6

42 0 0
                                    

Ngayon nasa taas na din ako ng stage hindi parin sila nagtitigil nang kabubulungan kaya sa subrang asar ko inagaw ko yung mic sa lalaking namumula at tahimik na nakatingin sakin

Kanina kaiingay tapos ngayong nandito ako saka naman tumahimik.Letche!

" FUCKING MORNING SAINYONG LAHAT LALO NA SA MGA WALANG MAGAWA KUNDI MA-INSECURE SA KAGANDAHAN KO, FUCK YOU KAYO SAGAD"  Pasigaw na sabi ko sa kanilang lahat

Mas lalong umingay sa loob ng court at mas lalong dumami ang mga manunuod.Shit ano to? Palabas na ako ang bida?

" Ate,magtigil ka hindi ka maganda" sigaw nong babae na ikinatingin naming lahat sa kanya

Biglang inagaw sakin yong mic nong lalaking katabi ko at siya naman ang nagsalita " Ate sa tingin mo maganda ka? kaya ikaw ang magtigil dahil wala ka namang ganda" Banat nito kaya napangisi ako dahil PAPAHIYA yung babae.

" Boom!" Banat din ng ilang mga lalaki na naunuod samin.

Pero sila, ngayon palang gusto ko nang lumipat ng panibagong school.Hays.

Tumapat ako sa lalaking kaharap ko at saka siya tiningnan ng mata sa mata.

" And you?" pasimulang sabi ko
" Anong palabas at kagaguhan ang meron ngayon?" mataray na tanong ko sa kanya

Wala akong pakialam kong maraming nanunuod samin, gusto nilang manuod at gusto nilang makita kung gaano ako makasakit ng mga lalaki.

" Hindi palabas ang lahat ng yon, umamin lang talaga ako ng tunay kong nararamdam para sayo dahil hindi ko na kaya pang itago ang lahat" Mabilis na sabi niya

Hindi ko pinansin ang mga nag te-take ng videos and pictures namin dahil alam ko naman na mamaya mas sisikat nanaman ako sa Media.Tsk!

" You know what?" humakbang ako ng isang hakbang " Gwapo ka, may alam din naman, Ideal man ng ibang kababaihan pero " humakbang ulit ako ng isa pang hakbang papalapit sakanya " Hindi kasi ikaw yung da- best na nagwagwapuhan ko para sa mga lalaki, wala ka pang alam sa kaya kong ibigay na sakit at hindi puro pagmamahal lalo na at hindi  naman IKAW yung Ideal man ko na handa akong mahalin ng lubusan"

Napanga-nga naman siya ganon din ang ibang manunuod sa baba ng stage ,napangisi ako dahil sa mga epic face nila.So ugly.

" Payo ko lang sayo, wag kang umasa na akala mo magugustuhan kita dahil kahit kailan di mangyayari yon"
bi-neso ko siya sa cheeks niyang tigkabila sabay baba ko sa stage at tuluyang umalis sa court.

Kahit nasa labas na ako ng court halos lahat ng mata at Cellphone nila sakin nakatutok. Umismid nalang ako saka tuluyang lumakad.

Nasan na ba kasi si Babe?
Ayoko na sa school na to,may alergy na ako dito .

Kinabukasan*

" OH BAKIT DI KA NA DIYAN MAKATAYO? WALA KA BANG BALAK PUMASOK?" sigaw sakin ni Mommy habang nakapameywang

Natawa naman ako ng bigla siyang sapukin sa ulo ni Tito Jin kaya napa
" Aray " siya

" Bakit nandito ka?" tanong niya kay Tito Jin

" Titooooooooo!!!!!!" yumakap ako kay Tito at saka bumeso

Favorate Tito ko kaya to si Tito Jin kasi subrang bait niya ,mas mabait pa kay Papa.

" Home visit a?" sagot niya kay Mama
Tumingin ito sakin saka pinisil ang pisngi ko " Kamusta kana? Ang laki na ng pamangkin ko a? Mas matangkad na sakin pero joke lang pala" paglololoko niya

Di ako pandak.Basta asa 5 yung height ko.

" HOY BABAE NAG UUSAP PA NGA PALA TAYO!"  sigaw niya sakin

" Hoy makasigaw to, di ka na nahiya sa kabilang bahay umagang umaga bunganga ka ng bunganga diyan!" sita ni Tito kay Mama.

" Kung alam mo lang kuya ng dahil sa batang yan kaya laging naingay dito sa bahay" sumbong niya kay Tito

" Di ko naman po kasing sinabi sayo na umingay ka lagi kapag nandito ako" sagot ko naman

" Aba't tingnan mo Kuya sasagot pa sakin, sasagot pa naku! Laging matigas ang ulo at hindi nagpag sasabihan"

" Pagsabihan mo lang kasi wag mong sigawan kaya hindi kayo nagkakaayos mag-usap e" utos ni Kuya kay Mama

Yeah his right, lagi niya nalang akong sinisigawan di naman ako bingi.

Lumapit ako kay mama " Ma gusto ko sanang lumipat ng bagong school" panimulang sabi ko.

" BAKIT? DAHIL NAUBOS MO NA YANG MGA LALAKI DIYAN SA SCHOOL MO?"

Grabe sa inuubos? Kinakain ko? Kinakain ko?

Kailangan mabait ako ngayon para payagan ako, tiis lang " No di naman ako aswang para kainin ko sila at saka ang dami kasing nangungulit sakin sa school e , di tuloy ako makapag focus sa pag- aaral ko " Tapos napaupo ako sa kama kunyari sawing sawi yung mukha ko.Para paniwala talaga.

" Nag- aaral ba talaga?" mahinang tanong ni Tito ng hindi nakatingin sa gawi namin si Mom

Kinindatan ko si Tito saka sineyasan na shhhhh joke lang yon.

" Tito papayagin mo si Mommy please" Bulong ko kay Tito

" Paano?" Tanong niya

" Ikaw na pong bahala"

He nodded kaya nakahinga ako ng maayos

" Ano kaya kung ipalipat mo nalang nga sa ibang school itong si Atasha?" tapos tumingin sakin Serious look

" Saan naman?" Tanong ni Mom

" Doon sa pinagpapasukan nong kapitbahay namin mga kasing edad lang ni Atasha ,  sa Crystal Jade Academy ata yun pumapasok,malapit lang naman "

" Bakit hindi nalang sa School ng TN——"

" No.Ayoko don as in!" Singit ko namang sagot. Alam ko na agad kong saan niya ako gustong palipatin. Ew ayoko don.

Nag-style nag-iisip si Mom.

" Well see? pero sige papayag ako sa isang condition"

" What! kailangan may ganyan pa?"
Gulat at inis na tanong ko.Kainis talaga si Mom!

" Syempre,pera namin ni Daddy mo ang pinag aaral sayo kaya dapat lang na may kapalit yon"

" Ano yon?" Wala sa mood kong tanong  sa kanya.

Nakakawala talaga sa mood.

" Mag-aaral ka na ng mabuti, hindi ka na puro lalaki ang nasa isip, laging libro, notebook lang ang aasikasuhin mo, wag puro gala at layas ang alam at papayagan na talaga kitang makalipat kong san yung tinutukoy ng Tito Jin mo"

Humiga ako sa kama ng pabagsak at tumingin kay Mommy" Si-sige try ko po"

Nilakihan naman ako ni Mommy ng mata" DONT TRY! JUST DO IT!"

" OKEY I DO IT WHAT YOU WANT BASTA GUSTO KO ,BUKAS NAKALIPAT NA AKO" saka ako tumalukbong ng kumot

Bahala na ang pag-aaral di ko susukuan ang mga lalaki.JOKE.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now