DOT 9- Lexi's Day

41 6 2
                                    

Lexi's Pov


Goodmorning world
Goodmorning sunshine Goodmorning room
Goodmorning pillow
Goodmorning kumot
Goodmorning kama
Goodmorning clock
Goo--


Napabalik ang tingin ko sa orasan ng makita ko ang oras. Hala!!! Male-late na ako. Nagmadali na ako dahil kung hindi siguradong LATE ako.



Natapos na ako at ngayon ay papunta na ako sa school. Oo ganun kabilis yun dahil tinatamad na daw mag-type si author, pero sa totoo lang wala na talagang maisip na scene yan kaya dinadaan niya na lang sa ganito. Back to the story na nga tayo masyado nang lumalayo ang pinag-uusapan natin eh.


Yun nga On The Way na ako sa kanto para maghanap ng sasakyan papuntang  School nang makita ko si Emman na naka motor. Sakto.


"EMMMAAANNN!!!" tawag ko sa kanya, kaya lang napasobra ata dahil bigla siyang nagbreak at promise ang epic ng mukha niya HAHAHAHAHAHA


"Wag ka ngang sumigaw!" pagalit niyang sabi sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako palapit sa kanya at tinalon ang motor niya para makaangkas na siya namang ikinagulat niya.


"Ano ba?!" Galit galitan na naman siya haha



"Go na, dali. Male-late na tayo"pag-sasawalang bahala ko sa kanya. Nang ilang segundo na pero hindi pa rin kami umaalis ay tumingin ako ulit sa kanya at nakita ko naman siyang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at bigla naman siyang umiwas ng tingin..nang namumula ang tainga.


Mas napangiti pa ako ng sinimulan niya nang paandarin ang makina ng motor


"San ba kita ibababa?"pagtatanong niya sa akin. Ano ba to, hindi nakikinig

"Sa BMS nga. Bilisan mo kasi"umaandar na kami ng mag tanong nanaman siya. "Anong gagawin mo dun?"

"KAKAIN" pagsisigaw ko sa kanya. kasi naman eh tanong ng tanong hindi na lang mag drive. Tsk malelate na ako. Pagkatapos ng ilang minutong pagbyabyahe narating na rin namin sa wakas ang BMS. Ipapark niya pa lang ang motor ng tumalon na ako at iniwan siya. Narinig ko pa nga ang sigaw niya bago ako tuluyang makalayo eh.



Tumakbo lang ako ng tumakbo at sa pagtatakbo ko ay may nadaanan pa akong dalawang babae na binubully ang isang babae pero wala muna akong pakialam dahil malelate na talaga ako, sa daan naman patungo sa aming building ay may nakita akong pamilyar na lalaki, binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan siya.



"What are you doing here, Ore?" pagtatanong ko. Halata namang nagulat siya sa biglaan kong pagsasalita dahil bigla siyang napalingon sa akin, lumaki ang mga mata niya at napanganga ng slight lang naman. Pero ano nga bang ginagawa ng lalaking to dito?


"Q-que.." hindi natuloy ni Ore ang sasabihin niya dahil may sumigaw ng precious name ko


"Lexi" sabay kaming napalingon ni Ore rito at nakita ko siyang tumatakbo palapit sa amin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay tuloy-tuloy rin ang pagsasalita niya


"Kanina pa kita tinatawag. Halos maubusan na rin ako ng hininga kakasigaw ng pangalan mo pero hindi ka man lang lumingon. Sabi ko sa'yo hintayin mo ko pero nagdere-deretso ka pa rin. Ano bang gagawin mo di-- sino siya?" Buti naman natigil din siya. Kung hindi niya pa siguro napansin si Ore ay aabutin kami ng siyam-siyam dito.


Mababakas sa mukha niya ang pagtataka habang nakatingin kay Ore kaya bago pa siya mamatay dahil sa kuryosidad ay pinakilala ko na si Ore


"This is Ore, my childhood friend. It's been a while since I saw him, kaya naman miss na miss ko na siya" Pag-papakilala ko habang nakakapit ang kamay sa braso ni Ore


Dimension Of Time [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon