Chapter 60:
"Final Chapter."Lahat ng may buhay dito sa mundo ay mamamatay, hindi man ngayon pero sa takdang panahon. Pero masakit kung mamamatay ka sa hindi sa isang sakit, kundi pinatay ka, lalo kung mahal mo sa buhay. Napakasakit na makitang nasa isang malaming na lapida mo na lang makikita ang kanilang pangalan. Kahit na ilang taon na siyang wala ay hindi pa rin mawala-wala ang sakit ng iyong nararamdaman.
Nandito ako ngayon sa harap ng kanyang puntod. Ilang taon na din mula ng makabisita ako sa kanya. Maraming kasing nangyari mula nung mawala siya kaya ngayon lang ulit ako nakabisita sa kanya.
May dala akong bulaklak, isang puting tulips, paborito kasi niyang bulaklak yun.
Nilagay ko sa tabi ng kanyang puntod at sinindihan ko ang kandila na nasa gilid din ng puntod niya. Umupo ako sa damuhan.
"Sorry Ma kung ngayon lang ako ulit nakadalaw sa inyo, maraming kasing nangyari mula nung mawala ka.", salita ko sa harap ng puntod ng Mama ko.
Oo. Patay na ang Mama ko, ilang taon na din ang lumipas mula nung pinatay siya ng kalaban namin na Gang, ang Dark Moon. Mula pa man noon ay magkalaban na ang Clan namin at ang Dark Moon Clan pero ngayon lang ito winakasan.
"Ma alam niyo po ba si Papa? Hahaha hindi pa rin siya nagbabago, isip bata pa rin.", natatawa kong kwento.
Totoo kasi yun, isip bata pa rin si Papa, pano kasi, palagi na lang nandun sina Tito Alex at Tito Achilles sa bahay at tuwing umuuwi ako galing sa klase ay nagkakantahan sila sa karaoke at minsan pa sinasali nila si Drew at Micheal kaya minsan hindi ko maiwasan na matawa habang nakikita silang nagsasayahan.
Mula kasi ng mamatay si Allyson na anak ng Hari ng Dark Moon Clan ay simula na din ng pagbagsak ng kanilang mga negosyo, kaya nung lumusob ang mga tauhan nila ay hindi na nagdalawang isip si Papa na ubusin lahat ang myembro ng Clan nila at napatay ni Papa ang kanilang Hari. Ngayon wala na ang Dark Moon Clan, wala nang manggugulo sa buhay namin.
"Ma okay na po ang lahat, wala na po ang mga taong dahilan kung bakit nawala ka po sa amin. Wala na po sila.", patuloy ko sa pagkwento.
"Pero Ma sayang at wala ka sa araw na ito, alam ko na gusto mo akong makita sa araw na ito pero sayang Ma at nawala ka kaagad pero alam ko na binabantayan mo kami ni Papa kaya alam ko na masaya ka para sa akin sa araw na ito. Ako din Ma, sobrang saya ko sa araw na ito. Sana sa bagong buhay ko Ma ay sana palagi mo kaming bantayan, pati si Papa.", sabi ko at pinahid ang luha na tumulo na pala.
"Ethan.", napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Rafael na nakatayo hindi kalayuan sa akin.
Tumingin ulit ako sa puntod ni Mama. "Ma alis na ako, baka nandun na silang lahat. Promise po dadalaw ulit ako dito pero hindi na mag-isa, may kasama na ako at ipakilala ko siya sayo Ma. Paalam na Ma, I Love You.", sabi ko sabay haplos ng pangalan ni Mama na Althea Mashima.
Tumayo na ako at pinagpagan ang suot kong Black Pants at lumakad na papunta kay Rafael.
"Baka malate ka Eth.", bungad agad ni Rafael sa akin.
Napangiti naman ako. "Maaga pa naman Raf, wag ka masyadong atat, 8 pa nga lang ng umaga tapos 10 magsisimula.", nakangiti kong sabi.
"Mabuting mas maaga ka, baka magalit yun at baka mapano pa tayo sa kanya", sabi ni Rafael.
"Hahaha oo na. Halika na.", sabi ko at lumakad na kami papunta sa kotse ko.
YOU ARE READING
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 04/25/2018- #395 in Teen Fiction. [BOOK 2] Its not The End, Its just the Beggining of their Journey... Well they survive this time? and will Ethan find the Girl that he Promised for? All your Questions Will be answer in this Story. Dat...