Chapter 31: Visit

3K 65 0
                                    

Chapter 31:
"Visit."

Lucy's POV


Ano ba ang magandang gawin ngayon? Nababagot na ako dito sa hospital.

Kakabisita lang ni Papa sa akin kanina at kinamusta niya ako. Pagkatapos nun ay umalis na siya kasi may gagawin pa daw siya.

Kaya naiwan na naman akong mag-isa dito sa loob ng hospital.

Sobrang nababagot na ako dito! Wala akong ibang magawa kundi ang humiga sa kama at tumingin sa kung saan.

Dalawin ko kaya siya?

Bigla akong nakaramdam ng saya dahil sa naisip ko. Matagal din akong namalagi dito sa kwarto at hindi pa ako nakabisita sa kanya. Medyo okay na ako ngayon kaya pwede na akong dumalaw sa kanya.

Pinindot ko ang remote para tawagin ang nurse na nakabantay sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto at pumasok dun ang nurse.

"Ano po ang kailangan niyo Maam?", magalang na tanong ng nurse.

"May bibisitahin ako, nandito lang siya sa ospital. Pwede pakidala ako dun?", tanong ko.

"Okay po Maam, wait lang po kayo at kukuha ako ng wheelchair.", sabi niya.

"Salamat.", sabi ko at lumabas na siya.

Ako naman ay dahan-dahang tumayo dahil medyo masakit pa ang ilang bahagi ng katawan ko. Umupo sa kama at hinintay ang pagdating ng nurse.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasan na mapaisip.

Kumusta na kaya siya? Okay na kaya siya?

Ano ka ba Lucy! Okay lang siya, nagpapahinga lang siya, ano ka ba!

Para na akong baliw dito, buti na lang at dumating na ang nurse na may dalang wheel chair. Nang makarating siya malapit sa akin ay tinulungan niya akong makasakay sa wheel chair. Nang makasakay na ako ay ginaya na niya ako palabas. Nang makalabas kami ay pumunta kami sa Nurse Station para tanongin kung nasan ang kwarto ni Ethan.

Hindi ko pala natanong kay Papa yun, hahaha. Bibisita pero hindi alam kung saan ang kwarto niya. Ang talino mo talaga Lucy. Napakagaling.

Nang makarating kami sa Nurse Station ay tinanong ko ang nurse na nakaassign dun.

"Miss anong room number ni Mr. Ethan Charles Mashima?", tanong ko.

"Ano po ang relasyon niyo sa pasyente?", tanong niya.

"Kaibigan po niya ako. Kilala na din ako ng ama ni Mr. Mashima.", sabi ko.

Hindi na siya sumagot pa at hinanap niya ito sa record book nila at tumigil.

"Room 2813 po Maam.", sabi ng nurse at itinuro kung saan banda ang room ni Ethan.

"Salamat.", sabi ko at iginaya na ako ng nurse sa medyo mahabang hallway papunta sa kwarto ni Ethan.

Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang kwarto ni Ethan. Room 2813 ang nakalagay sa pinto ng kwarto ni Ethan.

Binuksan na ng nurse ang pinto at iginaya niya na ako sa loob. Nang makapasok kami ay iginaya niya ako malapit sa kama ni Ethan.

"Ewan mo na muna ako dito.", sabi ko sa nurse.

"Sige po Maam, tawagin niyo na lang po ako.", magalang niyang sabi.

"Salamat.", sabi ko at umalis na siya sa paghawak ng wheel chair ko.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ni Ethan. Napabuntong hininga ako.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018Where stories live. Discover now