24

35 0 0
                                    

Buong klase hindi ako mapakali, hindi ko maiwasang di lumingon kong nasaan si Kian. Para akong tangang may gusto sakanya-NO! siguro nakokonsensya lang talaga ako sa nasabi ko sakanya kanina.

Umub-ub ako sa aking lamesa at pumikit ng mariin.

" Tara na."

Napamulat ako ng may umuga sa katawan ko mula sa balikat kaya't iniangat ko at aking ulo upang makita kong sino ang taong umiimik sa harapan ko.

Napalunok ako sa mga titig niyang seryoso.

" Tititig ka nalang?" seryoso niyang sabi

Tumayo ako ng mabilis at inayos ang sarili ko.

" Bakit tayo nalang ang tao dito?" lumingon ako sa buong classroom " Nasan  na yung iba?"

" Umuwi na sila. Tulog kasi ng tulog psh"

Tatalikod na sana siya ng humawak ako sa balikat niya kaya agad niya akong nilisikan ng mata. Inalis ko naman agad yung kamay ko at tumikhim.

" S-sorry don sa —"

" Ge. Tara na" biglang sabi niya

Napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa kanya habang dala dala ang gamit ko. Feeling ko di parin okey. He still mad at me.

Nakarating kami sa bahay ng walang imikan na naganap. Hinarangan ko siya bago siya makapasok sa may pinto.

Tinitigan lang naman niya ako pero di ako nagpatinag sa mga titig niya.

" Can we talk?" i asked

" We talked now"

Pinigilan kong huwag magalit sa naging sarcastic niyang sagot.

" I mean about don sa nasa—"

Nagulat ako ng ilagay niya ang hintuturo niya sa tapat ng labi ko

" Huwag kang mag-alala aalis na din ako dito bukas na bukas" nakangiti niyang sabi

" B-bukas?"

Tumango siya

" Pero di pa nakakabalik sila Mom and Dad."

" Pero di tayo laging nagkakasundo sa iisang bagay diba? Ayaw mo non? Aalis na ako haha okey yon sakin wag kang mag-alala" nakangiti niya paring sabi.

" Tsk bahala ka!"

Inilagay ko lang ang bag ko sa kwarto ko at bumaba ulit sa sala dala-dala ang aking wallet.

" San ka pupunta?"

" Going somewhere." tipid kong sagot na hindi nakalingon sakanya.

Wala ako sa mood maglakad dahil sa mga nabanggit niyang aalis na daw siya bukas.

" E ano namang pakialam ko diba? Edi umalis siya!" sabi ko sa sarili ko

" Kaya ko naman ng wala siya,kaya kakayanin ko din, bakit? wala lang naman siya sakin e!" sigaw ko na sa sarili ko.

Napailing nalang ako at tumuloy pumunta sa “Food Trip

" Order mo po Mam?" sabi nang katapat kong cute na babae.

I look at their menu at simpleng ngumiti sabay sabi ng mga nagustuhan kong kainin "  Pa take-out po"

" Yes po Maam"

Nang saktong palabas na ako ng pinto ng Food Trip saka naman bumuhos ang malakas na ulan

" Fuck! Wala akong payong!" singhal ko sa sarili ko " So paano na ako uuwi nito?" tanong ko sa sarili ko.

Paano? think Atasha! think think! Okey takbo na nga langgggggg! So ayon malayo layo pa ang bahay ko dahil nga sa wala masyadong masakyan this time.

Malas!

Tiningnan ko iyung isang plastic na dala ko na lot of foods.  Huhu sana hindi sila basa hanggang loob. Sayang naman sasarap pa mandin :(

After few minutes, here I am front of my house ,dali dali akong pumasok at wala akong pakialam kong makita ako ng isang evil na basang basa ako.

Napatigil ako sa paglakad ng biglang may naglagay ng towel sa katawan ko.

Lumingon ako ng dahan dahan kay Kian na naka-serious face lang.

" S-salamat" nauutal kong sabi.

Naiilang ako sa mga titig niya. Gusto kong lumakad na pero parang may pumipigil saakin na huwag ko munang gawin.

Napa-atras ako ng bigla niyang higitin ang towel na nasa katawan ko dahil ipinunas niya iyun sa buhok ko.

" Ahm I-i can do that by myself"

Ngumisi lang siya

" Bakit ka ba kasi nagpa-ulan? Paano kapag nagkasakit ka? "

Ano ba yan? Bakit parang isa siyang poging anghel kong kausapin niya ako? No! Evil siya EVIL.

Napatigil siya sa ginagawa niya at tinitigan ako. Inabot ng  I think 5 min. Ang titigan namin. Sa subrang ilang ko sa kanya hinampas ko siya sa mukha nong towel.

" Aray!"

" H-uwag mo nang uulitin yon ha?" sabi ko

" Ang alin?" naguguluhan niyang tanong

" Yung pagtitig mo! Nakakailang!" sabay takbo ko papataas sa kwarto upang magpalit.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now