Chapter 50:
"Confession."Lucy's POV
Nandito ako ngayon sa bahay at kakauwi lang namin galing kanila Lorriene at sobrang na busog talaga kami sa kanila.
Ang sarap pala magluto ng Mama ni Lorriene, hindi nakakasawang kainin kaya pinangako ko sa sarili ko na kakain ulit ako dun at isasama ko sila Papa.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa sa bahay, sobrang pagod din ang naranasan namin dun, tumulong din kami sa pag-asikaso ng mga costumer, ang dami kasing costumer dahil malapit na ang fiesta sa kanilang lugar kaya dinadagsa ang bakery nila dahil sa masarap na luto ng pamilya ni Lorriene.
"Lucy?", napalingon ako sa likod nang makarinig ako ng tawag at nakita ko si Papa na bumababa ng hagdan.
"Bakit po Pa?", tanong ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?", tanong niya habang lumalapit sa akin.
"Ano po yun Pa?".
"Tungkol kay Ethan.", sabi ni Papa at umupo sa tabi ko.
"Ano po ang tungkol kay Ethan Pa?".
"Hindi pa ba siya nakaalala?", tanong ulit ni Papa.
"Hindi pa Pa, bakit po?", naguguluhan kong tanong.
"Ahh, wala anak. Sige na magpahinga ka na, alam ko napagod sa school", sabi ni Papa at tumayo na.
Tumingala ako kay Papa at tiningan siya ng maigi habang nakatalikod siya sa akin at naglalakad palabas.
Anong tungkol kay Ethan? Bakit nagtatanong ng ganun si Papa?
Dahil sa pagod ng katawan ko ay tumayo na ako at pumunta sa kwarto at nang makarating ako dun ay padapa akong humiga sa kama at pinikit ang mata. Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na ako dahil sa pagod.
Ethan's POV
"O Young Master anong pong ginagawa niyo dito?", tanong sa akin ni Drew nang makita niya ako.
Kasalukuyan akong nasa labas nakaupo sa bench ng bakuran namin at nakatingala sa langit.
"Gusto ko lang magpahangin.", sabi ko at nakatingala pa rin sa langit.
Ang ganda ng mga bituin, ang sarap nilang pagmasdan sa gabi, kumikinang ito na lalong nagpaganda ng gabi.
"Drew may tanong ako.", bigla kong sabi.
"Ano po yun Young Master?", tanong niya.
"Kapag ba tumibok ang puso mo sa isang taong hindi mo alam kung ano ang dahilan ng pagtibok nito. Pag-ibig na ba yun?", tanong ko.
"Depende po yun Young Master.", sabi niya, napatingin naman ako sa kanya.
"Anong depende?", curious kong tanong.
"Kasi may dalawang bagay kung bakit bumibilis ang tibok ng isang tao, takot at kaba."
"Takot at Kaba?", tanong ko.
"Bumibilis dahil sa takot, takot sa isang tao, takot mawala ang isang bagay, takot na masaktan, at takot na maiwan. Kadalasan yan ang nararamdaman nating mga tao kaya bumibilis ang tibok ng ating puso."
"Bumibilis dahil sa kaba, kaba dahil sa taong mahalaga sayo, kaba na nagbibigay sayo ng kaguluhan ng isip at kaba na hindi sa malamang dahilan."
"Dalawang bagay lang kung bakit bumibilis ang tibok ng puso natin. Takot at Kaba. Yung sayo ano?".
YOU ARE READING
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 04/25/2018- #395 in Teen Fiction. [BOOK 2] Its not The End, Its just the Beggining of their Journey... Well they survive this time? and will Ethan find the Girl that he Promised for? All your Questions Will be answer in this Story. Dat...