Chapter 46: The Daughter of Dark Moon Clan

1.7K 39 0
                                    

Chapter 46:
"The Daughter of Dark Moon Clan."


Ethan's POV

"Ring!! Ring!! Ring!!".

Napamulat ako dahil sa tunog ng alarm clock ko, inabot ko ito at pinatay. Nakadapa ako ngayon sa higaan. Monday na naman. Kahit na inaantok pa rin ako ay bumangon na ako upang hindi malate sa school.

Nang makabangon na ako ay inunat ko muna ang katawan ko. Grabe ang pagod ng katawan ko. Last Weekend kasi ay trinain ako ni Drew ng Self Defence at Martial Arts, kailangan ko daw yun matutunan upang kapag nasa college na ako ay pwede na akong humalili kay Papa, medyo matanda na din kasi si Papa kaya kailangan ko matuto ng mga Martial Arts. Next weekend naman ay shooting at sparing. Samurai Sparing. Tradition na kasi sa clan na dapat matuto ang tagapagmana ng paggamit ng Samurai.

Pumasok na ako sa banyo at naligo na. Nang matapos akong maligo at makapagbihis ay lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina upang mag-almusal. Sabi nila ay dati daw ako ang nagluluto para sa mga tauhan namin, ako ang palaging incharge sa kusina kaso simula daw nang magkaamnesia ako ay wala nang nagluluto sa kanila kaya naghire si Papa ng tagaluto. Well masarap naman ang mga putahi na inihahanda niya sa amin.

Nang makapasok ako sa kusina ay abala ang lahat sa pagluluto. May naghihiwa, may nagsasaing, basta ang daming tao sa kusina. Pumasok na ako at napansin nila ako.

"Magandang umaga Young Master.", bati nila sa akin ng may ngiti sa labi.

"Magandang Umaga.", bati ko pabalik.

"Young Master upo na po kayo dito.", sabi ni Drew na nakatayo malapit sa isang table na kung saan may mga pagkain na luto na. Lumapit ako dun.

"Bakit abala lahat ang mga tao dito?", tanong ko kay Drew nang makaupo ako.

"Kasi po Young Master, pupunta po dito ang Oji-san niyo po.", sabi ni Drew habang hinahanda ang pagkain ko.

"Oji-san?", naguguluhang kong tanong.

Hindi ko din kasi alam magsalita ng Japanese, pero sabi nila noong hindi pa ako nagkaamnesia ay mahusay akong magsalita ng Japanese.

"Oji-san Young Master, ang Lolo niyo po.", sabi niya.

"Si Lolo?", gulat kong tanong.

Nabanggit sa akin dati ni Papa na may Lolo ako, hindi ito nakadalaw sa akin nung maospitala ako dahil nadun daw ito sa japan. Kaya nagulat talaga ako sa sinabi ni Drew.

"Anong gagawin ni Lolo dito?", gulat kong tanong.

"Hindi ko po alam Young Master, basta ang sabi ni Master ay darating ngayong araw ang Lolo mo.", sabi ni Drew.

"Anong oras darating si Lolo?", tanong ko ulit.

"Mamayang hapon Young Master.", sabi ni Drew.

"Sige po Young Master kumain na po kayo dyan.", dugtong ni Drew at umalis na sa harap ko.

Kahit nabigla ako sa balita na darating si Lolo at kumain na ako dahil malapit na din mag-8.

***
Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom namin. Buti na lang at wala pa ang guro namin. Kaharap ko ngayon si Rafael at sinabi ko sa kanya na darating na ang Lolo ko.

"Anong gagawin naman ng Lolo mo dito Eth?", tanong ni Rafael.

"Hindi ko nga alam eh, ewan ko kung anong gagawin ni Lolo dito. Sa pagkakaalam ko kasi kay Papa ay dun nakatira sa Japan si Lolo kaya hindi din siya magtatagal dito.", sabi ko.

"Baka tungkol yan sa pagkakaroon mo ng amnesia.", sabi niya.

"Baka nga. Kasi hindi siya nakadalaw nung naospital ako kasi nandun daw ito sa japan nung mga panahon na yun.", sabi ko.

"Baka nga Eth. Pero siguro hindi ka nun kakainin ng buhay. Hahaha.", biglang biro ni Rafael.

"Loko ka talaga Raf.", natatawa ko ding sabi.

Biglang pumasok ang Teacher namin kaya tumahimik na kami at bumalik na si Rafael sa upuan niya.

Napatingin naman ako kay Lucy na nakaupo ng tuwid at nanginginig ang kamay.

Anong nangyayari kay Lucy?

"Good Morning Class.", napabaling ako sa Teacher namin ng magsalita ito.

"Good Morning Maam.", bati namin pabalik.

"As you know, isang linggo pa lang ang lumipas mula nang magtransfer dito si Ms. Sayson kaya alam ko na magugulat na naman kayo na may nagtransfer na naman ditl sa Xavier High at sa Classroom na ito napili nila na classroom.", sabi ni Maam.

Dinig ko ang gulat at pag-uusap ng mga kaklase ko about sa bagong transfere at nakita ko sa side view ko na mas lalong nanginginig ang kamay ni Lucy kaya hindi na ako nakapagpigil pa at dumungaw ako sa upuan niya.

"Lucy okay ka lang ba?", mahina kong sabi kay Lucy, baka kasi marinig kami ni Maam at pagalitan pa kami.

"Huh? Uhmm. O-okay naman a-ako.", utal niyang sagot sa akin.

"Are you sure?", panigurado ko.

"Oo, okay lang ako.", sabi niya at hindi na ako pinansin kaya bumaling ulit ako sa Teacher namin.

"At hindi lang isa ang nagtransfer kundi dalawa. Kaya be nice to them. Please come in.", sabi ni Maam.

Pumasok naman ang isang babaeng mahaba ang buhok na kulay asul, nakasuot ng uniform ng school namin na pambabae, at nakaback pack na kulay pink. Pumunta ito sa tabi ni Maam sa harap.

Sunod naman pumasok ang familiar na mukha na hindi ko na ikinagulat, nasabi na sa akin ni Rafael na magtatransfer ang kanyang kakambal na si Raphael kaya hindi na ako nagulat kung nandito siya at nakatayo sa harapan.

Rinig ko ulit ang gulat sa mukha ng mga kaklase ko. Konti lang kami nakakaalam na may kakambal si Rafael, hindi ito alam ng ibang mga kaklase namin.

"Quite.", sabi ni Maam nang marinig niya ang bulong-bulongan ng mga kaklase ko.

Napatingin ako kay Rafael at nakita ko na kaharap siya sa bintana at parang walang pakialam sa mga tao na nasa harap ngayon.

"Please introduce yourselves.", sabi ni Maam kaya tinuon ko ulit ang atensyon ko sa harap.

"Hi Everyone, I'm Allyson Reyes, 16, from Madrid, Spain. Hope we can be friends.", sabi niya habang nakangiti.

Nabigla naman ako sa sinabi niya.

Siya si Allyson Reyes? Anong ginagawa niya dito? Kilala niya ba ako?

Napatingin bigla ako kay Raphael na nakatingin din pala sa akin bago nagsalita.

"Hi I'm Raphael Santos, Twin of Rafael.", maikling sabi ni Raphael at tumingin kay Rafael.

Napatingin ako bigla kay Rafael at nakatingin pa rin sia sa bintana pero nakatiing bagang at nakakuyom ang kamao.

May problema talaga si Rafael sa kakambal niya.

"Okay now you two, please seat at back and you Mr. Santos will seat beside your twin brother.", sabi ni Maam.

Lumakad na sila at dumaan sila sa gitna na kung saan nakaupo ako sa kabila gilid at si Lucy naman sa kabila.

Taim-tim kong tinitigan si Allyson na ang tingin ay kay Lucy kaya napatingin ako kay Lucy at nakita ko na taim-tim din itong nakatingin kay Allyson.

May alam kaya si Lucy kay Allyson?

Nang makalampas sila ay sinundan ko sila ng tingin, nakaupo na si Allyson sa likod ni Lorriene at si Raphael naman sa tabi ni Rafael.

Nang makaupo na sila ay bumaling na ako sa harap nang magsimula nang magdiscuss si Maam pero bago pa man ako makaconcentrate sa discussion ni Maam ay narinig kong magsalita si Lucy.

"Daughter of Dark Moon Clan.", napatingin ako sa kanya at nakakuyom ang kamao at tiim bagang nakatingin sa harap.

Daughter of Dark Moon Clan? Anong ibig sabihin ni Lucy dun?

Napatingin ako sa likod at nakita ko na nakatingin si Allyson sa harap at nakikinig ng discussion ni Maam.

Allyson Reyes, ikaw ba ay anak ng Dark Moon Clan o isang ordinaryong babae lamang?

******************************

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess 2 [COMPLETED] #Wattys2018Where stories live. Discover now