Chuck's POV
"Imposibleng hindi niya tayo nakikilala. " Salita ko habang hindi parin ako nililingon ng dalawang to.
"Baka naman hindi siya yon. " Salita naman nitong si Jhazz na nakaupo sa kabilang sofa.
Tinignan ko naman si Tam dito sa tabi ko na parang ang lalim ng iniisip. "Ano Tam? Agree ka sakin diba?" Tanong ko sa kaniya.
Tinignan niya lang ako at nagbalik sa pag iisip. Haiisshh! Tong lalaking to.
Nilingon ko naman si Jhazz na ngumingisi ngisi sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng noo. Nilapit niya naman ang mukha niya samin.
Sinenyasan niya kami na parang pinapalapit kami sa kaniya at tila may gustong ibulong.
I let out a big sigh saka sinunod siya. Ganun din ang ginawa ni Tam. "Dito. Magulo. Mahirap. May mga Doubleganger. " Salita niya. Tinignan lang namin siya na tila naghihintay ng kasunod. "Maaring kamukha lang yun ni Queen Cheriotte. " Saad niya pa. Napalayo kami agad.
"Tssh. Jhazz. Anong pagiisip yan?" Pagsasalita ni Tam.
"Maniwala nalang kayo. " -Jhazz
"Hindi ba mas maganda kung aalamin natin?. " Saad ni Tam kasabay ng pag pindot pindot niya sa ilong niya na parang pinapatangos pa ata.
"Sige! Tara alamin natin!" Saad ko at mabilis na tumayo at iniwan sila.
"Oy! Teka! Hindi ngayon!" Rinig ko ang pagpigil ni Tam pero nagtuloy lang ako.
***
"Susunod rin naman pala kayo. " Pananalita ko sa kanila na ngayon ay nakasunod sakin.
"Napilitan lang ako. " Sabi ni Jhazz. Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya. "Ang sabihin mo hindi ka lang sigurado sa sinasabi mo. " Sagot ko sa kaniya na alam kong mapipikon siya. "There's nothing sure in this world. " Pagsagot ni Jhazz na hinarap din ako. "Sumunod nalang kayo kapag naisip niyo ng para kayong mga bata sa ginagawa niyo. " Pagsabat ni Tam na kinatigil namin at pinagmasdan siyang naglakad palayo.
"Hoy wag ka mangiwan!" Sigaw ni Jhazz at sumunod sa kaniya. Napakamot nalang ako sa ulo at sumunod narin.
***
Queen Fiortiena
King Stuart
Queen Cheriotte
Si Tam
Si Jhazz
Ako?
At napatingin ako sa paligid namin na nakabasag sa focus ko. Ang barkadang hindi ko alam kung bakit kasama sa kwento nato. Kami? Pati narin sila. Halatang takang taka sa nangyayari.
***
'AT QUEEN's CAFÉ VIP ROOM'
Ilang minutong pagtitinginan ulit ang ginawa namin. Ilang minutong katahimikan ulit. Buti nalang at nasa labas ang magbabarkada na yun.
"Care to explain?" Pagbasag ni Queen Fiortiena sa katahimikan at hinarap si Lexi.
Nakatitig kaming lahat kay Queen Cheriotte at nagaantay ng sagot. Siya ba si Queen Cheriotte?
BINABASA MO ANG
Dimension Of Time [On Going]
FantasyWhen the Timeline Ball Crushed! Their fate connects. Their Fortunes interact. Their Hearts Met. And their worlds draw closer. The Time Dimensioner and the Mortal World. How can it be possible for a mortal person to fall in love with an Immortal and...