Dot 11- Models

37 5 2
                                    

Chalsea's POV


*kringg kringg*
*kringg kringg*
*kringg kringg*

Aishh. Ang ingay naman. Hinila ko yung unan na nasa tabi ko para ipangtakip sa mukha ko at maipagpatuloy ko ang pagtulog ko.

*kringg kringg*
*kringg kringg*
*kringg kringg*

"Anak, bumangon ka na. Anong oras na oh"

"5 MORE MINUTES"sigaw ko.

"Kanina ka pa 5 more minutes ng 5 more minutes nakaabot ka na ng isang oras. Bumangon ka na dyan malelate ka na"

Napabalikwas ako sa paghihiga dahil sa sinabi ni papa at napatingin sa orasan. Mygosh. 8:30 pa lang. Napakamot pa ako sa aking batok ng maalala ko na thursday pala ngayon at walang pasok, dahil no choice, nag-bangon na lang ako. Haist.

Inayos ko na ang pinag-higaan ko at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.

Bumaba na ako para naman makakain at pagdating ko sa dining area.

"Oh! Bakit hindi ka pa bihis?"

"What are you doing here?!"tanong ko sa kanila.

"Anong what are you doing here? Nakalimutan mo na ba? mag-aayos pa tayo for the modelling mamaya" sabi sa akin ni AC. Oo nga pala, nakalimutan ko ang tungkol doon.


"Pero anong oras pa lang. Masyado pang maaga for that" hindi ako papatalo.

"Duhh! Chalsea! May boys pa tayong aayusan. Ok lang naman kung tayo lang pero kasama yang mga boys, I'll tell you, matatagalan tayo" sabi naman ni Kath.

"Aba! So sinasabi mong pabigat kami ganun?" Sagot sa kaniya ni Jade


"Sa iyo nanggaling yan." Kath


"Aba--aishh" padabog na umupo si Jade dahil sa sinabi ni Kath. "Mabuti na lang at maaga pa kaya hindi muna kita papatulan" sabi nito.


"As if nama--" "Tumigil na nga kayong dalawa. Ikaw Chalsea umakyat ka na doon at magbihis para makaalis na tayo" sabi ni Gwen.
 

"Oo na po. Pshh." Paakyat na ako ng bumalik ako ulit "Sila daddy pala, nasaan?" Pagtatanong ko.


"Umalis na sila tito. Ilock mo na lang daw yung pinto kung aalis tayo. May susi din naman daw sila. Bilisan mo na" Carlo.

"Hindi man lang sila nagsabi." Padabog akong umakyat sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili.

Ang aga-aga nambubulabog sila isa pa sila daddy hindi man lang nag-sabi na aalis. Ginising niya ako kanina tapos hindi man lang ako ininform na nandito pala yung mga yun. Aishh. Mamaya na rin pala yung modelling. Nakalimutan ko talaga yung about doon.


Yung modelling na tinutukoy namin is yung tungkol kay Alli. Diba sinulot ng kung sino man yung mga model nila? Kaya we decided to help her kaya kami ang magiging models.


"CHALSEA BILISAN MO NAMAN"

"OO PABABA NA"

"WAG KANG SUMIGAW" aba! Ang babaeng yun talaga. Makapagsabing wag sumigaw, siya naman ang nanguna. Nang tuluyan na akong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako. Baka kasi akyatin na lang nila ako bigla at kaladkarin. Knowing them, masyado silang mainipin well, lalo na ako.

"Buti naman at tapos ka na. Oh tara na." Grabe talaga to si Audrey. Tumayo na yung iba at akmang aalis na nang mag-salita ako "Grabe naman kayo. Kakain lang ako saglit"


Dimension Of Time [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon