35

33 2 0
                                    


That's fucking let's go?

Ramdam niya atang wala ako sa mood makipag-usap sakanya. Sino ba namang hindi mawawalan ng mood sa sinabi niya.

Pabalik balik pa sa utak ko kainis!

" Galit ka? "

Umiling ako.

" Psh. Naiinis ka?"

Umiling ulit ako

" Naiinis ka kasi di ko sinagot ang I love you mo kanina?"

Nagtama naman ang mata naming dalawa ng mapatingin ako sakanya.

" N-no. Hahahah " pilit pa akong ngumiti sa harap niya kahit sinisigaw ng isip at puso ko na yes! Inis ako!

" Tara nalang sa Quantum. Sa arcade tayo ano game?"

Tumango nalang ako, at nagpadala na lamang sa higit niya. So nagpapalit siya ng 500 para sa tokens namin. Grabe ang adik niya at halos 500 talaga ang pinapalit niya.

" Ang dami namang tokens niyan " sabi ko habang binibigyan niya ako ng tokens

" Para mas masaya" nakangiti niyang sabi.

" Ay naku maliit ka nga pala paano ka makakashoot? Hahaha"

" Ediwow kong maliit ako!" and i rolled my eyes.

Nakakainis hindi nag shoshoot yung mga bolang hinahagis ko.

" Hirap talaga kapag di player" sabi ko

Hinampas niya sa ulo ko yung bolang hawak niya " Aray naman!" Reklamo ko sa ginawa niya

" Ang sabihin mo ang hirap kapag maliit di kayang abutin. Hahaha poor Atasha"

"Not HA-HA funny "  masungit na sabi ko.

Iniwan ko siya at naghanap nang malalarong bago. Hanggang sa magustuhan kong sumayaw .Yung bang may gagayahan kang step sa malaking screen so ayon sumayaw ako kahit di na talaga gayang gaya sa step na ginagayahan.

" Wow amazing!"

Di ako lumingon. I know it's him!
Tudo sayaw lang ako na ang tugtog is Sidekick by Dawin. Nagulat ako nang bigla niya akong sabayan sumayaw. Napatigil ako at tumingin sakanya na mukhang nasisiyahan.

" Cool." loko ko sakanya

Ngumisi lang naman ito saakin at hinawakan ang kamay ko " C'mon let's dance!"

Wala na akong nagawa kundi sabayan siyang sumayaw. Grabe ang lambot talaga ng katawan niya walang pagbabago. Mas lalong nakakainlove kapag pinapanuod mo siya.

" Titig pa. Inlove na ba?"

Napa-atras at napatigil ako nang maramdaman kong kinagat niya ang tainga ko pagkatapos niyang magsalita.

" Inlove na nga" rinig kong sabi niya sabay sayaw ulit.

Matapos naming sumayaw inakit niya akong kumain sa KFC. Payaman talaga kahit kailan.

" Kain na." akit niya saakin.

" Babayaran ko nalang mga nagastus mo ngayon " sabi ko

" Tsk ano kaba? Treat ko nga diba?" sabi niya pa.

" Pero ako naman ang nag-akit" sabi ko naman

" At ako ang lalaki, Kaya kain kana ako nang bahala okey?"

Kumain ako ng spicy chicken tapos rice. Nakakagutom pala talaga kapag subrang napagod ka sa mga ginawa namin kanina.  Inabutan niya ako ng tissue dahil may dumi daw ako sa gilid ng lips ko kaya agad ko naman iyung pinunasan.

" Siya nga pala, naalala mo yong sinabi kong not now but soon?"

Mamuntikan na akong mabilaukan sa nabanggit niya. Napatingin ako sa kaliwa't kanan at saka tumingin ng deritsahan sa kanya.

" Yah. B-bakit?"

Umiling siya " Wala lang"

Tapos ngumiti siya at kumain ulit. Oh anong meron? Bakit kakaiba ang ngiti niyang yon?

Matapos naming kumain naglalakad-lakad kami nang may mahagip nang mata ko. Nandito siya. Alam kong siya yon. Kaya't hinawakan ko ang kamay ni Kian dahilan para mapatingin siya saakin.

" Teka saan naman tayo?" tanong ni Kian saakin.

" May kakausapin lang ako "

" Sino?" tanong niya nang nakakunot nuo

" Si Selywn. Yung EX ko"

Napatigil naman siya at ganon din ako. " But this time, pwedeng don ka muna sa may dulo?" sabay turo ko malapit sa miniso (Japan accessories)

" Oh sige naiintindihan ko. Pero pag may nangyayari nang kakaiba lalapit na ako ha?"

Nag-tango nalang ako bilang sagot sakanya

Nang makalayo ako ng kauntian sa pwesto ni Kian tiningnan ko naman si Selwyn na mag-isang nakatayo sa labas ng Department Store.

So nandito nga siya?

Mag-isa.

At kailan pa siya nakabalik sa Pinas?

Nang makalapit ako ng kunti sa pwesto niya nag act ako na kunyari natumba. Bago ko makitang papatingin siya saakin yumuko ako, tumingin din naman ako kay Kian na lalapitan sana ako kaso inilingan ko lang siya kaya tumango nalang ito.

" Miss okey ka lang?"

Napangisi ako ng hawakan ni Selwyn ang pulsuhan ko. Slow motion akong tumingin sakanya at nang magtama na ang tingin namin sa isa't isa nanlaki ang mata niya.

" Atasha?"

Bored look akong tumingin sakanya " Selywn? Your here?" kunyaring gulat na sabi ko sakanya.

Umatras siya sa pwesto niya at tumingin sa kaliwa't kanan na para bang may hinahanap.

" Looking for someone else?" nakangiti kong sabi sakanya.

" I-i have to go"

Bago palang siya makatalikod hinawakan ko ang dulo ng T-shirt niya.

" Leave me alone babe?" nakangising sabi ko dito.

Dahil sa medyo nakatalikod siya ,hindi ko makita ang expression ng mukha niya ng tawagin ko siya gamit ang callsign namin dati.

Well babe niya mukha niya!

" Baby? What's happening here?"

Lumingon ako sa likod kong saan nanggaling ang boses. Nakita ko ang isang babaeng maputi, malaki ang tiyan at hindi naman kagandahan.

Mabilis na inalis ni Selwyn ang kamay kong nakakapit sa Shirt niya at tumingin sakin.

" Look Atasha I expla—"

Hindi ko siya pinatapos magsalita nang bigla ko siyang sampalin sa kaliwa't kanan niyang mukha.

" You don't have to "

Tumingin naman ako sa babaeng nasa likod ko na ngayon ay nasa harap ko na din. At kahit nasa loob kami ng Sm oh well I don't care.

" Who are you? And why you slap my fiance?" galit na tanong nito saakin.

Plastik akong ngumiti sakanya. Tinaasan lang naman ako ng kilay nito .

"  Im Atasha Nathalie K. De Guzman. He's Ex girlfriend."

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now