Atasha POVGusto kong lumubog sa kinahihigaan namin ngayon at hinding hindi na magpapakita pa kahit kailan kay Kian ano bang sumagi sakin at nasabi ko yun sakanya?
Pagkasabi ko na sana “siya nalang ang minahal ko” agad siyang tumitig sa mga mata ko .
" Nilalagnat ka ba talaga?" tanong niya habang nakakunot ang nuo
Umiiyak parin ako, ewan ko ba pero ayaw talagang mag-paawat ng mga luha ko.
" Sana mas nauna kitang nakilala kesa sakanya" sabi ko ulit na nakatitig din naman sakanya
Ramdam kong medyo lumuluwag na ang pagkakayapos niya sakin at naiwas narin siya ng tingin
" Sana ako nalang din Kian. Hindi ko alam kong ano itong nararamdaman ko ,pero ramdam kong mahal na siguro kita "
Pagkatapos kong masabi yon, nagtitigan lang kami hanggang sa siya ang unang umiwas .
" Mahal kita Kian "
Walang pag-aalinlangan ko siyang hinalikan sa kanyang labi ng mahinhin, hinawakan niya naman ang mga balikat ko at malakas na itinulak papalayo sakanya
" BALIW KA BA? BAKIT MO AKO HINALIKAN!" pasigaw niyang sabi habang pinapahidan ng kamay niya ang labi niya.
"Sorry" nakayuko kong sabi
Habol tingin lang ako sakanyang nakatingin habang papatayo sa kama
" Oo mahal mo ako, pero hindi ko alam kung masusuklian ko yang pagmamahal mo, dahil kahit minsan hindi sumagi sa isipan ko na ligawan at mahalin ka Atasha."
Nanikip ang dibdib ko at halos hindi ako makaayos huminga, parang ang daming pumapasong kandila sa puso ko sa subrang sakit nito.
" Sorry Atasha. But I can't love you back"
Alam ko naman yang yung masasabi niya e, alam ko simula una di niya ako magugustuhan,siguro nasanay lang talaga ako sakanya na lagi na siya ang nakakasama ko na kahit na lagi kaming hindi nagkakasundo nandiyan parin siya inaalagaan at sinusuway ako
" I know" mahina kong sagot
Inalalayan niya naman akong mahiga ulit at kinumutan ng makapal na kumot.
" Hindi na muna ako aalis dahil nilalagnat ka pero kapag gumaling kana —" huminga muna siya ng malalim sabay titig sakin
" kapag okey kana ulit, isipin mo nalang hindi na tayo magkakilala "Inayos niya ang mga hibla ng buhok ko na naka balandra sa pagmumukha ko
" Ayokong may nasasaktan ng dahil saakin , ayokong saktan at paasahin ka sa wala Atasha sana maintindihan mo"
Hindi ako sumagot at pinipilit hindi nanaman umiyak. Kagat labi lang akong nakikinig sakanya upang maiwasan ang pagbuhos ng mga luha ko
" Kaya ako na mismo ang iiwas sating dalawa, kapag naging okey kana"
Wala na. Tridor yung luha ko. Umiyak nanaman ako
" Ka-kailangan ba talagang mag iwasan tayo? Pwede namang friends diba? Pwede namang ganon padin?"
Humihikbi-hikbi ko pang sabi sakanyaBagkus na sumagot ay ngumiti nalang siya at niyakap ulit ako.
Kinabukasan*
Gumising ako na medyo okey na,kaya naman dali dali akong bumaba at nadat-anan ko si Kian na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine.
Napansin niya atang nakatayo ako sa may malapit sakanya kaya tiningnan niya ako." Ang aga mong gumising" paunang sabi niya
" No choice ,may pasok e " sagot ko naman.
Tumayo siya at mabilis na lumakad papunta sa harap ko. Nang nasa harapan ko na siya bigla nalang niyang hinipo ang nuo at leeg ko.
" Gusto mong gumaling agad? Edi parang gusto mong wag na rin kitang pansinin at tuluyan na kitang iwasan"
Napa-iwas naman ako ng tingin sakanya at pumunta sa dining area at saka kumain.
Napansin ko namang sumunod siya sa pwesto ko at tumabi pa talaga sa tabi ko kaya subrang kinakabahan nanaman ako.
" Tapos ngayon iniiwasan mo na ako? Haha "
" Hi-hindi a!" tapos lumipat ako sa kabilang upuan pero dahil ang kulit niya umagang-umaga sinundan niya ulit ako.
" Hindi ba talaga? Bakit palipat-lipat ka ng upuan? Akala ko ba mahal mo ako?"
Yung yung nakakainis e, nalaman lang na may nararamdam ka para sakanya tutuksuhin kana ng tutuksuhin hays.
Kumuha ako ng tinidor at tinutok sakanya
" Nakakita ka na ba ng may sakit na pumapatay?" nanlilisik na mata ko pang sabi sakanya
Umiling siya
" Kahit may sakit ako kayang kaya kitang patayin kaya pwede ba! Layuan mo ako!" sabay tapon sakanya iyung tinidor na hawak ko
" Woah chill ka lang! Papagaling kana kaya nakakasakit ka nanaman" sabi niya pa habang pinupulot yung tinidor.
Sinamaan ko lang naman siya ng tingin at kumain nalang.
" Saka kana pumasok kapag talagang okey kana "
Tumingin lang naman ako sakanya at kumain ulit. Yan ganto dapat back to reality yung parang hangin lang siya sakin. Fighting Atasha!
" Okey ka naman a? Pumasok ka nalang mabuti pa" mahinang sabi ko
" Tsk. Wag na saka nalang kapag okey kana" seryoso niyang sabi
Hays! Kainis nakatitig nanaman siya! Nakakailang yung nga titig niya ha? Grabe parang sasabog puso ko :/
" Sinat nalang naman to ,kaya ko na kahit mag-isa"
Umiling naman siya " Di padin. Teka nga? Bakit ba kanina mo pa ako pinagpipilitang umalis? "
Tsk! Ngayon niya nalang napansin? Nakakailang at nakakasura kasi siya kaya sana lumayas na siya hangga't maari.
" Hindi naman " plastic pa akong ngumiti sakanya na halatang halata sa mukha kong pilit lang yon.
" Sus. Wag ako Atasha! Mga galawan mong yan. Bahala ka kapag umalis na ako i-aalis na din kita sa puso't isipan ko? hahaha!"
HAHAHA! JOKE BA YON? :/
Katulad ng kanina pilit nanaman akong ngumiti kahit gustong gusto ko na siyang hagisan ng plato.
" Wala kabang magawa kundi guluhin ang umaga ko? " pagtataray ko sakanya
Ngumisi naman siya kasabay ng pag-akbay sakin. Tinitigan niya ang lips ko kaya nong iiwas at lalayo na sana ako bigla niya nalang hinigit ang baba ko at pinaharap sakanya ang mukha ko.
" Nagyoyosi ka parin ba?" he asked
I feel nervous ng maramdaman ko ang mga daliri niyang dumampi sa labi ko habang masinsinang tinitigan iyun.
" Hi-hindi na.B-bakit?"
Tumango naman siya sabay gulo sa ulo ko.
" Good. Pagpatuloy mo lang yan"
Nakatingin lang ako sakanya
" Masama sa babae ang nagyoyosi lalo na at maganda ka, sayang ka naman kong may bisyu ka"
Namula naman ako ng sabihan niya ako ng maganda. Godness! Liit na bagay :)
" Maganda nga ako pero di mo naman kayang mahalin" pabulong na sabi ko.
" Ha? May sinasabi ka?" tanong niya pa
Napatingin ako sakanya at agad umiling.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionSi Atasha Nathalie De Guzman ay iba't ibang lalaki ang minamahal na halos minsan ay di niya na alam kong sino sino at ilan lahat ito. May isa siyang lalaking minahal ng seryoso ngunit iniwan at niloko lamang siya nito ng wala siyang kaalam-alam. Buk...