28. The devil's muse have spoken

180K 4.1K 613
                                        

"Kiddo..."

"Why are you still awake?" I asked Kuya Hector. I was sitting on the pool side while drinking a glass of wine. Naupo si Kuya sa tabi ko at saka inakbayan ako. He touched my face. Akmang iinumin ko na ang wine ko nang kunin niya iyon at siya na mismo ang umubos.

"Kuya!" Sigaw ko. He laughed at me maya-maya ay sumeryoso din siya.

"Remember what I told you at the airport months ago?" He asked. I looked at him. I know what he was trying to tell me. I smiled but I kept quiet because I didn't want us to dwell on my pain. Alam kong alam na niya kung bakit ako malungkot nitong mga nakaraang araw plus I think he heard me crying earlier after getting home.

Hini naman matanong si Kuya pero alam kong naramdaman na niya. He tightened his arm around my neck.

"Run after the thing that makes you happy." Wika niya sa akin. I smiled.

"Just like what you did with Ate." Natatawan wika ko. Gusto ko sanang gawin iyon pero hindi pwede. May limitasyon ang lahat ng bagay ngayon. Gustuhin ko man, hindi ko pwedeng ipaglaban si Yllak . I don't want my brother to suffer.

"Sabi nga ni Ate, it will pass." Nakangiti pa ring sabi ko. Bumuntong-hininga si Kuya. "Ano ka ba?" Sabi ko. "Kuya, you've taught me well. I can manage."

Sabay pa kaming huminga ng malalim. Natahimik kaming dalawa. I didn't bother talking. I like the silence between us – para bang iyog katahimikan na iyon ang tanging magpapakalma sa mga ugat ko sa katawan. Okay naman ako, ayoko nga lang maalala ang eksena kanina sa labas ng ice cream shop but then it's too impossible to forget the way he looked at me – para bang diring-diri siya sa akin.

"You know that I'm here, kiddo. Hindi kita iiwan." Sabi niyang bigla. Tumingin ako kay Kuya. Dama ko sa mga titig niya ang sinseridad sa kanyang mga mata. "Hindi kita pababayaan Leigh. Hindi naman kita kinuha sa kanila para saktan. If I could I will protect you from all the bad elements of this society – that's how much I love you."

"Thank you, Kuya..." Nakangiting wika ko. I am indeed a great actress – hindi ko ipinapakita ang sakit na narraamdaman ko. Palagi kong iniisip na para sa kanila ito – para sa masayang pamilyang matagal nang gusto ni Kuya.

""Bakit nga pala nandito ka pa?" Tanong ko. "Tulog na yata si Ate, baka hanapin ka noon."

"She's awake. Nasa kitchen. Nagutom yata..." Sinabayan ni Kuya Hector ng pagngisi ang sinabi niyang iyon. My eyes widened. Hinampas ko siya sa balikat. Kuya Hector laughed evilly. Kahit naman hini niya sabihin – alam ko kung anong ginawa niya kay Ate.

"Bastos!" Sigaw ko.

"What? Para naguto---" He laughed again. HInampas ko kasi siya sa balikat. "Aray, kiddo! Stop!" He was giggling. Natigil lang ang pagkakasatan namin nang pumailanlang ang isang pamilyar na tinig.

"Bitiwan ninyo ako! I need to speak with Yna!"

I stood up. Sumunod si Kuya sa akin. Mabilis akong naglakad papasok sa loob ng bahaym I saw Ate Yza rushing from the kitchen. She was wearing Kuya's shirt and a pair of sweat pant.

"Yllak Joaquin!" She called Yllak's attention. Hindi niya pa ako napapansin. Tumigil siya sa paglakad. Nakasunod sa kanya si Fabio at si Daniel – ang mga body guards ni Kuya. He looked back at them.

"She's my sister!" Turo niya kay Ate Yza. Sinenyasan ni Ate ang dalawa na umalis na. Yllak faced her. Naramdaman kong hinawakan ako ni Kuya sa braso.

"Gabi na!" Sigaw ni Ate Yza.

"Nasaan si Yna?" Tanong niya kay Ate. Biglang nagsalita si Kuya. Nasa likuran na niya ako ngayon. I saw Yllak come up to him.

Until you are mineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon