Chapter 35: Back to School

1.8K 43 0
                                    

Chapter 35:
"Back to School."

Ethan's POV

"Young Master Ready na po kayo?", rinig kong tanong ni Drew sa labas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako. "Ready na ako, hintayin mo na lang ako sa labas.", sabi ko.

"Sige po Young Master.", sabi niya at narinig ko ang mga yabag niya na papaalis na sa kwarto ko.

Napabuntong hinga ulit ako. Its monday morning, ibig sabihin ay may pasok, nakasuot ako ngayon ng uniform ng Xavier High, yan ang school na pinapasokan ko.

Napabuntong hininga ulit ako at tsaka tumayo, hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga ngayon umaga.

Lumakad na ako palabas ng kwarto at lumabas na ako sa bahay namin. Nakita ko sa harap ng bahay si Drew na katabi nito ay kulay itim na kotse na siyang magdadala sa amin sa school.

Nang makarating ako ay pinagbuksan ako ni Drew ng pinto kaya pumasok na ako sa backseat. Isinirado naman ni Drew ang pinto at lumakad na papunta sa driver seat.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang, nakatingin lang ako sa labas at si Drew naman ay concentrate sa daan upang hindi kami mabangga.

Hindi tayo tunay na maggirlfriend.

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Lucy nung nakabalik ako galing sa hospital, dalawang araw na din mula nun at hindi pa rin mawala wala sa isip ko.

Anong ibig niyang sabihin dun?

Palagi na din yang tanong na yan pumapasok sa isip ko, hindi ko matanong si Papa dahil naging busy siya nitong nakaraang dalawang araw, minsan ko na nga lang makita si Papa sa bahay.

Bakit nung sabihin niya yun ay parang nasaktan ang puso ko? Ano bang ginawa mo sa akin Lucy? Bakit ako nagkakaganito?

Bigla na lang ako napatigil sa pag-iisip ng mapansin ko na tumigil ang kotse.

"Nandito na tayo Young Master.", sabi ni Drew.

Nakita ko sa labas ng bintana ang school na pinapasukan ko.

Malaki siya, malawak ang plaza sa gitna nito, kapansin pansin din ang malaking arko sa harap ng school.

"Young Master?", nabigla ako sa pagsalita ni Drew, hindi ko napansin na nakabukas na pala ang pinto at nakatayo sa gilid si Drew.

Mabilis naman akong lumabas sa kotse.

"Salamat Drew.", sabi ko.

"Okay ka lang po ba Young Master?", nag-aalalang tanong ni Drew.

"Okay lang ako. Salamat ulit.", sabi ko at lumakad na.

"Ingat ka po Young Master!", rinig kong sigaw ni Drew.

Napasok na ako sa loob at hindi ko maiwasan na mamangha, kung sa labas ang laki, pagpasok mo pala ay sobrang laki, hindi ko masukat kung gaano kalaki ito.

Lumakad na ako sa gilid kung saan papunta sa classroom namin, sinabihan na ako ni Rafael tungkol dito kaya alam ko kung saan.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018Where stories live. Discover now