Chapter 32:
"Awake."Lorriene's POV
Ilang araw na ako tulala, hindi makakain ng maayos, hindi makausap, at hindi makatulog. Palagi kong iniisip kung ano na ang kalagayan ni Ethan, gising na ba siya, o kaya ay okay lang ba siya. Ilang linggo na din ang nakalipas nang matagpuan nila si Lucy, sobra talaga kaming nag-aalala nung panahon nayun at hindi namin alam kung saan namin hahanapin si Lucy. Nakita ko sa pagkawala ni Lucy na naging busy si Ethan, pati si Lance, minsa na lang sila makapasok sa school, siguro ay hinahanap nila si Lucy nun. Nung nabalitaan namin na ligtas na si Lucy ay dumalaw kami sa kanya pero kasabay ng saya nang nararamdaman namin ay kasabay din ang lungkot dahil sa nangyari. Comatose si Ethan, hindi alam kung kailan gigising. Sobra talaga kaming nalungkot nun at simula nun ay hindi na ako makatulog ng maayos at makakain, pinabayaan na lang ako nila Mama dahil sa alam nila ang nararamdaman ko pero minsan ay hindi na nila ako kayang tiisin pa kaya minsan nagagalit sila.
Para ako nawalan ng ganang mabuhay nung panahon nayun pero kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko ang magpakamatay, hindi ko kailanman magagawa yun.
Yung feeling ko ngayon ay parang boyfriend ko ang nacomatose dahil sa lungkot, sakit at pangungulila. Hindi ko man siya boyfriend ay mahal ko siya at hindi ko na ipagkakaila yun, nung nangyari yun ay sinabi ko sa sarili ko kapag gumising siya ay sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.
Sana magising na siya.
Tulala lang ako dito sa kwarto ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok.", sabi ko.
"Ate nakahanda na ang pagkain.", sabi ng kapatid ko.
"Susunod na ako.", sabi ko at isinirado naman niya ang pinto.
Tumayo na ako sa kama ko at tinungo ang banyo upang maghilamos.
Wala pang 10 minuto ng matapos ako sa paghilamos sa mukha ko kaya lumabas na ako ng banyo at pinunasan ang mukha tsaka ako lumabas ng kwarto ko.
Nang makababa ako ay nandun na nakaupo sa dining table si Mama at ang kapatid ko na si Leira.
Nang makarating ako sa dining table ay umupo na ako katabi ni Leira.
"Hindi na ba masama ang pakiramdam mo anak?", tanong ni Mama.
"Hindi na Ma. Okay na ako ngayon.", sagot ko at nagpakawala ng ngiti, napangiti naman si Mama dun.
"Mabuti kung ganun. O siya kumain na tayo.", sabi ni Mama at nagsimula na kaming kumain.
"Ate kumusta na pala yung kaklase mong nasa hospital?", napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kapatid.
"Hindi ko pa alam Lei, baka mamaya dadalawin ko siya. Okay lang ba Ma?", sagot ko sa kapatid ko at bumaling sa Mama ko.
"Oo naman Anak, isama mo na din si Yuri.", sabi ni Mama.
Hindi ko maipaliwanag ang saya ko dahil dun, at the same ay malungkot. Masaya ako kasi makikita ko na naman siya. Lungkot dahil nasa Hospital nga lang siya at comatose pa.
Itinuloy na namin at pagkain at masaya ako sa pagkain namin.
Nagkwekwento din kami about sa mga bagay bagay at hindi muna inopen topic ang tungkol kay Ethan.
Nang matapos kami sa pagkain ay ako na ang nagboluntaryo na huhugasan ang mga pinagkainan namin.
Nang matapos ako sa paghugas ay umakyat na ako sa kwarto at kinuha ko ang cellphone ko. Tatawagan ko si Yuri.
YOU ARE READING
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 04/25/2018- #395 in Teen Fiction. [BOOK 2] Its not The End, Its just the Beggining of their Journey... Well they survive this time? and will Ethan find the Girl that he Promised for? All your Questions Will be answer in this Story. Dat...