10

41 0 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan ,lagi nalang ako nakakulong sa kwarto maraming umaakit sakin lumabas pero wala akong ganang sumama sa kahit kanino

Napatingin nalang ako sa may pinto nang may kumatok

" Pasok" wala sa mood kong sabi

Bumukas naman ang pinto at inuluwa ang mukha ni Daddy

" Sasama ka ba samin ng Mommy mo? Aalis kami sasama ka?"

Umiling ako

" Gusto mong pagkain, ibibili ka nalang namin"

" Wala po akong gustong kainin Dad" Maikling sagot ko

" May problema ba anak?" Tanong niya

" Meron ,miss ko na siya Daddy!!!" Niyakap ko si Daddy at saka nanaman umiyak

Actually simula nong iniwan ako ng gagong Selwyn na yon lagi nalang akong naiyak, feeling ko kasi nawala na yung kaisa- isang lalaki sakin na laging nandiyan para sakin, yong laging inaalala bawat sitwasyon ko.
Yung lagi akong sinasabihan ng  I love you  He's gone. Iniwan niya din ako.

Para namang pinapalabas kong patay na si Babe?

" Sinong siya? Sinong miss mo na?"

Tumingala ako kay Dad " Si Babe po" tapos pinakita ko kay Dad yung pic naming dalawa.

Wala pang isang sigundo ng itulak niya ako papalayo sakanya at sinamaan ako ng tingin " May napag-usapan na tayo diba? Study first before boys" Pag papaalala niya

Tinapik ko naman si Dad sa balikat
" Dad si Selwyn po, iba po siya sa mga lalaking nakilala ko, actually hindi ko nga alam na may Bf pala ako ng 4 months ng mahigit like isipin mo naman po yon? Mga tumatagal lang sakin 3 weeks to 5 weeks lang pero siya––siya lang talaga ang tumagal"
Napayuko ako " Kaya kahapon hinatid ko siya sa NAIA kasi yon na yong araw ng flight niya.Pupunta na siya sa US para magtrabaho.Hays iniwan niya ako . "

Nakakalungkot. Naiiyak nanaman ako

Hinarap naman ako di Daddy sakanya at inayos ang hibla ng mga buhok ko
" Anak wag mo kasing madaliin ang pag-ibig marami ka pang makikilalang ibang lalaki na mas tatagal pa ang relasyon sayo ha? Ngayong umalis na siya , tumutok ka muna sa pag aaral mo"

I nodded

Tumayo si Daddy at tinap ang ulo ko
" Kung bored ka dito pumunta ka nalang muna kay Tito Jin mo at alagaan mo yung baby nila."

" Si Biajin? lol His not baby! " Tukoy ko don sa Bata. 5 years old na nga yon e .

" Oo hahaha, atleast don di ka maboboring kesa dito na lagi ka nalang nakakulong sa kwarto mo"

" Sige po" Excite kong sabi

Bale monday and tuesday wala kaming pasok then kahapon may pasok kami so ngayon wala kaming pasok hanggang linggo.

Yeah 4 days walang pasok (づ ̄ ³ ̄)づ

Ginayak ko na yung mga gamit kong dadalhin kela Tito Jin dahil 4 days din akong matutulog don.Im so exciteddd! Kaumay kasi dito

- At Tito Jin House

" Mabuti naisipan mong bumisita dito?" Tanong ni Tita Bianca na asawa naman ni Tito Jin

" Ah opo . Namiss ko lang po talaga si Biajin Tita"

Walang kupas talaga ang ganda nitong si Tita Bianca. Dyosa kung dyosa e. Mabait pa, pero dating kaaway siya ni Mommy.Psh

" Ah ganon ba? Sakto naghahanap din ng makakalaro si Biajin andon siya sa taas nanunuod ng TV ,umakyat ka nalang" Sabi niya

Umakyat naman agad ako dahil naeexcite na akong makita si Biajin na tabachoy! Baboy!

" BIAJINNNNNN!" pasigaw na may halong pa sweet voice kong tawag sakanya

Nilingon niya naman ako kasabay ng pagbato ng remote sakin

Nyeta walang manners!

Nilapitan ko siya at kinurot sa pisngi
" Ikaw ha? Kadadating ko palang inaaway mo na agad ako?" Palambing na sabi ko

Siningkitan niya lang ako ng mata at saka nagpatuloy manuod ng TV

Mygod! Wala talagang manners ang batang to!

" What are you doing here Tita Natasha?" biglang tanong niya

" To visit you" Sagot ko

Niyakap ko naman siya pero humiwalay agad siya at lumayo ng subra sakin " Don't hug me" utos niya

" Fine! Arti mong bata ka!"

Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko dito at itong si Biajin ang dahilan,lagi kasi kaming nag aaway nito syempre kahit bata pinapatulan ko padin

" Biajin baby ,Kuya Kian is here!" Sigaw ni Tita sa baba

Nanlaki naman ang mata ni Biajin at tumalon talon pa bago umalis ng mabilis sa kwarto at iniwan akong mag isa

Bumaba din naman ako at Automatic na napalaki ang mata ko ng makita ko siyang nandito

Nang umalis si Tita Bianca sa harapan namin,Nagkatinginan kami ni Kian pero no reaction lang siya, kinarga niya naman si Bianjin at tinuro ako

" Sinong panget na yan?new babysitter mo?"

Napaflip hair nalang ako dahil AKO? BABYSITTER NI BIAJIN? seryoso? Urgh Kian magsisimula ka nanaman ng away!

" No she's my ugly Tita"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sagot ng batang walang modong ito

" Wha––what biajin? Im ugly?"

" Basta bata nagsasabi talaga ng totoo" lumapit sakin si Kian habang karga karga niya si Biajin " Kaya di na ako magtataka na pati bata napapangitan na sayo"

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now