10. And the claiming starts ... NOW

234K 4.4K 655
                                    

Being adopted doesn't seem to bother me at all. Pakiramdam ko nga may dinulot pa iyong magandang resulta. I got to be closer to my brothers. Sinabi naman ni tatay sa akin na walang magbabago. Hindi man nila ako kadugo, hindi man ako galing sa mga magulang ko, galing naman ako sa puso nila at kahit kalian ay hindi magbabago iyon.

Isa pa, Kuya Yllak seems to really care about me now. Hindi na siya ganoong kalayo ngayon. I can finally get close to him – ang sarap pala noong feeling na alam mong nasa paligid lang iyong mga taong nagmamahal sa'yo. I never felt so much love from them. Alam ko na ngayon na hindi talaga ako iiwan ng pamilya ko – na kahit anong mangyari, they will stay with me and I'll stay with them.

Sabi nga ni Nanay noong araw na kinausap nila ako ni Tatay, I was made for them. I was very touched by those words. Nakakatuwang isipin na kahit hindi nila ako kadugo ay minahal nila ako ng sobra.

That day, I was at school – I was busy preparing for my exams, kinukumpleto ko rin ang mga requirements ko. Bakasyon na sa susunod na linggo at excited na talaga ako. Tatay told me that we're ging to have another family vacation – this time with Ate Niki – because she's already engage with Kuya Yto and of course Kuya Zach because he's with ate Yza.

Nakakatuwang tingnan ang mga panganay kong kapatid – they are all happy. They are all loved by their loved ones habang ako nakatingin lang sa malayo. Hindi naman ako ignorante. I know what I'm feeling. I'm in love with kuya Zach – pero hindi ko pwedeng sabihin kasi nga in love siya kay Ate Yza at isa pa mas gusto kong makitang maging masaya siya sa malayo kaysa naman iyong agawin ko siya kay ate. I know how much he loves ate Yza – he took a bullet for my brother. That was enough reason for me to let them be.

Pero sa nalaman kong iyon ay mas lalo kong minahal si Kuya Zach. I sighed. I know how crazy my thoughts were but what can I do... I'm in love.

I was walking around the school ground habang binabasa ang list ng mga requirements na dapat kong ipasa when suddenly someone got a hold of my arm and make me look. My eyes widened when I saw Demitri – yes, Helios Demitri on the flesh – standing in front of me. His eyes piercing through my being. Napapasong lumayo ako sa kanya. I stepped away.

"Let me be!" I hissed at him. Umiling siya.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap!" He demanded. Tinulak ko siya.

"Sino ka para sabihin sa akin iyan?!" Sigaw ko. "You pushed my brother ----"

"I am your brother, Leighton Selene!" He hissed. Natulala ako nang marinig ko ang hindi pamilyar na pangalang itinawag niya sa akin. I thought about it – he called me that – bakit? Is that my real name?

Umiling ako. "Ako si Yna Consunji."

"No. You are Leighton Santillan! You're my sister! I'm your family!"

"Hindi!" Sigaw ko. He grabbed my hand again. Walang sabi-sabing kinaladlkad niya ako papasok sa kotse niya. Pagpasok ko doon ay may driver. Walang tanung-tanong na pinaandar niya ang sasakyan at saka binalingan ko.

"You want the truth? Dadalhin kita sa tunay mong mga magulang!" He was hissing. Mukhang galit na galit na siya. His green eyes were a bit darker now. Kinakabahan ako. Paano kung hindi na niya ako ibalik? Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng bag ko. I took a glimpse of my phone and pressed the number one – speed dial. Hindi ako nagpahalata kay Helios Demitri. Nagsalita lang ako nang nagsalita.

"Where are you taking me?" I said out loud.

"To your real parents." He answered me.

Until you are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon