Chapter 58: Escaped

1.6K 41 2
                                    

Chapter 58:
"Escaped."

Lucy's POV

"Lucy... Lucy... Lucy.", napamulat ako sa mata ko nang may tumawag sa akin.

Pagmulat ko ay nakita ko na nakaluhod sa harap ko si Lorriene.

"Lucy.", tawag ulit niya.

Dahan dahan akong umupo. Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa pagbobugbug sa akin ni Allyson. Oo si Allyson ang nagpakidnap sa amin. Si Allyson na anak ng Hari ng Dark Moon Clan.

"Lucy kumusta pakiramdam mo?", tanong ni Lorriene sa akin, bakas sa boses niya ang sobrang pag-alala.

Tiningnan ko siya. "Masakit pa rin ang katawan ko pero kaya ko pa naman.", sabi ko upang hindi na mag-alala pa si Lorriene.

Kahit na karibal kami kay Ethan ay kaibigan ko pa rin siya, namin at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila. Dapat ako ang magligtas sa kanila kasi sanay ako sa ganitong sitwasyon pero hindi ko magawa, sobrang akong naghihina dahil sa sakit ng katawan.

"Ikaw? Wala bang masakit sayo?", tanong ko sa kanya at sinipat ko ang katawan niya.

"Wala naman masyado, mahapdi lang itong mukha ko dahil sa pagsampal kanina ni Allyson.", sabi niya.

"Hindi ko akalain na ganun pala si Allyson. Isa pala siyang anak ng Gangster. Gusto ko pa naman siyang maging kaibigan kasi akala ko mabait siya pero may lihim din pala siyang kulo.", sabi ni Lorriene. Kita sa mukha niya ang galit at inis na nararamdaman.

"Si Kristine?", tanong ko.

Asan kaya si Kristine? Dapat magkakasama lang kami upang wala masyadong mapahamak.

"Ewan ko Lucy. Hindi ko siya nakita kanina. Nung ginigising kita nandito pa siya pero ngayon wala na.", sabi ni Lorriene.

"Kristine! Kristine asan ka!", sigaw ko at nagpalinga-linga sa paligid.

"Kristine!", sigaw din ni Lorriene.

"Wag nga kayong sumigaw. Ang ingay niyo.", napalingon kami bigla sa gilid namin ng may nagsalita.

Nakita namin na naglalakad sa madilim na parte si Kristine, nakatali pa rin ang kamay.

"Saan ka ba nagpupunta? Akala namin napano ka na.", alalang sabi ni Lorriene.

Ito talaga ang gusto ko kay Lorriene, kahit hindi mo kaibigan o kakilala ay maalahanin talaga, siguro isa din ito sa mga katangian na nagustuhan ni Ethan sa kanya.

Ayoko man makipagcompetensya kay Lorriene pero ayoko naman mawala ang taong bumuo sa buhay ko, ang taong nagpakita sa akin ng kabutihan kahit na palagi ko siyang sinasaktan, ang taong handang ibuhis ang buhay niya para sa iba.

Napangiti ako nang maalala ko ang unang pagkikita namin ni Ethan.

Hindi ko akalain na nang dahil dun sa pangyayaring yun ay nagbago ang lahat, nag-iba ang takbo ko sa buhay nang makapasok ako sa Xavier High at makilala si Ethan. Hindi lamang si Ethan kundi pati din ang kanyang mga kaibigan na naging mabuting kaibigan ko din.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018Where stories live. Discover now