Chapter 53: Tell the Truth

1.7K 45 11
                                    

Chapter 53:
"Tell the Truth."

Ethan's POV

Napamulat ako bigla at hinahabol ang hininga.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko na nasa kwarto pala ako at umaga na. Tumayo ako. Nakatulog pala ako sa study table ko.

Pumunta ako sa banyo upang maghilamos. Binuksan ko na ang tubig at ginamit ko ang kamay ko upang ihilamos.

Matapos akong maghilamos ay humawak ako sa gilid ng lababo at tumitig sa salamin.

Bigla kong naalala si Mama, kasama si Mama sa panaginip ko, bakit kasama si Mama sa panaginip ko? Anong ibig sabihin nun?

Kumuha ako ng face towel at pinatuyo ko ang mukha ko gamit ito. Lumabas na ako ng banyo at lumabas ng kwarto.

Naglakad ako papunta sa kusina upang magluto, gusto kong magluto ngayon.

Nang makarating ako sa kusina ay agad akong naghanap ng mga sangkap sa iluluto ko.

Ang lulutuin ko ngayon ay Omelete with Pasta and salad.

Nang mahanap ko na ang mga sangkap ay nagsimula na akong magluto ng breakfast namin.

Lucy's POV

*Ring! Ring!*

Minulat ko ang mata ko nang marinig ko ang tunog ng phone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumawag.

Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko na si Tito Kaname pala ang tumawag.

Umupo ako ng maayos sa kama saka sinagot ang tawag ni Tito.

"Hello?", bungad ko sa kabilang linya.

"Lucy sorry kung naistorbo ko ang pagtulog mo.", sabi niya sa kabilang linya.

"Okay lang po Tito. Bakit po pala kayo napatawag?", tanong ko.

"Pupunta kasi ako dyan mamaya sa bahay niyo, sinabi kasi ni Ethan na may pag-uusapan daw tayo."

"Opo Tito, sige po Tito hintayin po kita dito mamaya."

"Gusto din pala sumama ni Ethan dyan sa inyo.", sabi ni Tito na ikinabigla ko.

Hindi kaagad ako nakasagot kay Tito kaya nang marinig ko ulit ang boses ni Tito ay saka lang ako natauhan.

"Lucy?", tawag ni Tito.

"Huh? Ah sige Tito kung gusto niya sumama, isama niyo po.", sabi ko na lang.

"Salamat. Bye Lucy.", paalam ni Tito.

"Bye din Tito.", sagot ko at pinatay na ang tawag.

Ano naman kaya ang dahilan ni Ethan upang sumama siya sa Papa niya? At yung pag-uusapan namin ng Papa niya ay dapat hindi niya malaman upang malayo siya sa kapahamakan.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo.


Ethan's POV

"Anak halika na.", sabi ni Papa na nakatayo sa labas ng pinto.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018Where stories live. Discover now