Chapter 2: Escort

78.1K 1.5K 428
                                    

Okay naman ang first day of class . . . except do'n sa deal ko sa banyo kasama ni Aiden. Kahit no'ng pauwi na kami ng barkada ko, ramdam ko ang titig niya. Grabe, gano'n na ba kasama ang ginawa ko? Kung sasabihin ko kasi 'to kina Geanne at Nica, panigurado, tukso lang ang abot ko.

Kung Jake . . . next time na lang siguro. Kung maging isang malaking hambog na naman si Aiden, saka ko na isumbong.

Di ko tuloy maiwasang tingnan ang ibang profile niya, pero ayun, pa-mysterious pala ang mokong. Bukod sa walang kalaman-laman ang profile niya, wala ring ma-stalk-stalk. Pero may mga picture siya. Doon ko nalaman na anak pala siya ni Mayor Aimon, ang mayor sa lugar namin. Oo nga naman, Mayor Aimon Smith. Malay ko ba. Sa kanya siguro galing ang pangalan ni Aiden.

Doon ko rin nakita na siya pala ang may gawa ng pinakagusto kong artwork last year sa math exhibit—anghel na nakabuka ang pakpak pero nakatakip ang mukha, 'tapos may hawak na kamay ng isang lalaki na umiiyak at nakaharap sa kanya. 'Yung kamay ng lalaki, may dugo.

May auction-auction pa nga sa math club para pamparami ng funds ng club nila, at isa 'yon sa mga in-auction. Gusto ko nga bilhin kasi parang ang lungkot, tipong gustong umiyak ng puso ko. Basta ang daming emotions. Pero baka mapagkamalan pa akong kabilang sa fans club niya. No way.

Anyway, bakit ko ba siya sine-search? He's not worth my time.

✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦

Pasakay na sana ako sa bike ko the next day nang biglang may bumisina. Kotse nina Jake.

"Sakay na, Kai," aya niya saka bumaba para tulungan akong isabit ang bike ko sa bike rack sa likod ng sasakyan niya na nito lang din nila ipinakabit. Ngumiti lang ako. "Mga kapatid mo?"

"Mamaya pa sila," sagot ko. Magka-school sina Keisha at Koko. Lalakarin lang naman nila ang school nila kasi sa loob lang din naman ng subdivision namin. Si Ate Karylle naman, flexible ang sched sa college. Malamang, tulog pa 'yon. Ako lang talaga ang kailangan makaalis ng mga six.

Pagkasakay na pagkasakay ko, binati ko kaagad ang driver nina Jake. Sumakay ako sa likod, like the usual. Pero ang hindi usual ngayon ay ang pagsakay din ni Jake sa tabi ko. Madalas kasi, doon siya sa passenger's seat.

"O, ba't ka nandito?" tanong ko.

"Masama?" tukso niya, saka ako kinurot sa pisngi. Natural, umaray ako. Tinignan lang niya 'yung driver saka sinabing mag-drive na.

Ayan na naman. May nagbago na naman. Pero di ko naman kailangang mag-worry, di ba?

Dumeretso kami sa classroom. At dahil maaga pa, tumabi muna ako sa kanya at natulog sa may balikat niya. Gano'n naman kami simula noon pa. Alam kong pagdilat ng mga mata ko, tutuksuhin na naman ako nina Geanne at Nica. Pero dahil sanay na ako, binabalewala ko lang.

Nang narinig kong mag-bell, saka ako bumangon. Tama nga ako—nando'n sina Geanne, Nica, at Migs na handa nang tuksuhin ko.

Pero ang weird lang kasi nakatitig din si Aiden sa 'kin.

Nang nagtagpo naman ang mga mata namin, umiwas siya ng tingin saka umupo sa upuan niya. Problema nito?

"Settle down, class," sabi ni Ms. Lorna. Homeroom ang first class din kasi. Pagkatapos ng ilang announcements, saka niya sinabi na magbobotohan na ng class officers.

"Who wants to preside?" tanong niya. Walang nag-volunteer, kaya tumingin siya kay Nica dahil siya ang nasa pinakaunang seat. "Ms. de las Alas?"

Tumayo si Nica. Napangiti kaming magkakabarkada nang siya ang tinawag. "The position for president is now open . . ."

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon