Dot 12- Gusto Ko

45 2 0
                                    


Gwen's POV


"AKO!?"

"Kunwari ka pa gusto mo rin naman. "

"Tumahimik ka diyan Man. "

"Aw sorry na po Boss. "

"Bakit ako?" Tanong ulit sakin ni James. "Kasi nga, wala po yung excort ni Alli. "

"Para kay Alli naman Hoo! Payag na yan!" Supporta sakin ni Carlo. "Choosy ka pa Brad. Ano ka? Psh."


"Marami namang iba diyan eh. " Pigil pa ni James. Ang kulit.

Nakaisip ako ng paraan. Nilabas ko ang phone ko. "Sige na nga bahala ka. Kung ayaw mo, tatawagan ko nalang si Razer para maging escort ni Alli. " Loko ko. The real thing is, wala akong number non.

"Razer? Diba yun yung may crush kay Alli. " Saad ni Emman kay Carlo. "Ay oo brad, Patay na patay kay Alli yun, Fafa pa naman yun. " Thanks for the support Carlo and Emman.


Nilagay ko na sa tenga ko ang phone at sinulyapan ang parang hindi makapag desisyong James. "Hello? Razer!" Pagkukunwari ko.
"Sige na sige na!" Sa isang iglap napababa si James ng upuan at mabilis na naglakad. Yes!



***

Pagkatapos magbihis ni James ay lumabas siya ng naka Formal. It is mixed with white and gray na may Pink necktie. Ang ganda ng style. "Ang fogifafa. " Sabi ni Carlo at nagkagat labi pa.

Hinawakan ni James ang necktie niya at inayos yun ng parang nagpapagwapo pa. Humarap siya sa salamin at inayos ang buhok. "Pwede na ba? Pwede na?" Sabi niya.

"Isang kindat naman diyan fafa. "

At hindi nga nagtanggi, kumindat nga si James. "Ang gwapo ko talaga tara na. " Isang yabang pa ni James. Nakoo! Hangin talaga.
Inayos niya pa ang buhok niya saka nauna maglakad. Nagtinginan naman kami nila Emman. Napa tsk-tsk si Emman. Saka sumunod na kami. "Grabe si James noh?" Bulong pa ni Carlo. "Isa kadin. " Basag naman ni Emman sa kaniya. "Parehas lang kayo. " Pagpapatotoo ko. Totoo naman talaga.




***


James POV


"Ay ang gwapo ni Fafa!"

Sigawan nila Jade ng makapasok ako sa backstage. Napasmirk nalang ako.

"Ang ganda ng Toxido na yan. Pwede bang paarbor niyan pagtapos. Sige na oh. " Loko ni Owa. "Wala, hindi pwede." Sagot ko. "Damot. " Saad niya.

Sabay nabaling ang tingin ko sa iba pang lalaki na makakasama namin sa Modelling. "Oy pare!" Bati ko.

"O ayos ah. " Puri ni Jhazz saka lumapit dito.

"Di ko alam na kasama pala kayo."

"Biglaan lang. Napilitan na nga lang kami. " Sagot niya.

"Okay-okay! Ready Boys! Magsstart na-" Napahinto siya ng makita ako. "Ow! Mister James Harry. Nice. " Saad niya. Bakla talaga.

"Alam niyo na yung prinaktis natin. Just have presence of mind okay?- Mister James, alam mo na siguro gagawin mo. "

Tumango ako. Buti nalang pinapanuod ko ang ginagawa nung escort ni Alli. Madali nalang. Aalalayan ko lang naman siya.



-

'THE SHOW IS ABOUT TO START IN 3........2.........1'.






***



Dimension Of Time [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon