Napatingin ako kay Kian na nakatayo sa may pinto ng classroom at animo'y may inaantay. Papalabas ako ng tumigil ako sa may harap niya." Di ka pa uuwi?" I asked.
Umayos siya ng tayo " Bakit uuwi kana?" tanong niya naman
" Oo uuwi na ako "
Ngumiti siya saakin " Edi uuwi na tayo" Saka niya kinuha ang bag ko at siya na ang nagdala non.
Habang naglalakad kami iwas na iwas talaga akong di mapadikit ang braso ko sa braso niya maging sa kamay namin.
" Galit kaba sakin?"
Tumingin ako sakanya " H-hindi naman" Naiilang kong sabi
" Kung hindi ka galit, lumapit ka sakin" Utos niya
Tumingin naman ako na nasa kabilang highway.
" No need. Baka mamaya hawakan mo nanaman kamay ko no!" reason ko. Well natatakot din ako na baka gawin niya nanaman yun.
Because my heart pounding sa tuwing dumidikit na siya saakin.
Nagulat ako nang bigla siyang tumawid papunta sa pwesto ko, tumigil siya kaya napatigil din ako ,tumitig lang siya saakin at para akong matutunaw don.
" Relax. Di ko na gagawin lahat ng bagay na wala akong permiso sayo okey na? Tara na?"
" T-hank you sa paghatid sakin"
Ngumiti lang siya sakin kasabay ng pagbalik ng bag ko " Welcome. Alis na ako" pagpapaalam niya.
Pumasok naman ako sa bahay at nakita ko kaagad si Dad na nagbabasa ng Dyaryo sa labas.
" Hi Dad!" bati ko sakanya sabay beso
" Sit" utos niya saakin na umupo sa tabihan niya kaya sinunod ko naman iyon.
" Mabuti naman at ang agap ng uwi mo?"
Napakamot ako " Ah yeah. Wala naman po kasing ginagawa kanina"
Tumikhim si Dad at binitawan ang dyaryo sabay tingin saakin nang seryoso " Kayo pa ba nong boyfriend mo dati?"
Napaka-kunot ako sa biglaang sabi niya
" Ahm.No?"
Actually yes that's the true. Nakipag break siya sakin if tanda niyo pa? Nakipag break siya saakin bago siya pumunta ng US at pumayag ako roon nong medyo wala pa akong pagmamahal sakanya.
Dad smile. " Mabuti naman."
" Why Dad?"
Umiling siya " You don't have to know "
" Dad naman. So selfish ha?" nakapout kong biro sakanya
" Break naman kayo diba?"
Ay langya medyo masakit sa ulo si Dad. Paulit-ulit.
" But I still love him Dad." nakangiti kong sabi sakanya " Nakipag break siya bago umalis at pag nakabalik na siya magiging kami ulit. He say he's back and aantayin ko siya. Dahil promise namin yun sa isa't isa"
Naging matamlay yung mukha ni Dad at para bang nanlumo ito.
" You should forget that damn guy. Hindi siya karapat-dapat sayo!"
Nagulat ako ng sigawan ako ni Dad.
" B-but why?"
Iba ang aura ni Dad. At natatakot ako
" Dad w-why? Bakit ko naman gagawin yon?" pag-uulit ko
Tumayo si Dad at humarap saakin " Sasabihin ko ito hindi dahil sinisiraan ko siya sayo kundi para malaman mo na din ang totoo!"
Tumayo na din ako at tumingin nang may pag-tataka kay Dad.
" To know the truth? Dad? Tell me."
" Nasa US kami ng Mommy mo nang makita ko don yung dating syota mo, Nakita ko siyang may kasamang babae at—" tumingin si Dad saakin na para bang nag-aalinlangan ipagpatuloy ang sasabihin " At buntis yuon. Tinanong ko kung girlfriend niya iyung kasama niya pero sinagot niyang hindi"
Nakahinga ako ng maluwag matapos Sabihin iyon ni Dad. " Oh ano pong rason para kalimutan ko siya?" tanong ko kay Daddy .
" Dahil kasal na sila sa US. Kinasal sila don di pa nakakatagal. At bago pa sila makasal nabuntis niya agad ang babaeng kinakasama niya ngayon."
Napaupo ako sa subrang panghihinang nararamdam ko ngayon. Gusto kong umiyak gusto kong magalit pero wala. Wala akong maramdaman kundi manghina lang.
" Sorry anak. Dapat di ko nalang sinabi."
Tumingin ako kay Dad at ngumiti ng subrang pilit " No Dad i-it's o-Okey"
Tumayo ako at tumungo sa kwarto ko, di parin nawawala ang panghihinang naramdaman ko kanina. Nasasaktan ako, pero bakit ganito?
Walang ka-emosyon emosyon?
Walang luhang buma-bagsak?
Galit ako pero wala akong ganang magwala o magdamog na magpapawala ng galit ko.
Anong nangyayari sakin?
Parang dati lang iniiyakan ko siya, parang dati lang hindi ko kaya pero what now kung kailan nalaman ko na he's married and he's wife has pregnant saka pa ako nawalan ng Pakialam.
This is so fucking weird.
Patumba akong humiga sa kama at bago ko ipikit ang aking mata isang pangalan at isang tao lang ang naiisip ko sa oras na to.
" Kian."
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionSi Atasha Nathalie De Guzman ay iba't ibang lalaki ang minamahal na halos minsan ay di niya na alam kong sino sino at ilan lahat ito. May isa siyang lalaking minahal ng seryoso ngunit iniwan at niloko lamang siya nito ng wala siyang kaalam-alam. Buk...