DOT3- Realize After Tear Drops

68 7 2
                                    


Cali's POV





Ilang araw na ang lumipas.




Pang anim na araw na namin dito sa hospital. Wag daw muna ako mag check out para daw may kasama si Aki. Pabor naman sakin dahil nakakapahinga ako. Mamaya maya naman dadating ulit sila Karen saka yung boys para tulungan kaming makalabas.



Maayos na ang lagay ni Aki. Nakakausap parin naman siya ng maayos. Nangungulit lang sakin na lumabas na daw kami dahil kailangan niya pa daw maghanap ng trabaho, kita niyang nasa hospital siya tapos ganun agad iniisip. Ayan! Tungkol pala sa sakit, nahihirapan nako dito ah. One time kasi tinanong niya ko kung ano daw pala yung sakit niya, ang nasabi ko lang dahil sa Overfatigue, masyado kasi siyang nagpapagod para naman umiwas na rin siyang magpagod.





Nagtataka lang ako minsan kung bakit nagkaheart failure siya. Eh wala naman siyang boyfriend, o baka naman nalulungkot dahil walang lovelife kaya naapektohan ang puso.





"Hiiiiiiii!! We're here!!" Ayan na ang mga asungots, charot lang. Haha! Nako iingay nanaman.



"Hi Aks! Hi Cals!" Bati naman ni AC ng makapasok silang lahat.



May mga dala silang maraming supot ng pagkain. "Para saan yang pagkain?" Tanong ko.



"Malamang satin. Kakain muna tayo bago aalis. " Sabi ni Isabel.



"Wow naman talaga, Nag abala pa kayo. " Sabi ko naman na ngiting ngiti.



"Actually kay Aki lang talaga kasi yan eh. " Sabi naman ni Gwen. Kaya napa sadface ako.



"Dijoke lang. Ikaw naman. " Bawi ni Gwen. Palagi talaga nila kong pinagtitripan.




"Hahaha. Sige na. Tara na kain na tayo. " Saad ni Jade at pinang buksan na yung mga plastik.  "Yeyyy! Kakain na!" Sabi pa ni Chalsea at nagpalakpak pa.



"Wag kana kumain Chals, baboy kana!" Nagsimula nanaman mang asar si Carlo. "Wag mokong umpisahan Carl ah, pag ako sumexy who you ka sakin. " Bawi ni Chalsea.



"Wow naman Chals. Lupet mo. " Sabi pa ni Owa.




"Malupit talaga ko. Siyempre, magpinsan tayo." Tingin niya kay Owa. Oo magpinsan yang dalawa na yan, di lang halata.




"Naman! Si Chalsea pa. Cute cute kaya niyan. " Sabi ni Aki habang kumakain. "Psst oy secret lang Aki, wag mo na ipagkalat. " Sagot naman nitong si Chalsea.



"Oy! Oy! Oy! Tama na yan. Nasosobrahan na kayo sa kasinungalingan masama yan. " Singit ko at natawa sila. "Ikaw nga kasi pinakamaganda satin Cals. " Sabat pa ni Aki. Kaya nginitian ko siya "Correct ka diyan. " Sabi ko sa kaniya. Sabay nakita ko naman siyang nagdasal. "Haha! Hoy Aki! Baliw!" Sabi ko sa kanya. "Bakit?" Tanong niya.



"Ahahahah!"

"Nagdadasal ako sa Food. " Sabi niya pa. "Awuzzuu!" Sabi pa ni Karen. 


"Psst oy! Tama na tama na. Manahimik na tayo mga binibini may kasama kaya tayo dito. " Biglang singit ni James.


Dimension Of Time [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon