Chapter 54: Missing

1.6K 45 10
                                    

Chapter 54:
"Missing."

Ethan's POV

*Ring!! Ring!! Ring!!*

Nagising ako dahil sa alarm clock ko, pinatay ko na ito at bumangon.

Isang panibagong araw na naman. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo.

Today is Monday at araw na naman ng pasokan, makikita ko na naman ang anak ng Dark Moom Clan. Allyson Reyes.

Nang matapos ako sa pagligo ay nagbihis na ako at lumabas na nang kwarto.

"Young master.", napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh Drew. Ohayo-gouzaimas.", sabi ko.

Bigla na lang lumaki ang mata ni Drew. May nasabi ba akong nakakagulat?

"Y-young Master?", gulat niyang tanong.

"Bakit Drew?", naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Nagsalita ka po ng Japanese.", gulat niyang tanong.

"Ahh. Hahaha nag-aaral ako ngayon ng Japanese para naman maintindihan ko si Papa at si Oji-san kapag nagsasalita sila ng Japanese.", sabi ko.

"Akala ko Young Master nakaalala ka na.", dismayo niyang sabi.

"Hindi pa Drew eh. Wag kang mag-alala mababalik din ito.", sabi ko at tinap ang balikat niya.

Alam ko na gusto na nilang bumalik ang alaala ko pero hindi pa rin siya bumabalik.

"Young Master mag-almusal na po tayo.", paiba ni Drew.

"Sige. Nagugutom na din ako.", sabi ko.

Unang lumakad si Drew sa akin at sumunod naman ako sa kanya.

Wag kang mag-alala Drew, pag nakaalala na ako, ikaw ang unang makakaalam.

Nang matapos kami sa pag-almusal ay lumabas na kami ng bahay at pumunta na ng school.

*****

Nandito na ako ngayon sa room at kasalukuyang nakikinig sa leksyon namin.

Hindi pumasok si Allyson, ewan ko kung bakit. Pero iba ang kutob ko kung bakit wala siya ngayon. I smell something will happen.

*Kring!! Kring!!*

Tumigil sa pagtuturo ang guro namin at nagpaalam. Lunch time kaya nagsilabasan ang mga kaklase namin.

"Eth hindi ka pa lalabas?", napaangat ako ng tingin at nakita ko si Rafael.

"Mamaya pa. Hindi pa ako nagugutom. Ikaw ba?", tanong ko.

"Mamaya na din. Sabay na lang tayo.", sabi niya at umupo sa harap.

Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Lucy, nakaupo habang may binabasang libro.

Bigla kong naalala ang nangyari kahapon, ang pag-uusap namin nina Papa dun sa bahay nila Lucy.

Hindi ko alam kung bakit nung tinanong kami nila na kung nagkakadevelopan na ba kami ay hindi ako nakasagot. Pati si Lucy. Hindi ko alam sa sarili ko kung may nararamdaman ba talaga ako para sa kanya.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018Where stories live. Discover now