25

35 0 0
                                    

Nakahiga ako at sa kama at pilit kinakalimutan ang mga nangyari kanina

" Like duh Atasha! Titig lang yon okey? Titig lang jusko!" Singhal ko sa sarili ko habang sinapuk ko pa ang ulo ko

Nag-paikot-ikot ako sa kama hanggang sa mahulog ako sa sahig

" A-aray"

Hinawakan ko ang ulo ko dahilan sa sakit nang pagkabagsak.  Pero kahit ganon bumalik ako sa pwesto ko at walang pag-aalinlangang natulog kahit na may isang Evil na gumagambala sa utak ko.

Kinabukasan*

Nagising ako dahil sa alarm clock na nasa gilid nang higaan ko ,agad ko yung pinatay at dahan-dahan umupo pero bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba.

Nag tooth brush ako, naghilamos at bumaba ng first floor, naabutan kong nag luluto ng almusalan si Kian.

Paupo na ako ng sulyapan ako ng tingin ni Kian. As usual the serious look again.

" Gising kana pala?"

Napangiwi ako " Hindi hindi! Isa akong tulog na naglalakad sa umaga psh!" sarcastic kong sabi kahit na nakakaramdam na ako ng pagkalamig.

" Sino?" biglang sabi ni Kian

" Ha?" sagot ko naman

" Sinong kausap mo?" sabi niya pa na kina-inis ko.

Akmang tatayo na sana ako ng mapaupo ako dahil sa panghihina.

" What the? Nangyayari sakin?" tanong ko sa sarili ko kaya napa-sulyap nanaman sakin si Kian

Inilagay lahat ni Kian ang mga niluto niya sa lamesa at umupo siya sa upuang nasa tapat ko

" Kain kana. Mamaya, bukas at sa pangalawang bukas ay wala na ako kaya sulitin mo na lahat ng niluto ko"  nakangising sabi niya pa bago sumubo ng pagkain.

Mabilaukan  sa—

" Tu-tubig, tubig nga paabot!" utos niya,habang hawak hawak at leeg na akala mo di na makahinga.

Natatawa akong nag abot ng tubig sakanya. Ano ba yan? Nabila-ukan agad? Haha!

" A-alis ka na talaga mamaya?"

Nahihiya kong pagtanong sakanya kaya sa pagkain nalang ako tumingin.

" Oo pagkatapos kong kumain "

Di nalang ako sumagot at kahit ayaw kong kumain ay pinilit kong lunukin ang mga pagkaing nasa harapan ko. Baka kasi sabihin niya napaka choosy ko sa mga pagkain.

" Ayos ka lang?"

Napatingin naman ako kay Kian sa subrang gulat dahil bigla bigla nalang siyang umiimik.

At kahit hindi agad akong nagtango sakanya. Sabay balik tingin ulit sa pagkain

" Atasha"

Napatingala naman ako kay Kian na ngayon subra kong makatitig saakin

Geez. What now? Nakakatitig nanaman siya sakin ? Kinakabahan ako na ewan bakit ganon?

" Hmm?"

" Wala" sabay seryoso nang mukha.

Psh parang ewan.

Fast forward•

Nakahiga ako sa kama habang nakatalukbong ng may biglang kumatok sa pinto.

Bumukas ng dahan dahan ang pinto at ramdam kong may papalapit sa pwesto ko.

" Atasha aalis na ako"

" Om ge " tanging naisagot ko nalang.

" Si—"

" Kian" mahinang tawag ko sakanya

" Bakit?" he asked

" Bago ka umalis pwede bang paki-abutan ako ng jacket na makapal. Kuhaan mo ako sa blue na cabinet salamat" mabilis na utos ko habang nanginginig ang tono ng boses ko.

" Jacket? Aanhin mo yon? Init init e "

" You don't care" masungit kong pagkakasabi sakanya



Kian POV

Wala na akong nagawa kundi sundin nalang ang utos ng mahal na reyna. Agad akong kumuha ng gray na jocket na may hood at itinapon sakanya.

" Ayan na, aalis na ako"

" Kian"

Napasinghap ako dahil pipihitin ko na sana yung door knob ng tawagin niya nanaman ako

" Ano nanaman?" inis kong sabi

" Last na, pwede bang tulungan mo akong makaupo sa higaan."

Napakamot ako sa ulo ko sa subrang inis

" Pinag-tritripan mo ba ako?" inis kong tanong sakanya

"Hi-hindi!"

Mabilis akong lumapit sakanya, inalis ang pagkakapal kapal na kumot sa katawan niya at ng hinawakan ko na ang braso niya ay don ko na siya nabitawan.

" Bakit ang init mo? Ayos ka lang ba?"
Hinipo ko ang nuo niya. Mainit
Ang leeg niya ,mainit din

" Nilalagnat ka! Tangina nilalagnat ka nga! Bakit di mo agad sinabi saking nilalagnat ka!"

Hindi siya sumagot bagkus pinipilit niya ang sarili niyang maka-upo kaya naman tinulungan ko siya.

" U-malis ka-kana"

" Psh! Paano ako aalis kung yung iiwan ko nilalagnat!?"  pasigaw na sabi ko sakanya

Lumingon naman siya sakin at pilit na ngumiti

" A-ayos lang ako Kian pro—"

" Manahimik ka!" singhal ko sakanya

Nang nanahimik naman siya ay agad kong kinuha ang jacket na nasa tabi niya at isinuot sakanya.

" Nilalamig ka pa?"

Tumango naman siya

" Hala humiga ka" Utos ko

Humiga naman siya, nanlaki ang mga mata niya ng bigla din akong humiga sa tabi nya sabay yakap sakanya. Hindi kami parehas nakakilos pero alam kong warm naman yung singaw ng katawan ko kaya effective talaga to lalo na sakanya na nilalagnat

" Nilalamig ka pa din?"

" Ah-ano ahm..."

Hinigpitan ko lalo ang pagkakayapos sakanya, pinaunan ko sakanya ang aking arms at nakayakap naman ako sa kanyang waist.

" Mukhang mangangalay ako nito mamaya a?" pagpaparinig ko sakanya kasi hindi na siya kumikibo o nagsasalita manlang

Kaya sinilip ko ang mukha niya at nakita kong umiiyak na siya.

" Oy hala, umiiyak ka? Aba tinutulungan lang kita para di ka lamigin ha? Wala akong ginawang masama sa—"

" Sana ikaw nalang ang minahal ko "

Napatigil at napa nga-nga ako sa sinabi niya. A-ako nalang sana ang minahal niya? Ano bang pinagsasasabi niya?




Unexpected LoveWhere stories live. Discover now