DOT 15 - Kaagaw

20 2 0
                                    

James' POV

Kakadismissal lang namin at tanong parin nang tanong tong si Emmanuela ng mga nangyayari sa buhay ko.

Nasa parking lot na kami nang mag-atubili siyang pumasok sa kotse ko at makisabay.
"Pasabay at pahatid narin. "
Di na ako umangal dahil hindi naman bababa yan kahit anong mangyari.

Binuksan ko na ang engine at pinatakbo na ang kotse kong kasing gwapo ko.

.

Nagpapatugtug lang kami nang biglang may tumawag. Hinayaan ko nalang muna hanggang mamatay dahil si mama nanaman ang tumatawag.
Pangalawang tumawag ay si Fira, ngunit hinayaan ko lang din. Pangatlo pa ay tumawag nanaman si Mama.
"Pakipindot nga Emman. "

Nakaconnect ang phone ko sa speaker ng kotse kaya siguradong maririnig ni Emman ang mga sasabihin ni Mama.

"Shanti. Hello hello? " Salita ni Mama.

"Hi Tita!" Biglang sagot ni Emmanuela.

"Who is this? "

"Emmanuel Gwapo po tita. " Tss

"Where's Shanti?"

"Nandito po tita. "

"Can I talk to him?"

"Yes of course tita. Dude!" Nilingon niya na ako.

"Shanti? Shanti?"

"Ma. " Sagot ko habang nakatingin padin sa daan.

"Where are you?"

"Nasa kotse ma. Nagdadrive ako. "

"Fira's waiting for you. Tinawagan ka niya pero hindi mo daw sinasagot. "

"I'm on my way ma. "

"Okay. Wag mong iinipin yun anak. Lagot tayo sa daddy mo nito. "

"Sige na ma. "
At pinutol ko na ang tawag.

"Brad sinong Fira?" Biglang pagtatanong ni Emmanuela.

"Fiancé ko Brad. "

"Fiancé!?!?!?!?"

"Ingay mo brad. "

"Ikakasal ka na?"

"Engage palang, kasal agad? Di pa nga ako tapos ng pag aaral. "

"Kelan mo lang naisipan na mahal mo pala ang babaeng yan?"

"Sa pagkakatanda ko? Hindi ko naisipan. "

"Ano?"

"Finixed ako nila mama at daddy sa babaeng anak ng business partner nila. Kailangan kasi namin ng malaki laking pera. Kailangan ding ipadala si Jassie sa states para magamot at idadiagnose pa siya dito. "

***

Emman's POV

Habang binabalik balikan ko yung pangyayari, hindi parin ako makapaniwala na may fiancé nasi James.

At ang nakakaloko ay nagkandaloko loko na silang dalawa ni Alli. Hayyy mukhang madami nanamang mangyayari.

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa isang table dito sa restaurant nina Alli.
"Ay? siya nanaman ang tulala? "
Biglang sumulpot sa harap ko itong si Alli.
Tinignan ko siya. "Alam ko na sektreto mo. "
At tumigil ang mundoooo. Moira pasok.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Anong sikreto?"

"Sasabihin ko lang kapag sinabi mo na yung dapat mong sabihin. "
Psh.

"Niloloko mo ako eh. "

Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo at mukhang hindi nga siya nagbibiro.

"Sige na nga. Basta 'wag kang magugulat or something ha."

"Oo naman sira. Ako pa ba. Oh ano yun?"

*sigh* "Si James kasi.."

.

.

.

.

.

"Ok ka lang? Sabi ko sa'yo eh dapat hindi mo na inalam. Tignan mo ngayon nasasaktan ka." pagsasalita ko makalipas ang ilang minutong pagtatahimik ni Ali.

"Huh? Ah haha ano ka ba, oks lang ako, 'wag mo akong intindihin." Sagot niya

"Ah sige mauna na muna ako ha, nakalimutan ko marami pa pala akong dapat ayusin." Dagdag niya pa bago umalis.

Tignan niyo ang isang yun, ok lang daw pero maling way ang pupuntahan.
"ALI, SA KABILA ANG DAAN PAPUNTANG ROOM NIYO." sigaw ko sa kanya at agad naman itong tumalima.

"Ha? Ah oo nga pala. Sige sige thank you."

Napakalutang talaga oh tsk tsk, nilapitan ko na siya bago pa siya mapunta kung saan at magkalat. "Ali, baka nakakalimutan mo, nasa restaurant niyo tayo kaya umupo ka na muna. Aalis na rin ako ha."

"Nakalimutan ko nga, *sigh* sige Emman, mag-ingat ka ha. Maraming salamat." Sabi niya habang nakangiti na halata namang pilit.

Dapat hindi ko na talaga sinabi eh, isa rin akong talaga akong tanga.

"Sige sige, 'wag masyadong isipin yun ha." Sagot ko naman at ginulo ang kaniyang buhok

Tuluyan na akong umalis para sana pumunta kay Lexi pero habang nasa byahe ako eh iniisip ko si Ali.

Kawawa naman siya, hindi ko rin naman siya masisisi kung ganun ang inaakto niya dahil masakit nga naman talagang malaman ang katotohanan, na may fiancè ang taong mahal mo.

Ewan ko rin ba kay James kung bakit pumayag siya eh alam naman naming lahat kung sino talaga ang mahal niya.

Sabagay buhay ng kapatid niya ang nakasalalay. Aish ang kumplikado naman.

Nakarating na ako sa cafè ni lexi at hindi pa rin naaalis sa isipan ko ang sitwasyon nila Ali.
Kung ako yun eh siguro hindi na rin ako makakakilos.

*sigh* Bahala na nga. Yung akin na muna ang iisipin ko.

Bago ako bumaba ng sasakyan eh nagpapogi muna ako, syempre kailangan yun para presentable tignan. Nakakahiya naman kung magpapakita ako tapos gusgusin at mabaho diba. Effort lang yan.

Buti na lang talaga at wala akong ka-a-gaw, Anong ginagawa ng isang yan dito?! Nakita ko lang naman si Ore at Lexi na nagtatawanan. Kupal talaga tsk. Tingin ko kelangan ko nang mag doble effort dahil may kupal na umaaligid sa pag mamay-ari ko. Kailangan ko nang isipin na may kaagaw na ako pag dating sa kanya. Bawal na papetik petiks.

Hindi na ako tumuloy dahil hindi naman ako bastos para istorbohin ang moment nila. Mabait naman ako para pagbigyan siya, kawawa naman eh. Atsaka mas marami pa rin kaming moment 'no.

Uuwi na lang ako, nawala na ako sa mood. Psh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dimension Of Time [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon