang cp ko at fuck!

12 missed call
15 text messanges

Lahat kay Mom and Dad ., ano ng gagawin ko? Wala akong load? At hindi ko pwedeng iwanan nalang basta basta ang isang to sabay lingon ko kay Justin na nakanganga pa habang tulog.

Agad kong hinalungkat ang bulsa ni Justin ,salamat at nandito ang Cellphone niya.

Salamat din dahil walang password tong Cellphone niya kung hindi talagang tatadyakan ko tong lalaking to! Pag ka-open ko ng Cellphone niya may 1 message

In-open ko yon at binasa

" Umuwi na ako pre, ingat ka nalang pag-uwi mo"

'Mo' lang talaga e no? Grabe

" Ah Ma'am kailangan niyo na po talagang umalis ,isasara ko na po kasi itong Bar."

" WAIT OKEY? WAIT!"

Ah paano ba to? Wala manlang akong kotse or what? Paano ako makakauwi neto? May pasok pa naman din ako bukas! Yare ako kela Mommy neto (╥_╥)

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now