9

39 0 0
                                    

Simula pauwi hanggang ngayon ANG SAYA KOOOO! hahaha! Sino ba naman hindi sasaya diba? Syempre kung gantihan ang pag uusapan masaya talaga.Gantihan yon e. Ang sayang gumanti lalo na't kinasusurahan mo yung tao.

Wala mo na akong balak umuwi sa bahay dahil may date kami ni babe Selwyn.Kailangan kung pumunta

Last memories with him hays so happy¯\_(ツ)_/¯ chos.

" Tagal mo babe" Reklamo niya

" Arti mo ,pasalamat ka nga pumunta pa ako" pagtataray ko naman sakanya

Umupo na ako saka tumingin sakanya na nakatingin din sakin " Oh bakit?" tanong ko

" Aalis na ako lahat lahat ganyan ka parin sakin?" malungkot na sabi niya

" Ano bang gusto mong gawin ko? Ganito na talaga ako a?" sagot ko

" Sana pagbalik ko may mag improve naman diyan sa ugali mo"

Napataklob ako sa labi pero tinanggal ko din " Babalik ka pa pala?"

Napatawa naman siya sabay iling
" Loko mo! Syempre babalik ako, babalikan kita, ibabalik ko ang dating tayo kapag nakabalik na ulit ako dito,yun ay kung may ibabalik pa?" biglang sumeryoso yong mukha niya

" Meron pa yan tiwala lang kung walang maghahanap ng bago diba?" sabi ko

He nodded

" Good, so anong oras ang alis mo tomorrow ?" tanong ko

" Around 2 pm?"

" K.Hatid kita" Maikling sabi ko

He nodded again saka na nag order ng kakainin namin.Pagkatapos naming kumain hinatid niya na ako sa tapat ng bahay, lumabas siya ng kotse ,yeah may pakotse si mayor haha! Di seryoso na to, lumabas siya ng kotse niya saka ako pinagbuksan ,lumabas naman ako at tumapat sakanya

" Kunyari gentleman" Loko ko sa kanya

" LOL.Tunay akong gentleman alam mo yan"

" Oo na." Sapilitan kong sagot

" I love you" Seryoso niyang sabi

" Love you too"

Kapag kasi walang I means di mo mahal pero dahil magaan loob ko sakanya––––

" I love you too babe" Pag uulit ko

Ngumiti siya sakin tapos hinalikan ako sa labi ng mabilis " I love you more babe" Bulong niya

" Ge na umalis kana, bukas nalang " Pagpapaalis ko sa kanya

" Sige"

Kinabukasan

" San ka nanaman pupunta Atasha Nathalie K. De Guzman?"

" May ihahatid lang po ako sa Airport Mom" Pagpapaalam ko

True reason ko na yan a?

" At sino naman?" Taas kilay niyang tanong sakin

" You don't have to know that.It's part of my privacy Mom" sagot ko habang inaayos ko yung sintas ng sapatos ko

" Aba't ikaw na bata ka"

" Mom I'm already 19 years old, hindi na ako bata" pagtatama ko sakanya

I'm not a kid anymore

" Oh basta wag kang magpapagabi at lagi kang mag iingat" bilin niya

" Yes po.Alis na po ako"



- NAIA Airport

Nakita ko si Selywn na nakatayo at parang may inaantay, nakangiti akong lumapit dahan dahan sa likod niya saka ko siya dinambahan

Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan niya akong ibinababa
" Babe naman akala ko di mo na ako pupuntahan e" Nakasimangot niyang sabi

Pinisil ko naman ang pisngi niya
" Tsk pwede ba yon? Last day mo na kaya dito so dapat lang na pumunta ako" Sweet kong sabi

Bakit kahit nandito pa rin siya nalulungkot na ako ngayon alam kong maya maya aalis na siya.

Mahal ko na rin ba siya?

" 1:35 na babe maya maya aalis na ako" inayos niya pa ang buhok kong nakakalat sa mukha ko kasabay ng pag ngiti niya

Ang gwapo niya

" Wag nalang kaya akong umalis?"

Sinamaan ko siya ng tingin sabay palo ko sa kanya " Baliw ka! Subukan mo lang talagang gawin break na tayo bahala ka!" pananakot ko sakanya

Umupo kami sa ilang upuan dito at hindi pa ako nakakaupo ng maayos ng yakapin niya ako

" Ito naman, tinatanong ko lang ,at saka ayaw mo non magkasama lagi tayo kapag nandito ako?"

" Kahit na, ikaw na mismo nagsabi na kailangan mong pumunta sa US dahil sa trabaho kaya go lang.K lang ako" Nakangiti kong sabi sakanya

" Sure ka? Ayos ka lang kapag wala na ako dito? Promise kapag nakabalik ako hinding hindi na kita iiwan" then he kiss my forehead down to my lips.

Binatukan ko siya " Ano ba yan! Nasa NAIA tayo okey? Wala tayo sa bahay" Sabi ko

Tumawa lang siya saka ulit ako niyakap ng mahigpit

" Mamimiss kita, ako mami-miss mo ba?" tanong niya

I nodded

"Sana lahat totoo"

" Totoo yon gago! Kung ayaw mo naman di wag" ayan tuloy nasungitan ko nanaman siya

At 2 pm get ready to your flight––––

Tumayo na siya kaya tumayo na din ako, hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako ng subra

" Kumain ka sa tamang oras ha? Wag kang papalipas ,lagi kang mag-iingat at wag ka nang pasaway kela Mama at Papa ,wag kang manglalaki Babe! Magagalit talaga ako sayo dahil hindi ako papayag na may  umagaw sayo sakin ." Niyakap niya ako " Akin ka lang, sayo lang ako .I love you Babe" bulong niya sa tenga ko

Pinipilit kong huwag pumatak ang mga luha ko pero di ko kinaya kaya napaluha na ako sa tapat niya

" Shhh iiyak pa e, di pa naman ako patay" pagloloko niya

" Tsk Babe promise babalik ka, babalikan mo ako!" nahikbi hikbi ko pang sabi sakanya

" Syempre babalikan kita."

Hanggang sa makaalis na siya hindi parin ako natigil sa kahihikbi.Naiyak talaga ako kasi kung kailan seryoso na saka naman ako iiwan.

Babalik siya at aantayin ko yon.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now