Kung Alam Mo lang

79 10 0
                                    

Cast of Story:
  
Kasey Aihara
Kenji Aihara
Mr/Mrs Aihara
Lolo Arthur  Aihara
Yaya Isabelle

Mrs. Carmin Montenegro
Dwarf Montenegro

Niccolo Irie

       PROLOGUE
  

       Summer kaya walang pasok .Nag si-siesta or afternoon nap ang mga parents ko noon at wala akong magawa , walang mapag laruan .Kahit pa uso ang gadgets boring din .Ang mga kalaro ko naman ay hindi pa dumarating baka busy pa sa kani- kanilang alagang hayop parang  mag kaka - migraine na ako sa inip
Nakakailang beses ko nang nabasa ang mga komiks at liwayway namin. Hindi rin ako makapakinig ng radyo dahil natutulog si daddy
  
     Maka akyat na nga lang sa puno.
  
     Isa iyon  sa libangan ko kapag walang magawa at umaakyat ako sa mataas na puno .Tinitignan ko kung may kalaro ako na nag papalipad ng saranggola sa malawak na bakanteng lote.Iyon ang aming play ground
 
     May kakaiba akong nakita na nag pabilis ng pintig ng aking puso nang makaakyat ako sa puno ng mangga. Kung nangyari ito sa panahon ngayon parang naririnig ko ang kantang OVERDRIVE ng ERASERHEADS habang natatanaw ko ang paparating na sasakyan mula sa malayo. Malaki iyon may hila-hila pang trailer sa likod. Mabilis ang takbo at umaalimbukay ang alikabok sa dinaraanan

  Esaktong nakababa ako ng puno ay dumaan ang sasakyan na may hilang trailer. Humahabol ako kung saan man iyon papunta wala ang mga kalaro ko maiinggit sila sa akin na ako ang unang nakakita sa dumating na sasakyan
  
     May mga ganitong bisita lang kami pag piyesta mga dayong karnabalista na nag papalabas ng magic at kung anu-anong sugal. Kung minsan naman ay kamag -anak na nakiki pagmiyesta malayo pa ang piyesta kaya tiyak na bisita ang mga ito ng kung sino man tuloy ako sa paghabol ng sasakyan
   
      Mahigit isang kilometro ang natakbo ko sa kasusunod bago huminto ang sasakyan sa isang malawak na lote na  papaligiran ng barbed wire .Bihira ako magawi rito dahil pinamumugaran ng malalaking sawa yung inaalagaan ngayon ng mga pet lovers sa kanilang bahay  at takot ako sa ahas. Ngayon ko rin lang nalaman na may bahagi pala rito na nabakuran na.
 
   Bumukas ang isang pintuan ng sasakyan.
   Mula roon ay bumaba ang isang dalagitang sa tingin ko ay 6 years old at matanda ako ng dalawang taon . Napatingin siya sa akin at ngumiti
 
     Para ako nakakita ng dyosa na  kamukha ni Monique  Mill sa 100 years Legacy
   Right there and then ,it was love and first sight para sa akin
 
  Ang ngiti  ng dalagitang kamukha ni Monique Mill ay lalo nagbigay ng liwanag sa kapaligiran . Mestisa, mahaba ang buhok naka jumper na maong at white T-shirt na panloob, naka headband kung sa panahon ngayon at masasabing may pag ka Fashionista may ilan din siyang accessories sa kamay at leeg . Mukhang kikay girl at may hawak siyabg teddy bear hindi nawawala ang pag kakangiti niya sa akin and every  second ay lalo akong na iinlove
Kasunod niyang bumaba ang isang binata na marahil at nasa 12  years old  .medyo hawig sa kanya  kaya iniisip kong kapatid niya at biniro pa sya .
 
  "  oh may  Best Friend kana rito! At itinuro ako sa dalagita tumawa nang malakas ang dalagita at nakita ko ang mapuputi niyang ngipin at dimples sa mag kabilang pisngi at tumawa rin ang kuya nya
 
     Mula sa unahan ng sasakyan at bumaba any isang mag asawang nasa mid 40's siguro , matipuno ang matandang lalaki at  mukhang masungit ang matandang babae ay hawig sa dalagita bagaman medyo mataba na tumingin din sila sa akin perk sandali lang.  Nag punta ang matanda sa trailer at binuksan  nakita ko mga gamit  sa bahay ang laman niyon
  
    Mga  bagong lipat naisip ko sila siguro ang nakabili sa lupang binakuran ng barbed wire .Na alaala ko minsan nag uusap ang mom ,dad ko na may  magtatayo ng Rancho malapit sa aming bahay. Nagsimula silang magbaba ng kanilang mga gamit
 
     Ang mga batang tulad ko ay bawal nakiki usyoso sa ibang tao . Iyon ang turo sa amin ng nga  nakakatanda bunsod ng kagandahang asal ay humakbang ako palayo roon para bigyan ng privacy ang mga bagong dating  at narinig ko may sumutsot
  " Psssssssssstttt!

     KUNG ALAM MO LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon