Chapter 30: Coma

4.9K 68 3
                                    

Chapter 30:
"Coma."

A/N: Bago niyo basahin to, basahin niyo muna ang book 1 ng story na ito dahil malilito lang kayo dahil kadugtong lang ito ng unang kwento. Para sa hindi mahanap ang Book 1, just type or visit my profile and find the "When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess." Thank you sa magbabasa ng unang story at sa magbabasa ng ikalawang story. Maraming salamat!!

Lucy's POV

Napabalikwas ako sa kama ko dahil sa panaginip ko. Pinagpapawisan ng malamig at hinahabol ang hininga.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang puti nitong kulay, nasa hospital pa rin ako.

Nagpapagaling pa ako ng mga pasa ko dahil sa ginawa ng kumidnap sa akin. Medyo masakit pa rin ang katawan ko kasi ilang linggo lang ang nakalipas mula nang makuha nila ako sa kumidnap sa akin.

Ilang araw na din akong nananaginip, iba iba, at katulad ng panaginip ko kanina ay kasama ang lalaking kumidnap sa akin sa mga panaginip ko.

Umupo ako sa kama at tiningnan ang orasan na malapit sa Tv.

Alas tres na pala ng umaga, mukhang hindi na ulit ako makakatulog nito.

Bigla kong naalala ang mga pangyayari nang makidnap ako.

Flashback

Lumabas si Raphael upang patumbahin ang mga nakaharang sa pinto, nagpaiwan ako sa loob upang hindi siya mahirapan.

Masakit pa rin ang katawan ko pero kailangan ko iwaksi sa isip yung upang hindi na masyadong masakit.

Nakarinig ako ng ungol mula sa labas ng pinto. Napatumba na ni Raphael ang mga tagabantay. Maglalakad sana ako nang biglang may tumutok ng baril sa sentindo ko.

Nakaramdam ako ng takot dahil dun.

"Wag kang papalag o sumigaw kundi sabog yang ulo mo.", banta niya sa akin.

Alam ko kung sinong ito, siya lang naman ang may pakana nitong lahat.

Dahil sa takot ko ay hindi na ako pumalag. Medyo nahihirapan pa din ako dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Makaraan ang ilang minuto ay narinig namin ang boses ni Raphael at isang familiar na boses.

Alam ko kung sino yun, hindi ako pwedeng magkamali, siya yun.

Gusto kong umiyak dahil sa narinig ko, akala ko hindi ko na maririnig ang boses niya, boses niyang dati kong kinaiinisan, ngayon ay siyang akin nang minamahal.

Oo, mahal ko na si Ethan, ngayon ko lang narealize lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Alam ko din na hindi niya ako mahal pero okay lang yun, atleast ngayon ay hindi ko na dinideny na mahal ko siya at tska alam ko naman na magiging masaya siya kay Lorriene, kasi mahal din siya ni Lorriene.

Masakit man isipin na nagpaubaya ako, ganun naman talaga, kapag mahal mo ang isang tao, kahit na masakit kailangan kong magpaubaya.

Hindi ko mapigilan ang iyak ko. Nandito siya, maliligtas na ako.

"Nandyan siya sa pinto. Medyo mahina pa siya.", napatigil naman ako dahil sa narinig kong sabi ni Raphael.

Nakaramdam ako ng takot dahil dun. Alam ko na kapag binuksan ni Ethan ang pinto ay nakikita niya ako, hostage, sira sira ang damit at madumi.

Nag-iisip pa ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang gulat na mukha ni Ethan.

"Umalis ka dyan kung ayaw mong paputukin ko ito sa ulo ng babaeng 'to.", bantang sigaw ng lalaking nakahawak sa akin at itinutok lalo ang baril sa akin.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018Where stories live. Discover now