My days had been the same—sandamukal na pang-aasar ni Aiden with a little bit of acads. Dumaan na ang maraming araw pero wala siyang pinapalagpas na minuto hangga't di niya ko naaasar. Sabi nga ng barkada ko, kung nasa panahon pa kami ng comedy noong eighties at early nineties kung saan punchline pa ang mga pisikal na atake—tulad ng "gusto mong ilibing kita ng buhay" o "ibabad kaya kita sa toilet" o "isampay kita sa araw, gusto mo?"—peak comedy na kami. Kaso, death threat na itong mga ito sa panahon ngayon, and rightly so. Ayun nga lang, minsan, sa sobrang pang-aasar ni Aiden, di ko maiwasang banggitin ang mga ganitong linyahan.
Hindi rin naman ako magpapatalo kung saka-sakaling hamunin niya ako ng suntukan o sabunutan sa field.
Itong araw na 'to, halos walang teachers kasi may laban sa ibang school. At dahil 'yung ibang teachers ay may gagawin din daw, halos buong araw kaming walang klase.
Kagagaling ko lang ng canteen nang marinig ko ang mga classmates ko na nag-uusap kung ano'ng puwedeng gawin. 'Yung iba kasi nakahilata na sa sahig. 'Yung iba naman, nagsusulat na lang sa board ng kung ano-ano.
Ako, lumalayo-layo kay Aiden.
"Sana hindi na lang tayo pinapasok," reklamo ni Migs.
"Sana nag-binge-watch na lang ako ng anime," gatong naman ni Nica.
"Dineklara na lang sanang holiday ngayon," dagdag ni Geanne. "Meron bang students' day? Kung may teachers' day, dapag may students' day, ano?"
"Pres," tawag ni Migs kay Jake na nasa may bulletin board sa likod ng classroom para ayusin ang mga nakalagay. "Pakulo ka naman."
Tumingin ang buong klase si Jake. Napakamot lang siya sa ulo saka sinabing, "Igilid n'yo 'yung mga upuan."
At ayun na nga ang superhero ng III-1. Ang best friend kong dedicated na class officer. Kaya nga siya ang lagi naming binobotong president kasi nakakaisip siya ng paraan para hindi kami ma-bore. Minsan, siya pa ang nagpapa-games as review sa mga subjects.
Ginawa namin ang sinabi niya. Inayos namin ang mga upuan saka palibot na umupo sa sahig.
"Ano ba'ng gagawin natin, Jake?" tanong ko, curious.
"Truth or dare."
Naghiyawan ang mga kaklase namin. Hindi kasi ganito kung magpa-activity si Jake. Madalas, "academic" pa rin, as in sinseryoso niya ang pagiging presidente ng isang section na nasa cream of the crop. Nanibago kaming lahat; at the same time, na-excite din.
May pinapaikot na bote, at kung kanino natapat, siya ang pipili kung truth o dare. Kung naulit, e di, 'yung katabi. Nakakatawa nga lang dahil Truth or Dare ang game, pero puro dare ang pinipili dahil exciting. 'Yung iba, napasigaw ng pangalan ng crush nila sa Quadrangle. 'Yung iba, nag-macho dance sa pinto. No'ng natapat kay Nica, truth ang pinili. Siya yata ang first.
Ako ang nagtanong: "Nasaktan ka ba no'ng naging sina Geanne at Migs pero ikaw naman talaga ang balak ligawan?"
Kinilig ang lahat. Pati nga sina Geanne at Migs, hinihintay ang sagot niya.
"Oo. Pero no'ng time kasi na 'yon, medyo kaka-move on ko lang sa online fling ko na biglang di na nag-chat. E, no'ng napagdesisyunan kong isikreto na lang na sagutin ko si Migs, nalaman kong gusto na ni Migs si Geanne. Ako naman ang may kasalanan. Isa pa . . ." Tumingin siya kina Geanne at Migs. "They're happy. At masaya ako para sa kanila. Ngayon ko nga lang na-realize na fit talaga ang personality nila para sa isa't isa. Kung ako, baka isang linggo lang kami."
Nagtawanan ang lahat.
"Past na 'yon. Tanggap ko naman eh," dagdag niya. "Ano, baka puwede na iikot?"
"Hug muna!" sigaw ng isa naming kaklase.
BINABASA MO ANG
Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)
Teen FictionNaniniwala si Kyleen Ylkivia Tuazon, o Kai, na magulo na ang buhay niya gawa ng mga pangyayaring nakapagpawala ng kanyang mga alaala at ng buhay ng isang kaibigan. Dahil dito, isinasabuhay niya ang isang tahimik na buhay-estudyante, malayo sa madala...