DOT8- The Boys

112 6 3
                                    


Karen's POV


Hindi nga talaga natin mapepredict ang bawat mangyayari sa buhay natin.
Napakagulo ng Oras. Bawat minuto may Hindi inaasahan. Bawat segundo may pagkakamali at bawat kalahati ng segundo may dapat na tignan.
Ayieeeee! Makata na ba ako nito?-Ay di Joke lang. Haha. Masyado akong nagsiself talk. Pansin niyo? Bihira ako magsalita. Hihi.

Pero ito na talaga.


Hindi namin akalaing magkakasama parin kami sa isang school. Kahit ilang beses na naming plinanong maghiwalay hiwalay, nagtagpo parin kaming lahat.
Parang kahit ang mga humahawak ng oras ayaw kaming paghiwalayin. Although hiwalay hiwalay kami ng Classes dahil iba iba kami ng course, atleast same school kami.


2nd day of school na. At kaming girls ay andito sa canteen. Wala pa yung boys eh. 7:55 AM na pagtingin ko sa orasan.


"Siya nga pala Aki? Ilang taon na ba si Lexi? Yung boss mo?" Tanong ko kay Aki na tumingin din sakin. "Mhmm? I don't know pero ang alam ko halos kaedad lang niya tayo. " Sagot niya.


"Wow! Bata niya pa may Café na agad siya. " Mangha na sabi ni Kath. Tumango naman kami.


"Uy Girls! I just want you to know na on process na ang paglabas ng collection ng company namin. I need your support. " Sabi ni Alli. Ah oo nga pala, malapit na pala yun.


"Siyempre naman kami pa. Supporters mo kami eh. " Sabi ni Cali.


*Girls Scream*



Napahinto kami sa paguusap ng marinig namin ang sigawan ng mga babae. May pinagkakaguluhan nanaman.



"Ugh! Nakakasawa na. " Irita na sabi ni Chalsea. Since highschool kami, palagi na kaming nakakarinig ng mga sigawan ng mga babae. Na kala mo nakawala sa hawla.


"Nakakasanay narin. " Sabi ni Gwen.

"Oo nga te. Sino ba yung mga pinagkakaguluhan?" Tanong ni Sab.



"Hi Girls!" Bigla namang dating ni Jandee at Jade.



"As expected. " Sabi ni Aki. Tinanguan naman namin si Aki. Nasabi ko na ba sa inyo na Heartthrob ang mga boys namin nung Highschool? At mukhang hanggang ngayon parin ata.



Ngumiti at umupo narin sina Jade at Jandee. "Wala pa ba sila Owa?" Tanong ni Jade.


*Scream #2*


Pangalawang Bagsak!
"Anjan na siguro. " Sabi ni Cali referring to Jade. "For sure. " Sabi naman ni Alli.


"Wala namang nagbabago. Hayyyy." Reklamo ulit ni Chalsea. "Pasensya naman, mahirap magtago kahit saan kami pumunta napagkakaguluhan. " Pagmamayabang naman ni Jandee. Ang hangin nanaman. Minsan nakakasuka rin.


"Pabilihan nga ng Bonamine. " Sabi naman ni Alli. "Bakit?" Tanong ko agad. Di ko gets eh.


Tinawanan naman nila ko. "Nakakahilo kasi yung hangin. " Natatawang sabi ni Gwen. Napakunot naman ako ng noo, di naman mahangin gawagawa man siya. "Di naman ah. " Sabi ko na mas lalong kinatawa nila.

"Masyadong mahangin daw kasi ang pagcompliment ni Jandee sa sarili niya kaya nahilo si Alli at bonamine ang gamot sa hilo. " Paliwanag sakin ni Aki. Bago ko lang nagets. Ahaha! Yun pala yun. "Haha! Ano ba yan Kars. " Sabay naman ni AC.



Dimension Of Time [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon