"Yllak!"
Nanay called me that afternoon after I woke up from a sudden nap. Medyo masakit pa ang ulo ko habang pababa ako sa hagdanan. Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag ni Nanay. Nakita ko siyang nakaupo sa living room habang nagbabasa. She smiled at me. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Bakit po, nanay?" Tanong ko. Si nanay na yata ang pinakakalmadong babaeng nakilala ko. Hindi siya katulad ni Tita Apollo na palaging binabatukan si Uncle Luke. Minsan, narinig ko na under daw si Uncle kaya ganoon ang nangyayari sa kanila.
"Sunduin mo si Yna sa park. Magmemeryenda na kayo." Napakamot ako ng ulo. Ako na naman ang nautusan pero dahil sinabi ni Tatay na lahat ng sasabihin ng reyna ay susunduin hindi na ako kumibo – sumunod na lang ako sa lahat ng sasabihin niya. Lumabas ako ng bahay at saka tinungo ang park – doon nakita ko si Yna na nagbabike habang hinahabol si Ate Yza. Kasama ni Ate Yza si Ate Nikita. Sigurado ako na nasa malapit lang si Kuya Yto dahil nandito na naman si Ate Nikita.
"Hoy!" Sinigawan ko si Yna. Huminto siya sa tapat ko. She' s only eight years old. Ako naman eleven. Nakapig-tails siya tapos nakasuot ng jumper.
"Bakit kuya?" Tanong niya sa akin. She pouted her lips. Piniglan kong mapangiti. Sa totoo lang – ang cute cute ni Yna.
"Uwi na daw sabi ni Nanay." Sabi ko sa kanya.
"Ayoko pa..." Mahinang sabi niya.
"Ayaw mo pa?" Nakadama ako ng inis. Pilit ko siyang binaba sa bike niya at ako naman ang sumakay doon. Pinaandar ko iyon ng mabilis. Nang lumingon ako ay nakita ko siyang tumatakbo habang iyak nang iyak.
Nakarating kami sa bahay nang ganoon ang hitsura niya akala ko sa akin siya tatakbo nakita kong dumiretso siya sa kotseng kaka-park pa lang sa garahe. Agad na bumaba doon si Tatay. Napangiwi ako.
"Why are you crying, princess?" Agad na kinarga ni Tatay si Yna. Tinuro naman ako ni Yna.
"Ta-tatay ka-kasi si Ku-kuya in-kuha iyong bike kooooo!!! Inaaway niya ako palagi!"
"Yllak..." May warning sa boses ni Tatay. Tinawag ni Tata yang isa sa mga maids at ibinigay si Yna. Kinuha naman niya ang kamay ko at saka ipinasok ulit sa sasakyan. Hindi naman kami umalis. Nandoon lang kami. Akala ko papaluin ako pero hindi. Bumuntong hininga lang si tatay at saka tumingin sa akin.
"Anong turo ko tungkol sa pagmamahal sa mga babae sa buhay natin?"
"Love them like there's no tomorrow. Don't make them cry – make them happy. Never hurt them.."
"Iyon ba ang ginagawa mo sa kapatid mo?" Tanong niya. Hindi ako nakapagsalita.
"Sorry, tatay..." Tumango si Tatay sa akin at inaya na akong bumaba ng kotse. Pumasok kami sa bahay. Sinalubong ni Nanay si Tatay ng halik sa labi tapos ay ngumiti.
"I love you, honey..." Sabi ni Tatay. Natawa naman ang nanay. Hinanap ng mga mata ko si Yna – nakita ko siyang nakaupo sa baiting ng hagdanan tapos ay nakapangalumbaba habang nakatingin sa akin. Nilapitan ko siya. Tinabihan tapos ay inakbayan. Nakanguso na naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Until you are mine
Storie d'amoreYnna Johanna Consunji is the youngest daughter of The Sancho Consunji - she is a princess but not everything for her is easy. Yna was convinced that her brother Yllak, hates her and that saddens her big time. Yllak Joaquin Consunji is trying his be...
