DOT6- Timeline Ball

60 5 0
                                    

Aki's POV

Nung narinig ko yung mga katagang 'Iba ng kulay ng mata' tumayo nanaman ang balahibo ko. Hayy nako naman.


"Ano bayan!. " Reklamo ng babaeng siniserban ko ng hindi ko malagay ng maayos ang Juice sa table nila dahil na rin sa pagkagulat ko. "Sorry po- Sorry po. " Paumanhin ko. Ang taray naman nito, para di lang nalagay ng maayos. Di naman natapon.




Tumingin ako sa direksyon na yon. Sa kabilang table lang. Hindi ko matukoy ng maayos kung sino yung lalaki pero ang alam ko lang. Si Boss Lexi ang kausap niya. Totoo ba ang narinig ko.


Aishh! Nakakainis. Curious ako. At kapag curious ako, hindi ko na mapigilan. Nagkaroon narin ako ng lakas ng loob, hindi lang pala ako ang nakakakita ng mga ganon.


Kailangan ko ring makasigurado sa mga nangyayari. Ang weird na.


So yun nga. Nagsimula nakong maglakad palapit sa kanila. At ng makalapit ako. Agad kong inimbestigahan ang mata ni Boss Lexi. Pero wala na. Bumalik na siguro. Halata namang gulat si Boss Lexi. Kaya napastraight body agad ako at nag awkward smile sa kaniya. Magsasalita narin sana ako ng. "A-aki?!" Gulat akong napalingon sa lalaki. And boom!! Si Jiego.




Nagpanic agad ako. Hindi ko siya hinaharap para hindi niya masigaradong si Aki ako. Nakita ko naman sa pheriperal view ko na tumayo na si Jiego at confuse na tumingin sakin. Kaya hinarang ko na agad ang isang kamay ko sa mukha ko. Anong gagawin ko? Shocks!


"Aki? Ikaw ba yan?" Salita pa niya.
Naramdaman ko na ang paghawak ni Jiego sa braso ko at biglang tinanggal yun. Kaya pagharap ko sa kaniya, iniba ko ang mukha ko. Imaginin niyo nalang parang nakakain ako ng sobrang maasim na mangga.



Kitang kita naman sa mukha ni Jiego ang pagkunot ng nuo niya. "Aki! Umayos ka nga!" Sa pagsigaw niya na yun naramdaman ko yung care niya sakin. Umayos ako. Sobra ko na ata silang napag woworry, pero parang nakakatakot, hindi ko pa ata kaya. Yumuko ako at magsisimula na sanang maglakad palayo ng maramdaman ko ang pagpigil sakin. Paglingon ko si Boss Lexi pala ang pumigil sakin. "Basta basta ka nalang aalis? Dahil lang natatakot ka? Umupo ka. Kailangan niyong magusap. " Salita ni Boss Lexi na nagpaconfuse pa sakin at halatang kay Jiego din. Tumingin naman si Boss Lexi kay Jiego, "Aalis ka diba? Aalis ka nalang ng di nagpapaalam? Itatago mo nalang bayan? Baka hindi ka makahinga niyan. " Saad naman ni Boss kay Jiego na kinagulat niya naman. "Pano mo nalaman?" Maalinlangang Tanong ni Jiego. Binitawan na ko ni
Boss Lexi saka nagsmirk lang at iniwan kaming Confuse.



Pero hindi ko na inisip yun. Hinarap ko si Jiego. "Totoo Jiego?" Simula ko. Tinignan din ako ni Jiego at napayuko din, umupo siya at parang inintertwine ang maga kamay niya. Kunot nuo naman akong umupo sa harap niya.


"San ka pupunta?" Malungkot na tanong ko. Sabay nagbago ang mood niya, hinarap niya ko at nginitian. Sabay may kinuha siya sa bulsa niya. Isang papel. Nilapag niya yon sa table at alam kong gusto niyang tignan ko yun. Kinuha ko naman yun.

Isang Ticket. Ticket to London. "Inalok kasi ako nila mommy. Pagisipan ko daw ng mabuti. Naisip ko, kung sasama ako? Maiiwan ko kayo. " Simula niya. Parang mas lalong bumigat. "Pero naisip ko. Kaya ko naman kayong balikan kapag nasa tamang edad at pwede nakong magdesisyon para sa sarili ko. " Dagdag pa niya.


"So pinili mo na yon?" Tanong ko.

"Hindi ko pinili yon. Choice ko yun. " Malungkot na sabi niya. "Gusto kong maging proud naman sakin ang mga magulang ko. Buong buhay ko kasi, wala nakong ginawa kundi pasakitin ang ulo nila. Kaya.... gusto ko namang bumawi. " Dagdag niya. May halong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Grown, tumatak sa isip ko. Naggogrow na sila.



Dimension Of Time [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon