11

39 0 0
                                    

•First day

" Tito sino po ba yung tinutukoy niyong kapitbahay mo na ang pinapasukang school ay don sa nilipatan ko?" Mabilis na tanong ko kay Tito Jin nang walang hinga hinga

Tumingin siya sakin " Ah si Chase ba kamo?"

" Chase? Kian po ata name non?"

" Oo nga kumabaga Kian Chase Wu Montell talaga full name ng batang yon" Sagot niya sakin

Napatango nalang ako at napaa-lumbaba

"E paano po kayo nagkakilala non? At saka close na close po sila ni Biajin kesa sakin." malungkot kung pagkakasabi

" Four years old si Biajin non nong akala namin nawawala siya ,pero nalaman namin na pumunta lang pala siya sa kabilang bahay don nga sa bahay ni Chase dahil may nakita siyang aso don kaya hinabol niya yon .Simula noon lagi na siyang binibisita dito ni Chase maumaga man o gabi.Napakabait ng bata yon kay Biajin kaya natutuwa–––––"

" Fine fine, sana sinabi mo nalang Tito na long story pala yan"

Napatawa nalang si Tito sakin

" Siya nga pala 4 na araw ka dito diba? Sa guest room ka nalang matulog mamaya"

Wews may pa guest room si Mayor.

Tumango nalang ako at saka tuluyang umakyat sa guest room na sinasabi niya

" Lawak naman dito" mahinang sabi ko

Malaking kama , bintana may ilang cabinet din saka aircon ang nasa loob lang nito. May mukha pa bang mas boboring dito? Sana free wifi din

" Biajin si Chase nandito sa baba" rinig kong sigaw ni Tito

His here again →_→

Rinig na rinig ko naman bawat yabang pababa ni Biajin  kaya di naman siya mukhang excited magkita sila diba?

Uupo palang sana ako ng biglang isigaw ni Tito Jin ang pangalan ko

"Atasha!"

" Po?" Pasigaw na sagot ko

" Come here, may bisita  tayo" sabi niya

Bwisito kamo!

" I know" mahinang sabi ko saka umismid

Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit

" ASTASHA COME HERE!" sigaw ulit ni Tito

Inis akong tumayo at pumunta pababa sa first floor nila Tito at tiningnan sila isa-isa.Automatic akong napa ismid nang makita ko ang pagmumukha ni Kian na nakangisi habang naka tingin sakin

Dumeritso akong umupo sa may sofa katabi ni Biajin

" Why Tito?" no reaction kung sabi sakanya

"Si Chase, yung tinutukoy ko sayo kanina" tinapik pa ni Tito yung balikat ni Kian " Chase si Atasha pamangkin ko" pagpapakilala naman sakin

" Ahh siya pala yon"  pinaikot ikot ko ang mahaba kong buhok saka tumingin kay Kian "Hell to meet you"  mahinang pahabol ko pang sabi

Nginitian naman ako ng nakakaloko ni Kian kaya mas lalong nag aapoy ang galit ko sakanya

" Ganda po pala ng pamangkin mo, sana pati ugali maganda din "

" hahaha Naku Chase kakaiba sa ilang babae yang si Atasha ,kung ayaw mong masaktan iba nalang ang mahalin mo"

" TITO!" saway ko kay Tito

Tinawanan naman nila akong dalawa kaya mas lalo akong nasura

" Akala ko nga po bago siyang baby sitter ni Biajin e "

" HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Naku hindi,hindi,Gandang dilag niyan kaya dapat yan ang binabantayan" Pailing iling na sabi ni Tito

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Tito " Tito naman, ehe enebe?" pabebe kong sabi kasabay ng paghampas ko sa braso nito

" Pfffft laking laki na niyan , dapat diyan taga bantay ng akyat bahay pag gabi"

Sinamaan ko ng tingin si Kian,pero nginisian niya lang ako

" Shut the fuck up!" tinaasan ko pa siya ng middle finger ko.

Gigil niya si ako! Urgh!

" Alis na po ako" pagpapaalam ni Kian kay Tito

" Wag ka na pating BUMALIK!"sabat ko

" No don't leave dito kana mag dinner please Kuya Chase! please"

Nakatingin lang ako kay Biajin na nakawak naman sa dulo ng damit ni Kian

" Andito naman ako Biajin paalisin mo na yan" sabi ko kay Biajin

" No! His not leave! Kuya dito kana mag dinner"

" Oo na shhh wag nang umiyak"pagpapatahan niya kay Kian

At dahil nga dito na daw siya mag di-dinner, nagluto si Tito ng maraming pagkain para sa gabihan namin

" Tito hindi na po ako kakain" pagpapaalam ko

"Hindi pwede,wag kang magpalipas ng pagkain mo bata ka! Magagalit kami sayo ni Tita Bianca sige ka?"

" Pero busog pa naman po ako" Sagot ko

" Kahit na,di ako papayag na hindi ka kumain " pinahawak niya sakin yong isang platong punong puno ng brownies , inamoy ko yon at akmang kukuha na sana ng hampasin niya ang kamay ko

" May peanuts yan baka lagnatin ka!"

Napasimangot ako " Hate you Tito! Bakit kasi nilagyan mo pa ng peanuts? Di tuloy ako makakakain!"

" Naisama ko na nga , wala na akong nagawa.Iba nalang kainin mo may jellatin naman sa Ref"

" Tsk di na talaga ako kakain" pabulong kong sabi

Kung kailan napapakain naman ng brownies saka naman nilagyan ng peanuts ,psh alergy kaya ako sa peanuts!

" No Kakain ka Atasha wag matigas ang ulo–––Chase pakitulungan si Atasha sa pagdala diyan ng pagkain"

Walang imik namang sumunod si Kian sa utos ni Tito ,nang nasa harapan ko na siya inagaw niya sakin yung lagayan ng brownies at lumakad na papuntang dining area

" Tito di na nga kasi ako kakain" pamimilit ko

Wala akong gana at nawalan na ako ng gana pang kumain.Kainis kasi!

" Wag ngang matigas ang ulo Atasha" singhal sakin ni Tito

Nagpadyak padyak akong naglakad papunta sa dining area at umupo ng pabagsak

" Ayoko nga sabing kumain" pabulong kong sabi

Napansin ko naman na nakatingin sakin si Kian kaya tinaasan ko siya ng kilay

" Tinitingin- tingin mo diyan?" pagtataray ko sakanya

"Maganda na sana–– kung di lang matigas ang ulo" pagpaparinig niya

" Gago san ka ba nakakita ng malambot na u–––"

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinubuan ng brownies na hawak niya

Shit! Nalumod ko

" Shhh iimik pa e"

Fuck you Kian kapag nagkasakit ako!

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now